6 years after"Era anak baba ka na diyan, nandito na tayo" Ngumiti ako ng tipid kay manang Nessa ng buksan niya yung pinto at iabot yung kamay niya.
"Pero nak! ayos na ba talagang dito kana manatili? Ok ka na ba?" Ngumiti lang ulit ako ng tipid at hinawakan ng isa ko pang kamay yung kamay niya.
"Nang, ok lang po ako"I assured her.
"Sigurado ka?" I just nooded at tuluyan ng bumaba ng kotse. Sumalubong sa akin ang mahinahon na hangin na mula sa malawak na palayan sa harap ng mansiyon.
This isn't my first time here in Baler, to be honest this is my hometown and where I was born. After that tragedy 6 years ago I wasn't able to go here and stayed in Manila.
Sabi nila para daw hindi ko na maalala ang mga nangyare nung panahong yon. Pagkatapos non kahit isa sa mga pangyayaring yon ay wala na akong maalala maliban sa alam kong dumaan ang pamilya namin sa malaking trahedya. Pilit ko mang alalahanin pero kahit anong gawin ko wala talaga akong maalala.
Naglalakad na ako papasok sa gate ng makita kong nakatingin sa akin yung kapitbahay namin habang nag-uusap. Muli ko na lang binaling sa mansiyon namin ang aking tingin. Hindi kasi ipinasok ni kuya Ed yung kotse sa may garage kasi susunduin pa niya si dad. Ngunit hindi pa lang ako nakakapasok ng marinig ko ang usapan sa likod ko which is harap ng bahay namin na tindahan ni ate Edna.
"Dumating na pala siya."
"Nako! Baka tuluyan na niyang patayin yung tatay niya. Kawawa naman!" I bite my lower lip and clenched my fist into tight. Ano bang alam nila? I was just 12 years old that time at pagkatapos ng gabing yon, wala na akong ibang maalala kundi and pagpasok ko sa isang kwartong hindi pamilyar sakin. Pero bakit lahat sila sa akin ibinaling ang sisi.
"Sshh. Wag kayong maingay nakatingin si Nessa."
"Nang-"Era pumasok na tayo, maaraw naman ngunit nakakalat nanaman ang mga palaka sa paligid." Sigaw niya, napansin ko ang pag isnab ng mga kausap ni Aling Edna habang si manang Nessa ay parang bale wala lang sa kany.
Sobra talaga akong nagpapasalamat na meron akong maituturing na pangalawang nanay. She's is Manang Nessa, ang tagapag alaga ko simula pa bata ako. Nung mga panahong hinahamak ako ng lahat siya ang unang-unang nagtanggol sakin noon. Siya rin ang unang naniwala na hindi ko kayang gawin ang mga ibinibintang nilang lahat.
Pagtapak ko sa marmol na sahig ay agad naagaw ng pansin ko ang malaking picture frame namin tatlo nila mom. Wala akong imik na nilapitan yon at hinawakan sa mukha ang inosenteng mukha ng aking Ina. This is my last picture with her. Kung alam ko lang na yun na rin pala yung huling araw na makakasama ko siya sana 'di na lang ako umalis sa dining nila tito Roel. (Business partner ni dad)
"Siya ba yun?"
Sino yon? Parang sa may kitchen nangaling yung boses non. Nasa left side ko kasi yung kitchen at sa right side yung terrace, tas etong painting yung unang mo mabubungaran pagpasok mo sa front door, tapos sa pinaka gitna nitong bahay ay hagdan pataas sa second floor."Oo siya nga!"
"Siya yung anak ni Eriana."
Eriana? That's my mom's name, so they were pertaining on me? Pinaguusapan ba nila ako na parang bingi ako at hindi sila naririnig. Nanatili akong nakayuko at napakuyom ulit ng kamao. Hindi nila alam kung gaano ko gustong makaalala pero palagi akong pinagkakaitan ng mga ala-ala."Diba siya rin yung pumatay kay Eriana? Na sarili niyang ina."
"Hinde! Hindi siya. Hindi niyo ba nabalitaan na may witness daw." bahagya silang tumigil sa pag uusapan, marahil siguro'y tinitigan ni manang ng masama. Napasulyap ako kay manang ng nramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.
"Nang ayos lang po, una na po ako sa taas."
BINABASA MO ANG
Into Her Memories
Mystery / ThrillerEra Whinchell Harlow wants to find her mom's killer. After her father let her enter school again she have found out her mom's killer but she end up facing her painful death and got revive for a second time to unmask the real killer. TRUST NO ONE...