Nasa isang park kami at nagpapractice ng sayaw perro kng titingin ka sa paligid ay puro mga estudyante ang mga naroroon. Sa hindi kalayan ay sina Gile at Aliyah kasama ang kanilang mga classmate.
''Hanon, si Lendon ang kapartner mo''. sabi ni Dawn.
"Si Lendon ang kapartner ko? Bakit siya?'' tmingin ako kay Lendon at nakatingin din siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Sige na nga, siya na lang ang partner ko."
Hmp. Gwapo naman di Lendon siya ang pinakatahimik sa kalse namin, matino din siya. Kung ttusin maraming nagkakagusto sa kanya.
Kaya lang kasi mas gusto ko si Jason, si Jason kasi Elementarya pa kami ang magkakilala na kami. At mas sana'y ako sa kanya. Gwapo din naman si Jason magaling din siyang sumayaw tulad ni Jeric, si Jeric nga pala ang lider namin dito sa sayaw. 'Buti nga sa amin siya napunta. Haha.
O'right. Dapat maging seryuso ako, kahit wala akong talent sa pagsasayaw. Isang beses lang kami maging 4rt year at dapat seosohin namin at mag-enjoy kami.
Lumipas ang ilang oras at nagpa-practice pa rin kami.
''Tama na siguro sa ngayon ang practice natin. Bukas ulit.'' sabi ni Jeric.
''Hay, salamat naman.'' sabi ko. Kinuha ko ang sling bag ko sa may pno kung saan nakalagay din ang ibang bag ng mga claasmate ko.
''Uuwi ka naba, Hanon?'' tanong ni Jason.
"Oo eh, kanina pa naghihintay sina Gile doon sa may bench. Ikaw, hindi ka pa uuwi?''
"Maya-maya pa. Mag-iisip pa kami ni na Dawn at Jeric ng step para sa sayaw natin."
"Ah, gano'n ba." Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 4:15 ng hapon.
"Wag kayong masyadong mali-late ng uwi, baka kung mapaano kayo." sabi ko.
Tumawa ito.
"Sure, ingat kayo sa pag-uwi, Han."
Ngumiti din ako. "Oo naman. Bye." Kumaway ako sa kanya bago tumalikod at pumunta sa kinapan nina Aliyah at Gile.
"Pasensiya na kayo ah, natagalan kami sa practice."
"Okay lang naman." sabi ni Aliyah.
"Ui, mukhang nagpapapansin sa iyo si Jason." sabi naman ni Gile.
"Ah? Hindi kaya. Ikaw talaga. Alam niyo namang mabait si Jason atska naging classmate natin siya noong Elementary tayo."
"Mabait nga siya alam namin yon. Pero lagi na lang siyang nakatingin sa iyo." sabi pa rin ni Gile.
"Ano ba! Magkaibigan lang kami. Kayo kasi hindi niyo siya kinakausap eh, pareha naman tayo ng School na pinasukan'' sabi ko,.
Tumingin ako sa kinauupuan ni na Jason. Mabait naman talaga siya ah.
"Tama na nga 'yang. Uwi na tayo baka gabihin pa tayo."
"Si Gile kasi kung anu-ano ang iniisip. Haha."
"Ba't ako? Ba't hindi ikaw?"
"Ikaw ang trip ko eh. Haha."
Tumayo sila sa kinauupuan nila. Kinalabit naman ako ni Gile. At Naglakad na kami pauwi.
Naalala ko bigla ang nanagyari sa amin ni Sean sa Library ng hawakan niya ako sa braso.
Nakakainis.