Chapter 6

859 12 2
                                    

Klyde's Point of View


TUTOK na tutok si Avani sa sarili niyang laptop ng pumasok ako sa opisina niya dito sa Clinic niya, sa sobrang busy niya ay ni hindi niya namalayan na may pumasok na sa Opisina niya. Napailing-iling na lamang ako, naglakad ako papalapit sa kaniya atsaka ko siya kinalabit.




Nakakunot ang noo na tumingin siya sa akin, pero agad naman na napalitan ng gulat na ekspresyon ang mukha niya ng makita ako. "Baby, you didn't tell me you'll come here," she said, feeling dismayed. Nakangiting niyakap ko siya, "I texted you, but you were so busy. . ." sagot ko, "I'm sorry, i have so many work to finish," panghihingi niya ng paumanhin.





"It's okay," sagot ko atsaka ako bumitaw sa yakap, inilapag ko sa table niya ang paper bag na naglalaman ng pagkain na iniluto ko para sa kaniya. Simpleng chicken adobo lang naman iyon atsaka garlic fried rice na masarap pag pinag tambal. Sana lang ay ma-appreciate niya dahil ilang oras rin ang iginugol ko para lutuin ang isang iyon, kung kasing galing lang sana ako Khalil mag luto baka halos araw-araw siyang busog.






Sa ngayon, baby steps muna. Sa akin muna siya mabubusog.





Joke!




"Aw, you cooked?" she asked and stood up to look the the food, her eyes were sparkling while taking the two tupperwares out of the paper bag. Simpleng Adobo lang naman iyon at sinangag, hindi matanggal ang ngiti niya. Hinarap niya ako at piniga ang pisngi ko, "Thank you, baby!" and with that, she kissed my lips.





After niyang picture-an at purihin ay umupo na rin siya at nag simulang kumain samantalang ako naman ay umupo naman sa tabi niya dahil wala naman akong planong umalis dahil masyadong nag c-crave ako sa presensya, lambing at alaga niya.






Ang dami niyang papers. Mayroong sa Hospital na itinatayo sa Maynila at sa sariling negosyo ng magulang nila na ipinamana sa kaniya, at mayroon pa dito sa clinic niya. Naawa na nga ako sa kaniya, kung minsan ay tinutulungan ko siya pero siya mismo ang nag iinsist na huwag na dahil kaya naman daw niya. Medyo naiinis ako dahil ayaw ko na nahihirapan siya pero no choice naman ako, ayokong ma stress pa siya dahil nag pumilit ako.






Ngumuso ako atsaka ko siya niyakap sa bewang niya habang parehas kaming nakaupo sa kani-kaniyang upuan. Natigilan siya at ibinaba ang kubyertos, ang kaniyang kanang braso at yumakap rin sa akin, "May problema ba?" masuyong tanong niya sa akin, umiling ako.





"Gusto lang kita yakapin, pakiramdam ko sobra kitang namimiss kahit pa magkatabi naman tayo matulog sa gabi," sagot ko.






Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan iyon, "Pasensya ka na, hindi kita masyadong napag tutuunan ng pansin. Pangako, pag natapos ang lahat ng ito, sayong sayo na ang oras at atensyon ko," sambit niya na ikinangiti ko.





Nakaka tanggal angas talaga itong si Avani ko— Avani KO?!







Pakiramdaman ko ay nag init ang pisngi ko, ngayon kang yata ako ulit kinilig ng ganito. Grabe naman kasi itong babaeng ito, hindi kaya pinakulam niya ako? Ay, hindi naman siguro. So far kasi hindi naman bawas ang buhok ko, pero wait— hindi ko pala alam. Hayaan na nga, kahit naman hindi niya ako ipakulam alam na alam kong magkakaganito pa rin ako sa kaniya.






Niyakap ko siya mula sa tagiliran niya atsaka ko isinubsob ang mukha ko sa bandang leeg niya.





Gustong gusto ko ang amoy niya. Hindi siya tadtad ng pabango pero tama lang ang amoy para na rin mag sabing kahit papaano ay nag lagay siya. Hindi ito masakit sa ilong bagama't ito'y nakaka adik. Hinding-hindi yata ako mag sasawa na amoy amuyin siya.





"Anong ginawa mo kanina sa Condo?" tanong niya, pakiramdam ko ay nararamdaman niya ang pangungulila ko sa presensya niya bagama't masyado nga siyang busy ngayon. "Nag attend lang ako ng zoom meeting tapos nag gym ako, then dumaan ako saglit sa beach kasi gusto ko mag surfing," sagot ko.






"Hindi ka pa pagod? Nakapag luto ka pa po," nag aalalang tanong niya, umiling ako. Kahit naman sobrang pagod ako, kapag nakikita ko siya bigla bigla namang nawawala ang pagod ko. Akala ko nga dati sobrang cheesy lang yung mga nag po-post online ng mga quotes na "Ikaw ang pahinga ko", tinawanan ko yon hanggang sa namalayan ko na lang na pupwede palang maging pahinga ang isang tao.






"Hindi naman ako pagod. . ."






"Klyde, surfing is enough to make a person tired. Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pagod, look at your eyes— you look worned out!" inis na sambit niya dahilan para mapanguso ako.






Hindi niya ba ako gustong nandito?






Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo ng maayos— yumuko rin ako dahil ayaw kong makita niya ang pag nguso ko.





"Hindi ako galit, Klyde. Ang akin lang, ayaw kitang masyadong mapagod. You did so many things already, it's just . . ." bumuntong hininga siya. Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya.






Ayaw niya akong mapagod.






Pero ayaw ko rin naman siyang mapagod.






". . . Humarap ka sa akin, Mr. Moretti,"







Sinunod ko naman siya kaagad. Inayos ko na rin ang ekspresyon ng mukha ko dahil hindi niya tiyak iyon magugustuhan. Kahit naman ako ay ayaw ko. I look like a kid who's about to cry because someone didn't give me a candy. That's quite embarrassing.






"Hindi kita pinagagalitan. Hindi ko inaayawan na dalhan mo ako ng pagkain— masarap ang luto mo at kinikilig ako. Pero pwede bang huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo? Kapag sobrang dami mo ng ginagawa, pwede bang mag pahinga ka after?" sambit niya.







"Pinagpahinga mo ako, pero ikaw naman mismo— hindi mo ginagawa ang sinasabi mo," bulong ko, bulong ko na inaakala kong hindi niya maririnig.







"Well, that's a different thing?"






Her answer made both of us bursting out of laughing.






We laugh until we're satisfied.






And when we stop laughing, i found myself staring at her. Looking at her while mesmerizing her beauty. Avani— she's basically perfect. She has everything—looks, kindness and ofcourse brain. I now understand why her brother cherished her so much.






I was smiling until i realized that i am not fit for her.






Avani deserves everything.






She should not stay with a man like me— a man who's not even capable of bring a child to a woman's womb. . .









S W E E T D E N

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Billionaire Bachelors: Klyde Moretti Where stories live. Discover now