Chapter 4

16 0 0
                                    

''Dawn, kailangan tayo magpa-practice?'' Tanong ni Apple sa classmate namin.

Sasayaw kasi kami. Yes, tama ang nabasa nyo sasayaw kami. As if mat talent ako sa pagsasayaw.  At ang mas nakakatuwa ang Waltz pa ang sasayawin namin. 

''Sa sabado tayo magsisimulang magpractice.'' sabi naman ni Dawn.

''Dapat andoon tayong lahat. Tandaan niyo group grade ito''. patuloy nito. 

Huminga ako ng malalim. 

''Sa saturday na rin   namin aayusin kung sino ang magkakapartner''. sabi naman ni Jeric.

Kung tutuusin tapos na ang klase pero dahil kami ang cleaners ngayon kaya kami lang ang natira sa room. 

''Hanon, ikaw ba marunong sumayaw?'' tanong ni Dawn.

Ngumiti lang ako sa kanya sabay sabing.

''Kailangan niyo akong patiisan kasi wala akong talent sa pagsasayaw.''

Tumawa lang sila. 

''Okay lang yan. Ako nga rin eh, hindi marunong eh. Hindi ka lang nag-iisa kapatid.''  sabi ni Christina.

''But we have to do our best enjoy and of course to win. Tandaan niyo last year na natin sa High School.'' sabi uli ni Dawn.

''Tama''. sabay-sabay naming sabi. 

''Malinis na ang Room kaya puwede na siguro tayong umuwi.'' sabi ko naman.

''Sige, umuwi na tayo.'' sabi ng isa naming calssmate. 

Tumayo na rin ako, kinuha ko ang shoulder bag ko at ang dalawang libro ko.

''Han. sabay na ako sa iyo.'' sabi ni Apple.

''Sige ba.'' nagpaalam na kami sa mga classmate namin. 

 ''Teka lang, Han. Daan mo na tayo sa CR kanina ko pa gustong mag-CR eh.'' si Apple. 

''Haha. Oo na.'' sabi ko naman. Naglakad papunta sa CR. Pumasok kami. May dalawang estudyante ang nandoon, si Enjel at isang kaibigan niya ata na hindi ko kilala. Pumasok na si Apple sa isa sa mga CR doon ako naman ay humarap sa salamin at inayos ang sarili ko ng nagsalita si Enjel. 

''Tricia, kilala mo si Sean Montefalco 'diba?''  tanong ni Enjel sa kasama niya.

''Of course kilala ko siya, crush ko nga siya eh. Halos lahat naman ata kilala si Sean. Ba't mo tinanong?''  Humarap si Enjel kay Tricia, bali nakatalikod sa akin si Enjel.

''Sa tingin mo magkakagusto si Sean sa isang Maitim at mataba tulad na lang ng nakikita mo sa salamin na nasa likod ko?'' sabi ni Enjel pero hindi ko pinansin.

Pero alam kong tumingin si Tricia sa akin. 

''Are you kidding? Ang alam kong type ni Sean at matangkad, mestiza, maganda at sexy.'' then she laughed.

''Haha. Tama ka. Assuming lang ang mga taong akala nila ay may gusto sa kanila ang isang Sean Montefalco.'' Lumabas si Apple sa pinasukan niya'ng CR. Tumingin sa akin tapos sa dalawang bruhalditang nasa harapan ng salamin. 

''May naaamoy akong masangsang, Han. Siguro dapat na tayong lumabas sa CR dahil baka mas lalong bumaho dito.'' Nauna na akong naglakad sa may pintuan ng CR. Si Apple naman ay naglakad na rin kasunod ko. ''Hay naku, mababasag ang salamin dahil sa mga feeling magagandan sa harap ng salamin.'' sabi ni Apple bago tuluyang lumabas ng CR. 

Ako naman ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Naiinis ako! Alam ko namang may katabaan ako, so, kailangan talaga ipagdiinan? Atska hindi ako feeling na magugustuhan ako ni Sean. 

''Hanon!'' sigaw ni Apple. 

Tumingin ako. Ay, nakalimutan kong kasama ko siya. 

''Uie, iniwan mo naman ako.'' 

''Sorry, nainis lang kasi ako eh.'' pasimangot kong sabi. 

''Ba't ba gano'n 'yong si Enjel? Akala mo naman kagandahan! Hmp.''

"Ewan ko nga eh, wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanya.''  

''Hayaan muna, baka insecure lang 'yon sa iyo. Haha!' 

Tumawa na lang din ako. Nasa labas na kami ng campus. Huminti ako sa paglalakad.

''Saan ka dadaan?'' sabi ko sa kanya. 

''May bibilhin pa ako sa National bookstore. Bago umuwi.'' Apple.

''Gano'n ba? Sige, mauna na ako sa iyo, Apple.''

''Sige, sige. Pag may may umaway sa iyo lumaban ka.'' natatawang sabi nito. 

''Pasaway ka. Gagawin mo pa akong kontrabida. Mauna na ako, ingat ka.'' kumaway ako sa kanya bago tumalikod. Habang naglalakad ako inisip ko ang sinabi n'ong Tricia. Mestiza, matangkad at sexy at maganda.

My sweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon