'Ah, nakakainis naman! Late na ako''.
Sambit ni Hanon habang mabilis na naglalakad papasok sa klase niya. Kung bakit nman kasi nauso pa ang salitang 'Late'.
At dahil na rin sa bilis niyang paglalakad, sa pagliko niya ay nabangga niya ang malaking rebulto este tao. Dahil doon nahulog ang mga librong dala niya.
'Ano ba! Sa susunod naman tumingin ka sa dinaraanan mo!'' Sinabi niya ito habang pinupulot ang mga nahulog na libro.
''Hindi ko din alam kung bakit tumatakbo, Ms. Hindi ito playground''. Sabi ng lalaki.
Nang napulot na ni Hanon ang mga libro at tumayo para sagutin ang walanghiyang lalaki.
''Ako pa an--'' Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng makilala kung sino ang nabunggo niya. Napigil niya ang paghinga niya.
It's Sean Montefalco! For all people!
''Oo, ikaw ang may kasalanan. Ikaw 'tong sumulpot sa kung saan, Miss.'' Sean said it.
'''Sa susunod mag-iingat ka, wag kang tatanga-tanga '' Patuloy nito at naglakad na paalis.
At dahil na rin sa gulat ay hindi nakasagot si Hanon tsaka lang niya naintindihan ang sinabi nito.
''Wag kang tatanga-tanga''.
Tinawag ba niyang akong tanga? Ako tanga? Aba't.
Sasagot na sana siya ng maalala na mali-late na siya sa klase niya.
May araw ka rin, Sean Montefalco.
---------------------------------------
''Hanon Mae Alcaraz!'' sigaw ng kaibigan kung si Apple na papalapit sa akin sa kinauupuan ko sa Canteen. Lunch time kasi.
''Ba't ka biglang umalis sa room? Nag-uusap lang kami eh. Hindi mo man lang ako hinintay''.
Tinignan ko lang siya habang kumakain ako ng sandwich. Ba't hindi siya aalis eh, ang walang kwentang si Sean ang pinag-uusapan nila. Hindi naman ako galit, naiinis lang ako. Tawagin ba naman akong tanga? Ba't kasi nasa 4rt year high school campus ang lalaki yon. Oo nga pala, 4rt year high school ako.
''Hoy! Ano na? Sagutin mo kaya ako.'' Sabi ni Apple.
''Nagugutom ako kaya umalis ako. Kayo naman kasi isang oras lang nga ang lunch break natin kung anu-ano pa pinag-uusapan niyo.
''Ikaw talaga ang KJ mo. Ano ba namang masama kung mag-usap-usap kami. Kahit kailan talaga anti-social ka.'' Sabi niya.
''Hindi kaya!''
''Oo kaya!''
''Ewan ko sa iyo. Bumili ka na nga ng pagkain mo. Baka maubusan ka pa.''
''Hindi mo ako binilhan? Ang sama mo.''
''Ba't kita bibilhan wala ka namang ibinigay na pera''. Sabi ko naman.
Tumawa na lang ito at tumayo para bumili ng pagkain.
Naging magkaibagan kami last year, nnong 3rd year kami. Magkaklase kami kaya naging malapit kami sa isa't-isa. Pero may tatlo akong bestfriend. Mga kababata ko.
''Ui, alam mo ba na pumunta dito sa building natin si Sean Montefalco.''
Sabi ni Apple ng bumalik siya sa kinauupuan ko na dala na ang binili niyang pagkain. Umupo ito.
''Ano naman ang bago doon?'' Nasabi ko lang.
Hay. Masyado talagang sikat si Sean Montefalco, oh well, kung tutuuosin hindi lang siya ang sikat pati mga kaibigan niya. Ba't hindi nga naman sisikat eh, mayaman, matalino at athletic.
Kahit ako may crush sa kanya pero syempre hindi ko aaminin sa mga kaibigan ko. Haha. Ang dami nang nagkakagusto doon at ayaw ko ng makisali lalo na at tinawag niya akong tanga. -_-
''May bago doon, friend. Si Marinar Almedilla lang naman ay nililigawan niya''.
''Si Marinar? Bagay sila''. Ang nasabi ko lang.
''Hay naku, Hanon. Wala ka bang ibang sasabihin? 'Diba same school kayo ni Marinar noong Elementary? Ano ba ugali niya? Masama ba? Mabait?'' Tanong niya habang kumakain.
''Oo, same school kami. Same saction noong Grade 6. Valedictorian siya noong mag-graduete kami sa Elemtarya. Matalino, mabait.''
''Ay gano'n? Wala kabang masasabing masama sa kanya?''
Natawa na lang sa tanong ni Apple. Wala naman akong masasabing masama sa kanya.
Take note, ako pa ang napili niyang regaluhan noong Christmas Party namin. Gusto niyong malaman ang regalo niya? Wallet lang naman. Ordinaryong wallet at dahil hindi naman ako mahilig sa wallet ibinigay ko na lang sa Mama ko.
''Wala akong masasabing masama sa kanya, Apple. Atska hindi namin kami close eh, ni wala nga akong naalala na nag-usap kami. Clasmate ko din noon ang mga best friend ko kaya wala akong masyadong kinakausap.'' Ang sabi ko na lang.
''Hay naku. Kayo na nahindi naghihiwalay ng mga best friend mo.''
Tumawa lang ako sa sinabi niya.
''Bilisan muna nga lang.''