Prologue:
"Hello! May tao po ba dito?" Pumasok ako sa pangatlong kwarto nitong mansiyon.
Kanina ko pa kasi hinahanap sila mom, umalis kasi ako kanina habang nakain sila kasama yung may-ari nitong bahay na business partner ni dad. Magpahangin lang sana ako sa labas, pero kanina pa ako paikot-ikot dito at hindi ko pa natatagpuan ang daan palabas nitong bahay nato. Kaya napag pasyahan ko na lang na bumalik na lang sa dining area, kaya lang diko na maalala kung saan ako dumaan kanina.
"Helloo!"
Dapat kasi 'dina lang ako umalis kanina eh. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan nitong kwarto ng may mahagip ang mata kong mga magagalaw na anino sa may likod ng kortina ng kwartong to. Sa palagay ko ay comfort room nitong kwartong to.
Dala ng kuryusidad ay dahan-dahan ko 'tong binuksan na naging dahilan ng panginginig ng buo kong katawan.
Ilang beses pa akong napakurap bago mag sink in sa akin kung ano ang nakikita ko.
"N—no! Mo—mom! Da—dad!" Nanlalambot ang mga tuhod akong napaupo sa sahig, habang tulalang nakatingin sa dalawang taong nasa harap ko habang nakahiga sa malamig na sahig at naliligo ng sarili nilang dugo.
Ilang beses akong napailing.
No!No!
Hi—hinde! Hindi to totoo!
Please! Wa—wag niyo kong lokohin!
Mom! Dad!
Gusto kong sumigaw at pabangunin sila pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko bukod sa malakas kong paghagulgol.
"mo—om! Dad!" My voice cracked.
Hindi! Hi—hindi to totoo! Panaginip lang to!Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa kanila. Ba—bakit sila nandiyan? Bakit sila... bakit!?
Mom! Bakit kayo andiyan? Diba iniwan ko lang kayo kanina para kumain? Mom! Dad! Bakit kayo puro dugo?
"Mom! Dad!" I cried.
Sunod-sunod ang pag patak ng mga luha ko.
Hinde! Wala akong mabigkas na salita kundi ang pagtawag lang sa kanilang dalawa.
Ano bang nangyare?!
Bakit sila nandiyan!?
Inalog ko si mom ng ilang ulit, pero napatigil ako ng mahawakan ko ang kutsilyo sa likod ni mommy. Nanginginig akong binunot to habang malakas na humagulgol ng iyak.
"Hindee! Mommmmm!"
Mommmm!
"E-era!?"
——————————————————
DISCLAIMER
Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2021.
Upon reading my story you may encounter a lot of ungrammatical errors and wrong spelling.
MayariHhermione _IHM
BINABASA MO ANG
Into Her Memories
Mystery / ThrillerEra Whinchell Harlow wants to find her mom's killer. After her father let her enter school again she have found out her mom's killer but she end up facing her painful death and got revive for a second time to unmask the real killer. TRUST NO ONE...