Chapter Thirty

409 26 1
                                    

Chapter Thirty

"THERE'S nothing to worry, I already scattered my men in every street and area of the whole town, I'm sure in no time they'll find Halley, don't stress yourself of Halley's situation just think positive."

Naguguluhan siya kung anong uunahin ang kalagayan ni Hayes o ang paghahanap kay Halley, pero sa huli mas pinili niyang manatali sa tabi ng binata dahil pinaubaya niya nalang muna si Halley kay Erin para napagtuonan niya ng atensiyon si Hayes. Mabuti nalang at may tumutulong sa kaniya ngayon sa problemang ito dahil kung hindi ay baka mababaliw siya kung anong uunahin and she's sure that at the end she will chose Arkius because he means a lot to her.

Sabihan na siya ng masama dahil inuna niya ito kaysa sa sariling kapatid pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga kasama siya ni Hayes sa tabi habang lumalaban sa sakit nito. She won't miss a single time to spend with him their kids dahil ayaw niyang may masayang silang oras dahil baka pagsisihan lang nila iyon sa bandang huli.

"Via?"

Nang malaman niyang may sakit ito, nagulat talaga siya dahil hindi niya alam and she didn't expect that he's sick. Hayes looks healthy and energetic when he spends his time with them. Hindi rin naman ito nagpapakita ng karamdaman habang kasama nila that's why she didn't expect that he's not okay physically.

"Via?"

Nilukob ang kaniyang pagkatao sa takot na baka sa sakit nito ay maudlot ang kanilang pagbabati, walang saysay ang pag aayos ng ugnayan nila kung hindi ito gagaling. She didn't even know what's his whole situation. Baka malala na ang tumor nito at nasa kritikal stage na, there's a possibility that curing his illness is useless anymore that she doesn't want to happen. Dahil paano nalang siya kapag nawala ito? Paano nalang ang mga anak nila na hindi pa siya nakikilala ng pormal? Paano sila? Iiwan nalang ba sila nito ng basta basta?

"Via!"

She was cut out from her reverie when Erin shouted at her face.

"Hey! Don't shout at her, she's pregnant you boje head!" Edu said to Erin.

"S—Sorry for shouting at you, you're not listening to me. Kaya nasigawan kita para makuha atensiyon mo, kanina pa kasi ako nagsasalita dito tapos nakatulala ka lang sa kawalan na parang pasan mo ang buong mundo,"

Napahinga siya ng malalim dahil sa sinabi nito. She wanted to say sorry for being not in herself. Hindi nila siya masisisi dahil nawindang talaga siya nang malaman ang kalagayan ni Hayes.

"If it's about Hayes situation don't worry, he's going to be okay. I'll be the one will operate him, I will just tell his assigned doctor that I will be the one will perform the operation to make sure it will went successful. The medical director won't interfere because he's my Dad and he will automatically approved it."

Nginitian niya si Edu. "Thanks Edu, for everything that you do for me," senserong saad niya.

Wala si Hudson dahil umalis ito at sumunod kay Hayes palabas dahil kailangan ito ng binata. She really admired their bond as a friend.

Umingos si Edu. They're not close but they're civil. They respect each other's existence and that's what they love the most. Walang samaan ng loob, respeto lang. "Welcome. It's my job because I'm a doctor,"

Alam niyang ayaw lang nitong makaramdam siya ng utang na loob kaya dinadahilan nito ang propesiyon. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil hindi man sila malapit sa isa't isa, Edu is willing to do everything just for her sake. Hindi niya nga alam kung bakit nito sinusunod lahat ng pinag-uutos niya minsan kahit hindi na tungkol sa trabaho nito. There's one time that she asked him a small favor and she didn't expect that he will do it in a blink of an eye because she thought he will not oblige. Pero nagulat nalang siya dahil ginawa talaga nito ang inutos niya nang walang sinasabi at hindi nanghihingi ng bayad. Hindi nga niya narinig na nagreklamo at tinanong pa siya if she wanted it done as soon as possible or not.

Her WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon