Naglalakad ako papuntang library. Wala kasi ang teacher namin at 'yong mga kaklase ko ay nag-iingay. Minsan talaga mas gusto kung mapag-isa para makapagbasa.
Daladala ko ang libro kong El Filibusterismo ni Jose Rizal. Doon ako magbabasa sa library para siguradong tahimik. Mahilig nga pala ako sa mga historical. Malapit na ako sa may library ng mapansin ko sa may gilid, as in sa Garden ng school na may dalawang tao doon. At talagang naghahalikan ah! Sa loob ng Campus! Asaan na ang delikadiza ng mga taong 'to.
Hindi ko na sana papansinin ng makilala ko kung sino. Si Sean at isang estudyante na hindi ko kilala. My god! Ba't ba sila pakalat-kalat? Nakakainis ah. Lalampasan ko na sana sila ng mapansin ata ni Sean na may daraan, tumingin siya sa akin habang patuloy ito sa paghalik sa babae, ang kaliwang kamay nito ay nasa beywang ng babae. Tinitigan ko siya ng masama at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pumasok ako agad sa library at agad kong isinulat ang pangalan ko sa logbook at sinabing kong may dalaw akoang libro. Baka mamaya isipin nila kinuha ko. Haha. Pagkatapos ay naghanap ako ng mauupuan, may ilang estudyante na din doon.
Doon ako umupo sa mesang walang nagbabasa. Umupo ako at binuklat ko ang El Filibusterismo. at nagsimula akong magbasa. Pero sa hindi alam na kadahilan na hindi ako makapag-concerate sa binabasa ko. Binitawan ko muna ang libro. Pumikit ako at huminga ng malalim.
''Relax, Hanon. Relax, 'wag mong isipin ang nakita mo''. sabi ko.
''What did you see?''
Napatingin ako bigla sa katabi kong upuan. D*mn! Si Seam. Titignatitig siya sa akin.
''Ano ka ba bigla kang sumusulpot!''.
Napalakas ata ang pagkakasabi ko dahil tumingin sa akin ang ilang estudyante.
''Sorry po''. Mahinang paumanhin ko. Tumingin ako kay Sean ng masama.
''What do you want?''
''I ask you first. Answer my question''.
Antipatiko 'to ah. ''I saw nothing''. I answer him coldly.
''I see.'' He said.
''So wala kang nakita pero bakit parang naiinis ka?'' he said with amusement.
''Kasi may lumapit sa akin na yaw kong makita.'' I said.
Nakitang parang tumalim ang mga mata niya sa akin.
''Really, Miss Alcaraz?''
''Paano mo nalaman ang apelyedo ko?''
''In your ID'' saba'y hawak sa ID ko.
Ay, sunga. Hinila ko ang ID ko.
''Hanon Mae Alcaraz''.
''Mr. Montefalco. I'm here to study, so, please kindly leave.''
''Wala akong ginagawa sa iyo.''
I smile sarcastically
''Nakakaistorbo ka sa akin.''
''Gusto kong umupo dito. Bakit bawal ba?'' sabay hawak uli sa libro ko,
Kinuha ko ang libro ko sa kanya.
''Marami namang bakanteng upuan kaya baka puwedeng doon ka na lang.''
''And so? Again, I want to seat here.''
Huminga ako ng malalim at tumayo.
''Okay, then, I'll leave.''
Patalikod na ako ng hawakan niya ang braso. Parang bigla akong nakuryente.
Pinaharap niya ako sa kanya.
Tumayo ito at ''You stay here. Ako ang aalis.''
Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko at unti-unti na lang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
I closed my eyes. Then he whispered something on my ear.
''I won't kiss you. Maybe next time. You take care'' then he winked at me.
Binuksan ko ang mga mata ko. Nagulat ako sa ginawa niya, and akala ko hahalikan niya ako. Nakakahiya!! Tinignan ko ang paglabas niya sa library. Uupo na sana ako ng mapansin ko sa isang tabi ang dati kong kaklase noong 3rd year high school na si Enjel.
Nagkatinginin kaming dalawa. Then, she look at the door, then ako. She smiled and raised her eye-brow on me. Naglakad na siya paalis. Umupo ako at napabuntung-hinga. Linteek! Sisikat ako ng walang sa oras.
Damn you, Sean Montefalco. May araw ka rin.