Klyde's Point of View
"WHAT are your plans, hijo?"
I sigh when i suddenly remembered my Mom's question, she knows about my condition yet she's still forcing me to find a way to get myself a heir. "Laging nakasimangot, ang ganda ganda ng araw oh! Ngumiti ka naman," nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Avani.
Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang order niyang kape at tinapay sa table, pagkatapos ay ibinalik niya ang tray. Ilang sandali lang ay nakabalik siya agad at mabilis na naupo sa harapan ko, "You look pale," puna ko, "Ah, wala 'to. Nagkaroon kasi ng problema kanina sa Clinic ko," sagot niya, "What happened? Ikwento mo sakin, makikinig ko," curious na tanong ko.
"Muntikan ka kasing mawalan ng buhay iyong teenager na pinaanak ko, akala ko hindi niya kakayanin pero she survived. Iniisip ko kapag hindi siya naka survive, paano na yung baby niya?" mahina ang boses niya this time, "...They were sent to the Hospital sa kabilang bayan to make sure," dagdag niya pa at uminom ng Iced Spanish Latte niya.
"Everything's okay, huwag mo ng isipin. Both of them are fine, you did well. Nagawa mong mabuti ang trabaho mo, kaya huwag mo ng isipin masyado," sagot ko, "Hindi naman ganon kadali yun, hindi naman iyon basta matutulog na lamang ako tapos pagkagising ko kinabukasan makakalimutan ko na na muntikan na mawalan ng nanay ang isang bagong silang na sanggol dahil walang kwenta ang naging doctor?"
"I'm sorry..." bulong ko, "Hay, ayos lang... Normal lang naman na hindi mo ako maintindihan kasi hindi ka naman doctor. Business Man ka at naiintindihan ko," sagot niya at kinain ang order niyang tinapay, "Ikaw? Nakita kitang bumununtong hininga kanina, anong nangyari?" umiling ako at uminom ng kape ko.
"Wala, ano lang... Business related problems, totally normal," pagsisinungaling ko, hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang tunay na rason. "Pasensya na, pero nababasa ko sa mukha mo na hindi naman iyon ang problema mo. Kung hindi mo kayang sabihin sa akin, isa lang ang masasabi ko. Kung ano man yang dinadala mo, balang araw malalagpasan mo rin yan," sambit niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti, "Thank you, Avani..." ani ko, "You're welcome, Klyde," sagot niya.
"Up for watching sunset later? I have my yatch with me," tanong ko, "Sige ba, libre ba? May foods?" tumango ako, "Oo naman. I'll call my chef later, tell me what foods to you want. Ipapaluto ko sa kaniya," sagot ko, "Sige ha, pero tayo lang? Ang laki ng Yate, pero parang ang lungkot naman," tanong niya pa.
"It's not boring as you think," sagot ko, ". . . Ay, feel ko boring for you. Sa akin kasi hindi naman eh, mas nag eenjoy ako kapag few people lang ang nasa Yatch," dagdag ko pa.
"Introvert?" umiling ako, "Ambivert," sagot ko. "Oh, you're friends with Montero, Cooper, Laurent and Alcantara? I've been seeing you guys at the magazines," tumango ako at bahagyang napangiti, "Ah the Spades advertisements," tumango siya.
"Hindi lang yun eh, kita kita nag mo-modelling rin kayo," natawa ako, "Wow, you know so much. . ." nahihiyang kumain siya ng cake at ngumiti sa akin, "Kumain ka ng mabuti, i'll take you to watch sunset with me later," she nooded and continued eating.
"MEDYO nakakatakot," ani niya habang nasa rails kami ng yate, malayo na kami sa pampang at nasa malalim na parte na tiyak. "Sanayan lang," sagot ko atsaka ko tinungga ang alak sa baso ko, "Lagi ka ba rito?" tanong niya, "Hindi naman lagi, minsan lang kapag nandito ako. Madalas rin ako sa Maynila eh," sagot ko.
Tumango tango siya at uminom ng wine, "Maganda ang view rito, maganda sa picture pero nakakatakot," sambit niya, she asked me to take her pictures kanina. It came out so good, maganda naman kasi ang pinicturan.
". . . Nakakaoverthink, what if bigla 'tong lumubog? Tapos, kainin tayo ng mga pating?" namutla pa siya lalo, hindi ko mapigilang matawa. "That won't happen," sagot ko, "Paano ka nakakasiguro?" tanong niya, "I just know..." muli akong nag salin ng alak atsaka ko muna ibinaba sa lamesa ang baso ko.
"Klyde," tawag niya sa akin, "Bakit?" tanong ko atsaka ako nag lakad patungo sa tabi niya. "Alam mo, parang ang saya mong tignan pero kapag kasama kita pakiramdam ko ang lungkot mo," ani niya, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ang saya saya mo kasama, pero ang nararamdaman ko eh iyang kalungkutan mo," ani niya, pilit na ngumiti ako. "Ang ganda ng panahon ngayon 'no?" pag iiba ko sa usapan.
Hinubad ko ang t-shirt ko atsaka ako tumalon sa dagat.
"Hala! Klyde!"
"Tara! Walang pating dito, promise!" ani ko na natatawa, natatawa ako sa facial expression niya. Mukha siyang natatae na ewan. "Siraulo ka ba? Pano ka nakakasiguro na walang shark diyan?" kinakabahan na ani niya, "I just knew!"
Umiling siya, "Bahala ka, ikaw na lang diyan kung gusto mo. . . Panonoorin na lang kita mula dito," sambit niya atsaka umupo sa isang komportableng upuan.
Natawa na lamang ako at nagpatuloy na lumangoy.
"YOU'RE tired?"
Nilingon niya ako bago niya buksan ang kwarto niya, "Kinda," sagot niya, tumango tango ako. "Then, go to sleep now. . . See you tomorrow," sambit ko, tumango siya. "Yeah, but no water activities muna siguro. . ." natawa ako, "We're literally living beside the beach, Avani," ani ko.
"Pwede namang food trip, ilang araw na tayong nasa dagat. Pag ba araw araw tayo don magiging si Ariel ba ako?" humagikgik siya pagkatapos niya sabihin niya, napangiti na lamang ako.
"Go inside na," sambit ko, "Pasok ka, mag kape na muna ikaw bago bumalik sa room mo," aniya atsaka ako hinila papasok, wala na akong choice kung hindi mag stay.
Iniwanan niya ako sa salas atsaka siya dumiretso sa kusina, umupo ako sa sofa at ilang minuto lamang ay bumalik na siya dala ang isang tasa ng kape at isang baso ng gatas.
"You don't like coffee?" umiling siya, "Gusto, pero kapag yan ang ininom ko hindi na ako makakatulog," sagot niya, atsaka siya umupo sa tabi ko.
"You seem to be very different to your brother," puna ko, "Ay talaga," sambit niya.
". . . Mas masarap kasi ako doon!"
S W E E T D E N
YOU ARE READING
Billionaire Bachelors: Klyde Moretti
RomanceDue to being infertile, Klyde decided to stay in La Union. Tinanggap na niya sa sarili niya na hindi niya kayang makabuo at wala ng babaeng magmamahal sa baog na katulad niya, but then he met the talkative doctor named Avani. They bond together, cre...