17

0 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Bahay. Three days after I gave birth to baby climate.

On leave na rin si Ben sa kanyang trabaho para maalagaan at maasikaso niya kami. Sina Mama at Papa naman ay bumalik na sa Manila dahil may asikasuhin pangtrabaho.

Sa labas sina Ben, pinapaarawan si baby. It's still 6:30 in the morning at kakagising ko lang. Medyo mahapdi parin yung tahi ko pero nakakalakad naman ako.

Lumabas na akong kwarto at pinuntahan ang mag-ama ko.

Paglabas ko ay nakita ko siyang iniili-ili si baby.

"Ben..." Tawag ko sa kanya.

Humarap ito sa akin at ngumiti. "Hi, mahal. Kumusta tulog mo?" Tanong niya at lumapit sa akin sabay kiss sa noo ko.

"Okay lang naman Ben. Almusal na tayo?"

Nagtungo kami sa dining area namin at kumain na. Si baby ay pinahiga nami sa "Kuna".

"Anong gagawin mo pagkatapos, babe?" Tanong niya.

"Hmm.. I don't know yet. Sabi ng doctor, bawal muna ako sa mga gawaing mabigat."

Three days na rin akong walang ligo. Hilamos at pahid-pahid lang ng baby wipes sa buong katawan.

"After this babe, if you want, we can visit the office. May meeting kasi ako, wala si Paclibar ngayong araw. Kaya ako lang muna." Saad niya.

"Sure, sa opisina mo na lang kami ni baby."

Pagkatapos namin ay naghanda narin kami ng mga gamit para kay baby. Whole day kasi kami doon.

Ilang months na rin ng hindi ako tumapak sa kompanyang iyon.

---

Habang sa daan ay bumili kami sa drive thru ng mga pagkain. At si Ben naman ay bumili sa isang resto ng mga healthy foods at drinks.

Nagpark na nga si Ben at pinagbuksan ako nagpinto at kinuha ko na nga si baby sa back seat.

Naka formal attire ngayon si Ben. Ako naman ay simpleng dress lang na mahaba at flat shoes.

Lahat ay na shock ng makita kami sa loob. Hawak ni Ben ang bewang ko habang naglalakad sa hallway. Sa kabilang kamay niya ay may hawak sa mga pagkain at mga bag ni baby. Ako naman ay karga si baby.

"Good morning, Sir!" Sabi ng mga nakasalubong sa amin.

Si Ana at Frency ay ningitian ko at kumaway naman sila sa amin.

Nandito kami ngayong dalawa ni baby sa mini room sa loob ng office ni Ben. Iba pala ang kanyang opisina dito sa opisina ni Mr. Paclibar. Dito malaki at kompleto lahat. May Cr, room, at mini kitchen na kung gusto mong magluto ay pwedeng-pwede.

Sa lima nilang branch ay may tig-isa silang representative na siyang nag aasikaso sa kompanya. Yong ibang negosyo naman ni Ben ay pinsan niya at tito ang namamahala nito dahil nga busy siya sa pagiging police.

It's already 11:00 am, maya-maya ay lunch na rin. Pero hindi pa tapos yung meeting nila.

May kumatok sa pinto ng tatlong beses saka binuksan.

Si Ana at Frency.

"Cies! Mabuti at dumalaw ka rito." Saad ni Ana. "Alam mo may chika kami ni Frency Sayo." Dagdag niya.

Bumeso-beso kami sa isa't-isa at nagsimula ng magkwentuhan.

"Kumusta kayo ng ex mo Ana?" Tanong ko.

Sumimangot si Ana sa sinabi ko. Si Frency naman ay tumawa ng malakas.

"Walang bago! Ex ko pa rin siya at never in my dreams na papatol pa ako sa isang babaero. Ayoko sa kanya." Sabi niya na may halong galit sa tono.

"Baka kainin mo yang pinagsasabi mo cies." Frency said with a teasing tone.

Umirap naman si Ana. "I'm fully healed now. I consulted psychiatrist this past few months. Muntik na akong maging baliw dahil sa isang babaero. Ayoko ng maulit." Seryusong Saad niya.

"Good to know that Ana. I'm happy for you na nalampasan mo ang mga problema mo. Always remember na nandito lang kami." I said. "Ikaw naman Frency, how's your life?"

Ngumiti lang siya, "ito single parin. Dalagang birhen."

"Birhen nga ba? Hahaha" Sabat ni Ana. Kung hindi ko lang nakita na naghahalikan kayo ni Mr. Paclibar nong gabi pagkatapos ng kasal nila Esther." Dagdag niya.

"Mr. Paclibar was my crush when I was in my highschool. That's all. He knew about it. But it's in the past now. Hindi ko na siya crush." Explain ni Frency.

"Pero bakit lapit ng lapit siya sayo at todo bigay ng mga pagkain at bulaklak?" Sabat ni Ana.

"Ewan ko! Sabi ko naman sa kanya niya friends lang kami." Maktol na sabi ni Frency.

May something pala sila Frency at Mr. Paclibar.

Natapos ang kwentuhan namin ng dumating si Ben. Umalis na rin sina Ana at Frency.

Ngayon kumakain kami ng pananghalian sa opisina niya.

"Ben, did you know what your friend did to my Ana?" I asked him.

"Yeah, but I don't tolerate his action, they have relationship way back sa college nila. I thought also na seryuso talaga si Ferrero, but in the end, he cheated. But I don't really know what happened, siguro pinagsisihan niya ring kasi tumawag siya sa akin at nag confess na namatayan daw siya ng anak at kasalanan niya daw." Kwento ni Ben.

"Eh Ikaw Ben... Do you have plans on cheating?" Tanong ko bigla.

Humarap siya sa akin at tiningnan ako nangpatalim. Huminga siya nang malalim, "Mi Amore, hinding-hindi ko yan magagawa. Mahal na mahal kita. Ayokong sinasaktan ka emotionally. You're soft and vulnerable. Hindi ko kayang magsinungaling sayo at sa kay baby." Mahabang saad niya.

"Eh noon Ben? Dalawa-dalawa rin ba ang bae mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Humalakhak si Ben, " I don't do girlfriends, Es... Wala akong time kase busy ako sa pag-aaral. At noong pumasok ako sa PNPA, puro field training lang ang ginawa ko. Noong nagtatrabaho na ako, Meron naman lumalapit na mga babae, kaso hanggang doon lang. Flings lang ganun."

"Ayoko sa cheater Ben..."

"I won't cheat to you, Esther. Ikaw lang sapat na." He winked. "Simba tayo sa Sunday. I miss the church."

May kung anong humaplos sa dibdib ko ng sinabi niya yon.

Ilang buwan narin ang last na simba namin. Wala akong naging time para kay God. Pero thankful parin ako kasi hindi niya kami pinapabayaan.

I hope Ana and Frency would know about the existence of God. Knowing that may mga mabigat silang dinadala. Hindi ko man lubos na alam, pero kita ko parin sa mga mata nila na may tinatago sila.

Hindi naman perpekto ang buhay ko simula noong kinasal kami. Pero hindi pa kami nag-aaway.

"Ben, it is okay for a relationship na hindi nag-aaway? May nabasa kasi akong mas tumatagal kapag nag-aaway..." Sabi ko.

"Esther, hindi natin kailangang mag-away para patunayan na perpekto ang relasyon natin. I'm very thankful nga dahil sa isang anghel ako nakadestino. Kung mag-aaway man tayo ay dahil siguro sa gusto ko pa pero ikaw ay ayaw mo na. Alam mo na tuwing gabi..."

Umirap lang ako sa kanya.

Tinapos na namin ang lunch at ako naman ay nagpadede kay baby.

"Baby Climate, yong daddy ang manyak pala..." Sabi ko sabay padede sa dibdib ko.

I heard a soft chuckled.

"Sayo lang po mahal, sexy at hot kasi ni mommy." Sabay hug sa akin patalikod. "Alam mo naman na katawan mo ang kahinaan ko." He let a tiny laughed and kissed me in my neck.

---

Sorry if lame.
-Mariamay🌻

Police Series: Detain my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon