Klyde's Point of View
I WOKE UP feeling the pain in my head. Pakiramdaman ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit. Malamang ay hang over, dahan dahan akong bumangon at dumiretso sa banyo at umihi. Tangina, umaga na naman. Bakit ba nagising pa ako?
Wala na rin namang saysay ang buhay ko.
"Thank God you're awake!" muntikan na akong mapatalon ng may marinig akong boses ng babae, kaagad ko ibinalik ang Jun Jun ko sa boxer shorts na suot ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko na tumalikod, doon ko nakita ang isang maliit na babae na may suot na puting doctor's robe.
"Sino ka?" tanong ko, "Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan, hindi ba? It's been weeks since dito ka sa place ko natutulog!" nakasimangot na ani niya, "Ano? Ako?" gulat na tanong ko, tumango siya atsaka niya pinagkrus ang mga braso sa sariling dibdib. Napaiwas ako ng tingin, what the fuck?
Pwede pa lang magkaroon ng ganon ang ganito kaliit na babae? Ah, baka sa genes.
"Ano? Hay, ewan ko sayo!" inis na ani niya, tinalikuran niya ako. "Pakiligpit ang higaan parang awa mo na," sambit niya, "T-Teka!" tawag ko sa kaniya, "Ano?" tanong niya atsaka ako nilingon, "Anong pangalan mo?" tanong ko, "Avani. Avani Heather Gallagher," sagot niya, "Wait . . . I think I know you . . ." napakunot ang noo ko, pilit kong inaalala kung saan ko narinig ang pangalan niya.
"Are you related to Argus Hector Gallagher?" tanong ko, "Yeah, he's my twin brother . . ." nanlaki ang mata ko, "Oh! He's my current business partner!" sambit ko, she smiled a bit. "Then, it's nice to know you, my twin brother's business partner. Mauna na ako, marami-rami pa akong paaanakin ngayong araw," sambit niya atsaka naglakad palayo habang kumakaway.
"Avani Gallagher, i see. . ."
PAGPATAK ng alas dose ng tanghali ay agad akong nakabalik sa lupa matapos ang ilang oras na pagliliwaliw sa yate. Dumiretso ako sa isang barbeque grill house at umupo sa isang table, medyo maraming tao kaya naman sa dulo na ako pumwesto.
Agad namang inabot sa akin ng waiter ang menu kaya agad rin akong nag order, akmang mag dadagdag pa ako ng foods ng may umupo sa harapan ko. Napangiti ako ng makita ko na si Avani iyon, unlike earlier she's now wearing a bikini top and a maong shorts shorts.
"Hmm . . . Isa po nitong aligue rice tapos buttered shrimp then fresh buko juice," sambit niya na nakangiti, "You look so happy," banggit ko, "Eh kasi naman nakita ko yung baby na ako yung nagpalabas sa Mommy niya and she's so cute!" sambit niya.
"You love babies?" medyo mahina kong tanong, she nooded yet her smile faded. "Gusto ko ng babies, pero i'll never have one. . ." sagot niya na ikinagulat ko, "Why? Sorry—" hindi na niya ako pinatapos, "As you can see, my brother and I grew up without parents. Pinagpasa-pasahan kami ng magulang namin. Alam mo naman na siguro ang mga nangyari," she sigh and looked at the sea.
"I see . . ."
"Yay! Foods ready!" she clapped her hands, I can't help but to smile widely. "Woah! Ngumiti ka? Nako ha! Masyado na ba kitang napapasaya?" natawa kami parehas dahil sa sinabi niya, napailing-iling na lamang ako at nag simulang kumain.
"Nag su-surf ka ba?" tanong ko aa kaniya, "Yeah, i started seven years ago i think . . . matagal na rin akong nakatira dito eh," sambit niya, "Ako naman mag iisa't kalahating taon na dito," sambit ko, "Oh? I thought tourist ka lang dito? Tsaka hindi kita madalas nakikita," ani niya, "To be honest, i rarely go out kapag nasa labas naman ako it's either nasa yate ako or bumili lang ng food," sagot ko.
"Madalas pa rin naman ako sa Manila, atsaka kaya ilang araw akong lasing eh may pinoproblema ako. . . Hindi na nga ako iinom mamaya, sobrang sakit sa ulo!" dagdag ko pa. "Sinisira mo pa organs mo . . . mas mabuti ngang wag ka na uminom, likot mo katabi!"
"Sorry, hindi ko rin talaga alam kung bakit ako napupunta sa kwarto mo," sagot ko, "Kakatatok ka sa gabi tas pag nag bukas ako ng door papasok ka na tas mahihiga diretso sa kama. . ." napailing-iling siya, ". . . Magkatapat kasi ang kwarto natin, kaya siguro sa sobrang hilo mo eh napagkakamalan mong kwarto mo iyong kwarto ko," dagdag niya pa.
Napangiwi ako, "I'm sorry . . ." nahihiya na ani ko, bahagya akong napayuko. Ano bang pinaggagawa ko? The hell, nakakahiya ng sobra!
"Wag ka na mahiya, ayos lang. Aside from that wala ka namang ibang ginawa," biglang sambit niya, "Sorry talaga," ani ko, "Hay! Okay nga lang yun! Sige, para hindi ka na ma guilty. . . surf with me later!" that put a smile on my face.
"Sige, I'll surf with you later. . ."
"ARE YOU TIRED?" she asked me, we just surfed for more than ten times now. What the hell . . . she's so energetic, hindi ko alam kung energetic ba siya or talaga ngang tumatanda na ako. Siguro, tumatanda na ako pero hindi ba at bata pa naman ang thirty seven? Tama, tama. Bata pa.
Pero kahit naman tumanda ako, gwapo pa rin ako, matangkad, mayaman, matalino, may magandang sense of humor at higit sa lahat may malaking—
"Hala si madam? Bakit ngumingiti ka mag isa? Nababaliw ka na ba?" her voice sounds scared but her face expression looks funny. "I'm sorry, may naisip lang," sagot ko, what the fuck . . . that was embarrassing!
Nabigla ako ng biglaan siyang tumawa.
"Sa lagay na yan . . . ako pa ang nababaliw?"
"Siyempre! Hays, mga lalaki nga naman! Hali ka na! Ang ganda ng alon oh!"
Natulala na lamang ako sa kaniya ng magtatakbo siya papunta sa dagat habang bitbit ang surf board niya, she's undeniably stunning. There's something about her na hindi ko maipaliwanag.
"Klyde! Tara na! Dali!" hiyaw niya, napapailing na binitbit ko ang surf board ko atsaka ako naglakad patungo sa kaniya, "Heto na . . . Hindi ka pa ba pagod?" tanong ko, umiling siya. "Hindi pa, mga 89 % pa ang energy ko . . . Bakit pagod ka na ba?" she looked at me from head to toe.
"Are you basically judging me right now?" takang tanong ko, she smiled cutely. "No po, it's just you give this vibe . . ." sagot niya.
Napakunot ang noo ko.
"Anong vibe?" tanong ko.
"Tito vibes!"
At pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumakbo palayo.
"A-Ako? Tito . . . what the hell?!"
S W E E T D E N
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Klyde Moretti
RomanceDue to being infertile, Klyde decided to stay in La Union. Tinanggap na niya sa sarili niya na hindi niya kayang makabuo at wala ng babaeng magmamahal sa baog na katulad niya, but then he met the talkative doctor named Avani. They bond together, cre...