Felix.
"Talaga po andiyan na siya?" Kinakabhan akong tumingin sa kapatid ko na ngayon ay may masaya ring reaksiyon sa mukha.
"Yun ang sabi nila kumareng Edna, kanina lang daw dumating"
tumango na lang ako. Ibig sabihin ba nito nandito na ulit si Era? Ang tagal ko din siyang hindi nakita, simula kasi nung nagpunta siya sa Manila ay kahit sa facebook hindi kami nag-uusap. Kaya doble doble ang kaba ko ngayon."Kuya tara na kila ate Era" hinatak niya yung kamay ko kaya wala na akong nagawa ng makatapat kami sa bahay ng babaeng matagal ko ng hinihintay.
Malapit lang naman ang bahay namin sa kanila, at yung kausap namin kanina ay si lola. Sabi niya na naka uwi na daw ulit si Era. Kumusta na kaya siya?
"Oy! Ate Nessa si ate Era po ba andiyan?"
Tawag niya kay ate Nessa. Halata sa boses ng kapatid ko ang sobrang pagka sabik na makita si Era, pero ng humarap sa amin si Ate Nessa ay ngumiti lang ito ng tipid."Oh kayo pala, pasok kayo nasa taas siya nagpapahinga"
ng mabuksan ni ate Nessa yung gate ay agad pumasok si Mica na parang sa kanya yung bahay. Napailing na lang ako at ngumiti kay ate Nessa na katulong sa bahay na to."Pag pasensiyahan niyo na po yung kapatid ko, sobrang tagal na kasing di nakita si Era" ngumiti naman siya at tinapik lang ako sa balikat.
"Naiintindihan ko. Pero ipapaalala ko lang, kung sakaling may iba sa ugali niya intindihin niyo na sana" tumango lang ako at sumabay na sa kanya pumasok sa loob ng mansiyon. Pagpasok namin ay siyang baba naman ni Mica sa hagdan.
"Oh bakit?" Nagtataka kong tanong ng sumimangot siya at naupo sa couch ng living room.
"Baka tulog si ate, naka lock yung pinto ng kwarto eh. Hihintayin ko na lang magising." tumango na lang ako at naupo sa harap niyang couch.
"Mag meryenda muna kayo." nilapag ni ate Nessa yung dalawang baso ng juice at anim na cookies sa platito. Magiliw na ngumiti si Mica sa kanya at nagpasalamat.
"Ate Nessa! Siguro po mas gumanda si ate Era noh, yieeee baka lalong mainlov--afghjsjkaskh
Sinubuan ko siya ng dalawang cookies sa bibig para lang di niya matuloy ying sasabihin niya. Ngumiti naman si Manang Nessa at naupo rin sa tabi ni Mica.
"Ang daldal mo!""Kayo talagang dalawa para kayong mga bata." nagkatinginan kami ni Mica at sabay na tumawa.
"Ikaw kasi!" Paninisi niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay.
Matagal tagal na rin nung huli akong makapasok dito, ang laki na ng pinagbago. Bago na rin yung kulay ng pintura dito sa loob.
"Oo nga pala diba may trabaho ka?" Biglang salita ni Manang Nessa. Nagtataka akong tumingin sa kanya pati kay Mica. Trabaho? Mabilis akong napatayo at tumingin kay Mica.
Aishhh! Nakalimutan ko, late na nga ako!
"Oo nga po pala, sige una na po muna ako." tumakbo na ako palabas ng bahay bago pa makapang-asar yung kapatid ko.
Bakit ko ba nakalimutan na may shift ako ngayon? Aish! Yari nanaman ako nito kay boss!.
Dahan-dahan kong binuksan yung back door ng kitchen, para walang makapansin na ngayon pa lang ako papasok. Mas malapit kasi dito sa kitchen yung staff room ng hotel.
"Felix, bakit nandito ka?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng staff room, pero di pa lang ako nakakalayo ng magsalita siya ulit.
"Day off niyo ngayon diba?"
Teka!
Day off?
BINABASA MO ANG
Into Her Memories
Mistério / SuspenseEra Whinchell Harlow wants to find her mom's killer. After her father let her enter school again she have found out her mom's killer but she end up facing her painful death and got revive for a second time to unmask the real killer. TRUST NO ONE...