Kabanata 05: Facing the Killer

10 2 0
                                    

Era Whinchel Harlow

Ilang beses akong umikot sa kama ko bago napagpasyahan na tunayo at lumabas.

Yung siraulong Elixir na yon!

Ano bang nasa isip niya at ginawa niya yon? At ano yung sinasabi niyang layuan ko si Angela at siya lang ang kakampi ko? Kakampi saan?

Isang lingo na akong napasok pero pagkatapos nung mga sinabi niyang yon bihira na ulit kami magkita. Ang palaging kasama ko na sila Evelina at Eunice. Pero ang walang hiya.

Sa isang Linggo na 'yon yung mga sinabi niya sa'kin ang iniisip ko hangang ngayon.

"Ohh, san mo yan dadalhin?" Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko yung pagalit na sigaw ni Melody.

"Kay Miss Era po." Anang katulong na laging nagdadala ng pagkain sa kwarto ko bukod kay manang Nessa.
Nagbago ang expression ni Melody at biglang tinabig yung tray na hawak nung babae. My eyes widen ganon din yung babae na may hawak ng tray, mukha na rin siyang iiyak.

Napasulyap ako sa paa nung babae, nalaglag kasi yung baso at nabasag. Kita mo yung paa niya na may nakatarak na bubog at dumudugo.

I clenched my fist and glares at her.

"Wala bang paa yang babaeng yan? Hindi na siya bata para dalhan pa ng pagkain sa taas. Isa pa, ako dapat yung pagsilbihan mo, hindi ba ako ang kumuha sayo dito?" Pagalit parin niyang sigaw dun sa babae na tahimik naman habang nakayuko.

Bahagya akong ngumisi at tumawa ng mahina.

Melody...melody... Habang natagal lumalabas ang tunay mong kulay. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan kaya walang nakapansin sa presensiya ko.

"Sorry po."

"Oh siya, linisin mo yan. Yung malditang yon dapat hindi na pinapakain, hindi magtatagal ako na ang magiging asawa ng daddy niya, sisiguraduhin kong-

Sisiguraduhing ano? I smirk but as soon as I step on the last step in the stairs I quickly change my expression into poker face.

"Someone just started to shed her skin." Natigilan siya at pareho silang napalingon sa gawi ko.

"What?" Taas kilay niyang tanong. Bahagya akong ngumiti at tuluyan ng lumapit sa kanila.

"Ohh? Anong nangyare?" Nag-aalala kong tanong sa babaeng katulong. Umiwas lang naman siya ng tingin at nung hahawakan ko sana yung tray au inilayo niya yung kamay niya.

"Sabi ko kasing mag-ingat eh, ayan tuloy tignan mo yang paa mo. Sige na ako na bahala diyan, linisin mo na muna yang sugat mo." Melody. She looks so worried from that girl. Bahagyang tumaas yung kilay ko nung mag umpisa niyang linisin yung mga bubog na nalaglag.

Ano to, Joke?!
Ilan bang mukha at balat ang meron siya?

"Ohh, Era kumain kana diyan. Para sabay na tayo." She said while still picking up those scattered shards. Ngumisi ako bago lumapit sa fridge at buksan ito.

"No, thanks." Maikli kong tugon bago kumuha ng apple sa fridge.

"Sigurado ka? Wala yung dad mo wala ka ng kasabay kumain mamaya."

Oh talaga? Wala si dad kaya feeling reyna ka. Ngumisi ako sa kanya bago siya irapan.

"Sanay ako mag-isa. " Tugon kong muli bago siya talikuran at umalis sa kitchen. Paglabas ko sa kitchen dumiretso muna ako sa cr.

Syempre dala ko yung mansanas, mahirap ng iwan sa labas baka mamaya lagyan niya ng lason.

"Argg! KIRSTEN! LINISIN MO TO! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA IPALINIS SA'KIN YUNG KALAT MO!" Lalong lumawak yung ngisi ko sa naging sigaw ni Melody. Mukhang akala niya nakaalis na ako ng bahay at kung maka-asta nanaman siya ay akala mo reyna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into Her MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon