Kabanata 04: Mysterious letter

10 1 0
                                    

ERA.

Dati pinapangarap ko lang makasalamuha ang ibang tao, ngayon pinapangarap ko na ulit mag home schooling ulit. Kapag nasanay ka sa loob ng bahay at walang kausap na iba, mahirap pala mag adjust sa bagong environment na madadatnan mo.

"Era, right?" One of my classmate asked. Mahaba ang buhok niya na straight, may katamtaman na tangakad, balingkitan din siya at kayumangi. What's more attractive to her is her dimple in the left cheek.

She smiled as she stretched her hand. Nagtataka pa ako nung una pero ngumiti na lang din ako at tumango nung magets ko ang gusto niya mangyari.

"I'm Evelina." Pakilala niya sa'kin. Inabot ko naman yung kamay ko at ngumiti ng naiilang. Dapat ko pa bang sabihin yung pangalan ko eh alam naman na niya?

A-anong gagawin ko?

"Hii! Sama ka sa'min mag lunch?" Naiilang akong umiling ako at ngumiti sa isa pang babae na lumapit sa'kin.

"Halika na! Ako si Eunice." Pakilala rin nung babaeng nag-aya sakin mag lunch. Compare kay Evelina, this girl is taller than her, maputi ang balat niya at curly ang mahaba at ash grey niyang buhok.

Ang ganda nila.

"Kaya nga Era, sumama kana sa'min." Pag pipilit pa ni Evelina. Naiilang akong ngumiti at nagiwas ng tingin.

Paano ko ba sasabihing ayaw ko? Kinakabhan din ako. Paano ako aakto sa harap nila? Dapat ba akong sumama? Pero hindi ako komportable! Anong gagawin ko!?

Mas lumapit pa sakin si Eunice at akmang hahawakan yung kamay ko ay mabilis ko itong hinila papunta sa'kin.

"A-ano, ne-next time na lang. So-sorry!" I bit my lower lip. Yumuko ako para itago ang hiya.
Ano ba Era! May nag akit na sayo para mag lunch tapos tinangihan mo pa!

Nagugutom na ako!

"Sige." Eunice cheerfully answer. Napatunghay ako upang kumpirmahin na nakangiti siya. At napatulala na lang ako sa kanila kasi nakangiti sila sa'kin ng genuine.

"A-ano...sor-

"Nah. You don't have to say sorry. Kung ayaw mo ayos lang 'yon. You don't need to feel sorry." Putol sakin ni Evelina. She smiled at me genuinely. Nung sumulyap ako kay Eunice ay ganun din siya.

"True. Pero next time sasama kana sa'min ha? Sige una na kami." Dugtong naman ni Eunice

Mas lalo tuloy ako nanlumo at parang gusto ko na lang bawiin yung sinabi kong next time na lang.

Ngumiti ako sa kanila at tumango ng bahagya.

"See yah."
Sinundan ko lang sila ng tingin hangang sa makalabas sila. Ilang beses akong bumuntong hininga at nag cellphone na lang.

Pagkatapos akong ipakilala kanina ng professor, marami ng lumalapit sa'kin para makipag kaibigan pero hindi ako sanay. Kaya ayon tumatangi ako. Kasama na dun sila Evelina at Eunice. Isa pa, hindi ko rin alam kung talaga bang gusto nilang makipag kaibigan o pakitang tao lang.

Ayaw ko sa tao! Natatakot ako makisalamuha!

Ang ending naiwan ako dito sa classroom mag-isa. Pero mas gusto ko naman 'to kaysa sa sobrang dami ng kasama. Nasasakal ako kapag maraming tao sa paligid ko.

"Hey Whinch, hindi lalapit ang pagkain sayo dito sa room niyo." Nang lumingon ako sa pinto, isang lalaking prenteng naka sandal sa pinto habang naka cross arms ang nandoon.

At first hindi ko siya nakilala, pero naalala ko yung nasa sketchpad ko na may pangalang Elixir. Siya na marahil to. Inalis niya yung pagkaka halukipkip niya at bahagyang kumaway sa'kin habang nakangiti.

Into Her MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon