Nagkakagulo na ang mga ibang estudyante kasi nagsimula na ang MAPEH dance competition. Ako naman ay tapos na rin mag-ayos at nakaupo na lang ako ako sa upuan ko.
"Tapos ka na ba magmake-up, Han?" -Apple
"Oo. Kinakabahan nga ako eh."
"Halos lahat naman tayo. Hay, naku. Asaan na ba si Jeric?': sigaw ni Dawn.
Waltz na kasi ang sumasayaw at pangwalo kami sa magsasayaw pero ito at wala pa ang lider namin na may dala ng CD namin.
"Teka, baka naman puwede nating sabihin sa kanila na sa huli na lang tayo sumayaw kasi wala ang CD natin." -Apple.
"Oo nga naman, Dawn. Puntahan natin si Ma'am at sabihin natin ang problema baka pagbigyan pa tayo." -Christina.
''Sige, sige, samahan mo ako." Dawn.
Kaya naman ayun tumakbo sila papunta sa faculty roon. Naman kasi, kung kailan dapat maaga siyang dumating tsaka naman nalate.
Pagkaraan ng ilang minuto at dumating na si Jeric. Kaya naman lumabas na kami sa Room namin. Nakakahiyang maglakad hanggang Gym ang daming estudyanteng tumitingin sa amin.
Nang dumating na kami doon at na umupo kami doon sa may hagdan. Halos lahat kaming magkaka-grupo ay naka-casual dress. Nanlalamig talaga ang kamay ko, tumingin ako sa mga naroroong mga estudyante na nakapalibot sa Gym. Ang dami nila, may mga college student din. At sa may gilid ay si Sean at mga kabarkada niya. Nakatingin ito sa akin! Agad akong tumingin sa ibang direksyon, ano ba 'yan mas lalo tuloy akong kinabahan. Ba't ba nanonood ang lalaking 'to.
Tapos tinawag ang Section Pearl. Kami na ang magsasayaw. Huminga ako ng malalim at tumayo. Ng naglalakad na kami ay may bilang humawak sa braso ko. Tinignan ko, si Lendon. Hm, ang gwapo niya sa suot nitong suit.
"Kalma ka lang, baka kung ano'ng gawin mong gulo."
Sasagot na sa na ako ng tumingin ako sa kanya tapos ngumiti. Walangya! Ba't ang gwapo niya. Ngumiti rin ako sa kanya.
Pumunta nakami sa mga posisyon namin. Then, nagsimula na kaming sumayaw ng marinig namin ang music.
Apat na minuto tumagal ang sayaw namin. Nang matapos ang sayaw namin ay hindi ko mapigilang tumingin sa direksyon kung saan nakaupo si Sean. At ayun, nakakunot-noo ito. Ano'ng problema niya? Maganda naman ang sayaw naminah, nagpalak-pakan nga ang mga nanonood eh. Hmp.Pero naiilang ako sa tingin niya.
"Ah, excuse lang ah. Punta muna ako sa CR," paalam ko sa mga kagrupo ko.
Agad akong naglakad papunta sa CR at pumasok. May tatlong estudyante doon. Huminga ako ng malalim. Ano ba'ng nangyayari sa akin? Lagi na lang akong kinakabahan pagnakikita ko siya. Tumingin ako sa salamin, nakalugay ang hanggang balikat kong buhok. Medyo matangkad ang tingin ko sa sarili ko dahil naka-sandal ako. Ngumiti ako sa mga estudyanteng nakaharap din sa salamin pagkatapos ay lumabas na ako ng CR. Naglalakad na ako pabalik ng may nagsalita.
"Did you enjoy the dance?" -Sean
Hindi ko na sana siya papansinin at magpapatuloy ako paglalakad nang nagsalita siya ulit.
"Hindi kayo bagay ng partner mo."
Tumigil ako sa paglalakad, humarap ako sa kanya.
"I'm not asking your opinion."
"Magkarelasyon ba kayo ng partner mo?" -Sean
"Meron man o wala. Wala ka nang pakialam doon."
Naiinis kong sagot sa kanya. Tumalikod ako para umalis ng bigla na lang niyang hawakan ang braso ko at isinandal niya ako sa pader. Ang kaliwang kamay nito ay nasa braso ko at ang isang kamay nito ay nakaharang sa pader. Ang mga kamay ko naman ay nasa dibdib nito para itulak ito, ngunit malakas ang walanghiya.
"Puwede ba, paalisin mo ako."
"Ang galing mong sumayaw, you look elegant but I don't like your partner. Kulang na lang ay maghalikan kayo."
Sabi nito, may kung ilang saglit akong hindi nakibo at nagtitigan lang kami. Ang kayawan nito'y nakadikit sa katawan ko at hindi ko alam kung bakit parang may kuryenteng naglandas sa katawan ko.
"Ano ngayon sa iyo kung maghalikan kami? Kung 'yon ang kinakailangan then gagawin namin."
"Then, why don't you kiss me? Isa sa mga judge ay kaibigan ko. Pwede kong sabihin sa kanya na papanalunin kayo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilang sampalin ito. Sabay tulak ng ubod lakas.
"Hindi ko ipinamimigay ang halik ko at mas lalong hindi ako ganyang kababaw para halikan ka, para lang manalo!"
Nakabakas sa mukha nito ang galit sa ginawa ko. Nakabakas rin sa mukha nito ang sampal ko, bigla akong kinabahan pero hindi ko pinahalata. Aalis na sana ako ng may napansin akong nakatingin sa amin, ayun, may ilang estudyante ang nakatingin sa amin. How great!
Tinignan ko uli si Sean. Tska ka ako mabilis na tumakbo paalis sa lugar na 'yon. Humihingal akong dumating sa classroom namin. May ilan akong mga kaklase na nandoon, pumasok ako at umupo sa upuan ko.
"Alcaraz, okay ka lang? Bakit ka hinihingal?" tanong ng kaklase ko. Sunubukan kong ngumiti.
"Napagod lang ako sa sayaw namin, atska medyo sumama ang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko.
"Ah, gano'n ba. Sige, dito ka nalang muna sa classromm, pahinga ka."
Tumango na lang. Tapos lumabas na sila para manood sa program.
Pagkalipas ng isang oras ay natapos rin ang program. Dumating ang mga kaklase kong natutuwa, lumapit sa akin si Aplle.
"Han! Naka 3rd place tayo!" sabi niya.
"Talaga mabuti naman.."
"2nd place naman tayo sa Cha-cha. Teka, may problema ba? Bakit parang hindi ka okay?"
"Sumama ang pakiramdam ko. Puwede na bang umuwi?"
"Tapos na ang program kaya pwede na siguro. Hindi muna ba hihintayin ang mga bestfriend mo?"
"E-t-text ko na lang sila. Masama na talaga ang pakiramdam ko."
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko at naglakad palabas sa classroom.
"Alcaraz, saan ka pupunta?" si Dawn.
"Sumama ang pakiramdam ko, eh. Uuwi na sana ako."
"Sayang naman. Mamamasyal sana tayo..."
"Sa susunod na lang, ah? Pasensiya na. Bye."
Umalis na ako sa classroom. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto ko at umiyak. Ano ba'ng ginawa kong masama, ba't ganun si Sean.