11

0 0 0
                                    

Another UPDATE Today!
Happy Reading!

-
Nandito ako ngayon sa mall pagkatapos kong pumuntang bangko. Naghalf-day ako ngayon dahil sa pagdeposito ko ng pera sa account ni nanay. Dahil medyo may time pa naman ako tumuloy muna ako dito sa mall. Bibili siguro ako ng pagkain at kakain na rin nang pananghalian.

Hanggang ngayon hindi padin si Ben tumatawag. Siguro busy siya dahil mataas rin naman ang ranko niya. Ayoko ko din magduda. Hindi naman sa bawal talaga magduda eh, talagang gusto ko may tiwala kami sa isa't-isa. tinext ko lang siya kanina para kumustahin siya.

God said do not be jealous in your partner. If you trust the Lord. Trust also your partner.

And, I don't have reason to be jealous.

I ate my lunch in the mall and decided to go back in the company when I feel something. Bigla akong nahilo. Pagkapasok ko sa sasakyan, kumalma muna ako at ng medyo okay na, nagdrive na ako.

-

Pagpasok ko nakita ko si Ana at Frency "Good afternoon boss!" They said with laugh

I just rolled my eyes on them. Ano kayang trip ng dalawang ito.

"Kamusta? Okay ka lang? Bat ang putla mo ngayon?" Sabi ni Ana sabay hawak ng noo ko. "Medyo may lagnat ka."

"Sana hindi ka muna pumasok pero we all know excited ka talagang makita si boss kaya go na pasok ka na don." Frency added

"Okay lang naman ako ah. Medyo mainit lang sa labas kaya siguro ganon. Sige una na ako. May tatapusin pa ako eh." Nagmamadaling sagot ko at lumakad na ako.

Pagkasira ko ng pintuan agad akong nakadama ng amoy panlalaki na lalong nagpahilo sa ulo ko. Unti-unting dumilim ang pananaw ko.

"Love... okay ka lang?"

Bago ako tuluyang pumikit, nakita ko si Ben na papalapit sakin.

-

Nagising ako ng may nararamdaman akong humahaplos sa buhok ko.

"Ba't ka kasi nagpapastress... Iyan tuloy nilagnat ka... I love you so much... please take care of yourself... Pano na lang kung wala ako doon sa loob ng opisina mo?" Sabi ni Ben sa mahina at medyo kalmang boses.

Binuksan ko ang mga mata ko ng napagtanto ko na nandito kami sa ospital.

Pagkakita ko kay Ben nagsilabasan ang mga luha ko. Naghahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ito siguro yun kung miss na miss mo na ang tao. Pero ilang pa lang naman kaming hindi nagkita.

"Hush now babe, I'm here..." Ben hug my head side and kiss me there.

"I miss you so..." sabi ko

"God knows how much I miss you every second Love..." Sabi niya Sabay haplos ng tiyan ko. "Let's get married tomorrow. I already contacted my parents and yours. They will be here any time soon love." He added. It shocks me of what he said.

"But-" He cut me off. "You're pregnant Esther. We are having a baby now. I want you to carry my name before the baby goes out of your sexy tummy..." He said

No words can ever explain how shock I am right now. The feeling is overwhelming... Maybe that's the reason why I feel so sad this past few days because of pregnancy. I can't help but to cry in joy. I'm a mother now. I have a baby.

Niresitahan kami ng doctor para sa mga kakaylangan namin ni baby. Si Ben na ang bahala para sa leave ko kompanya. Tumuloy na kami sa bahay ko at pinapahinga niya ako dito sa kwarto.

Linigpit ni Ben lahat ng mga kakaylanganin namin dahil tutulak kaming bacolod bukas. Pansamantalang doon daw muna ako. Para makasama niya kami. On the process pa kasi ang paglipat niya dito sa Iloilo.

Pinilit ko si Ben na huwag na muna kaming magpakasal. Dahil may mga bagay na pa na hindi pa pwede. Unang-una, hindi kami parehong relihiyon. Kaya ayon tinawagan niya muli ang parents niya at akin na ililipat na lang sa susunod na buwan.

Aalis na kami bukas ng maaga dahil may duty pa si Ben.

Pagkatapos ni Ben magligpit ng mga gamit, nagluto naman siya. Medyo okay-okay narin ang pakiramdam ko ngayon. Pero ayaw parin ako ni Ben patatayuin. Kaya dito na lang ako sa kwarto nagbabasa nagbiblia. Tatawagan ko pala sila nanay at tatay. Patay ako nito. Strikto pa naman sila. Hinanap ko ang numero ni tatay at pinindot ko ang call button. Nakailang ring lang at sinagot na din ang tawag.

"Anak! Kamusta ang pakiramdam mo? nako lagot talaga iyang si boyfriend sa akin kapag nakita ko. Sinabihan ko siyang kasal muna pero inano ka na niya. At ikaw namang babae ka. Diba alam mo namang bawal talaga ang pagbubuntis bago ikasal? Alam naman natin na gwapong-gwapo ka talaga sa kanya pero bakit ibinigay mo?" Para akong matatawa sa sabi ni tatay. Alam kong galit ito. Pero nagawa pang magjoke.

"Sorry na tatay... huhuhu sana patawarin ako ni Lord. Nagkasala ako... Sinira ko ang promise ko sa kanya." Hindi ko mapigilang mapaluha. "Hindi ako nag-ingat..." I added

"Alam mo anak, kahit anong kasalanan natin sa Diyos kung tayo ay totoong humingi ng tawad. Patatawarin niya tayo. Hindi dahil sa anak niya tayo kundi dahil sa mahal niya tayo." paliwanag ni tatay

Pagkatapos ng tawag ay siyang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Ben dala ang niluto niya.

"Kain na tayo. I know gutom ka na." sabi niya

Ngumiti ako. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. Kahit sa konting galaw niya lang bumibilis talaga ang pintig ng puso ko. "Salamat." Sabi ko.

Pagkatapos naming kumain gusto ko sanang iopen about sa pagpapakasal namin.

"Love? Ready ka na bukas? Pasensiya na ha. Ilang araw lang din naman tayo doon. Humingi na ako ng pabor sa mga kakilala ko sa itaas at dito sa Iloilo para mapabilis ang paglipat ko dito." Paliwanag niya. "Dadalhin na muna kita kasi hindi din kita dito maiwan. Pagbalik natin asikasuhin natin yung kasal. Doon tayo sa inyo magpapakasal. Pero bago yun alam ko din naman na naisip mo na hindi pwede dahil iba tayo ng relihiyon. Alam kong ayaw mo akong lumipat ng relihiyon dahil lang sa mahal kita kundi dahil sa gustong-gusto ko ito para sa sarili ko na tanggapin si Hesus na aking diyos at taga-salba sa apoy sa impyerno. Love, ayaw kong sumuko. Mahal na mahal kita. Gabi-gabi akong nagdarasal na sana patawarin ako ni God sa lahat ng kasalanan ko sayo. Narinig ko yung usapan niyo ni tatay mo. Sorry dahil ako ang dahilan kung bakit nasira ang promise mo kay God na kasal muna bago baby. Pero hindi ako titigil hanggang sa maging tama ito sa mata ng Diyos." Mahabang sabi niya sa akin.

Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi niya. "Sorry love if hindi ako nakapagtawag sayo kahapon kasi balak kong supresahin ka. Pero muhkang ako yata ang nasurprise haha." Dugtong niya sabay yakap sakin. "Alam mo bang gaano ako ka saya ng sabihin ng Doktor na buntis ka?" Humigpit ang yakap niya sakin. "Matagal ko ng pinapangarap na makasama ka at makatabing ganito ka close. Tapos magiging akin ka na talaga ngayon."

"Salamat Ben... kasi sa dami-daming babae bakit ako yung nakita mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi wala pa akong karanasan pagdating sa pag-ibig. Tapos isang araw nagising na lang kasama ka kahit hindi pa kita lubusang kilala. Alam mo din bang noong isang araw ko lang nalaman na mayaman ka talaga. Hindi lang itong kompanya ang pagmamay-ari mo pero andami pa pala. Kaya sabi ko sa sarili ko na parang hindi ako karapatdapat sayo kasi hindi lang isang mataas na ranko ang meron ka kundi pinakamataas talaga." Amin ko sa kanya.

"Don't mind those things love... I'm so proud enough now that you are mine. No one can replace you here." Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

"Ben I feel sleepy..." I said after our heart to heart conversation. "Let's sleep then Mi amore." He replied.

Pumikit na ako at nagumpisang magdasal. Lord, Ikaw na bahala sa lahat. Iniasa ko ang buhay namin Sayo. Good night, Lord...

Police Series: Detain my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon