Chapter III: The Playful Destiny

5 1 0
                                    

CHAPTER III

📍Sicily, Italy


Daimon Caliber's P.O.V

"MAUUNA na kaming magtungo sa lair ng mga Licciardi, Daimon-kun." Wika ni Garp-san na ikinatango ko.

"I'll just go in Black City first. Susunod na rin ako roon." Aniko saka lumuhod sa semento upang mapantayan ko ang aking mga anak. Isang mahigpit na yakap ang aking iginawad sa kanila. "Huwag maglilikot ah?" Paalala ko sa kanila na kanilang ikinatango-tango. Sama-sama kaming nagtungo rito sa Sicily, Italy, dahil may importante raw na pag-uusapan sina Garp-san at Capo Maxen Luca Licciardi, ang pinuno ng Licciardi clan. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Napunta lang naman ako rito para bisitahin ang mga nasasakupan naming mafioso eh.

Kibit balikat akong lumabas ng airport at sa paglabas ko ay bumungad na sa akin ang kulay itim kong makabagong sports car. Bumaba ang driver nitong isa sa mga tauhan ng Licciardi Clan na nasa ilalim namin. "Goditi il ​​tuo viaggio, capo supremo!" (enjoy your ride, supreme boss) Nakangiting wika niya pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil nagtuloy-tuloy lamang ako sa pagsakay sa sasakyang dala-dala niya. Binusinahan ko pa siya bago ko pinaharurot paalis ang aking sinasakyan.

Habang binabaybay ko ang mga daan dito sa Sicily ay tila walang nagbago. Ang buong paligid ay makaluma pa rin, dahil ang disenyo ng buong lugar dito sa Sicily ay ang disenyo pa ng mga Griyego at Roma noong unang panahon. Kung saan ang mga gusali ay gawa sa mga bato. Para tuloy akong naglalagalag ngayon sa isang lugar na pagmamay-ari ng diyos-diyosan. Idagdag pang normal din ang buhay ng mga tao rito; nagtatrabaho upang kumita, kumakain upang mabusog at magsaya at kung ano-ano pa ang kanilang ginagawa. Napakarami ring mga turista ang walang sawa sa pagkuha ng kani-kanilang mga litarato. Ngunit taliwas sa kanilang nalalaman tungkol sa bansang ito, ay mayroong Black City na tinatawag. Ang lugar kung saan lahat ng kawalang pusong gawain ay nangyayari.

Habang nag-e-enjoy ako sa aking mga nakikita ay nakarating ako sa isang pakwebang eskinita rito sa Sicily, ito kasi ang daanan patungo sa Black City. Habang binabaybay ko ang madilim na daanang ito ay naiilawan ng sasakyan ko ang mga mafiosong tuwang-tuwa sa paghithit ng droga sa gilid-gilid. Katulad sa Pilipinas ay illegal din kasi ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dito sa Sicily, ngunit hindi sakop ng batas na iyon ang Black City dahil protektado pa ito ng gobyerno upang masiguro nilang walang kahit na sinong makakapasok dito dahil ang tanging may alam lamang nito ay mga mafioso. Kapag kasi nalaman ng ibang tao na mayroong bilihan ng mga illegal na bagay rito ay magkakagulo ang Sicily, or kapag nagkataon ay pati na rin ang buong Europa, pawang dadami ang mga krimeng mangyayari at hindi iyon nanaising mangyari ng Sicilian government kaya wala silang pagpipilian kundi ang protektahan at itago ang Black City sa mga ordinaryong tao. Hindi rin gano'n kadaling magrecruit ng mga tauhang mafioso, lalo na sa panahon ngayon, talamak ang manloloko kaya umaabot sa humigit kumulang tatlong taon bago maging mafia ang isang tao.

Sa hinaba-haba ng tunnel na daanang iyon ay nakarating din ako sa bulwagan ng Black City. Kahit narito ako sa loob ng sasakyan ko ay rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa may arena kasama na rin ng musikang tila dumadagundong sa sobrang lakas.

Wooh! Let's go! Ako'y nasasabik nang makipaglaban sa arena! Prente akong bumaba sa sasakyan ko at kaswal na naglakad patungo sa maraming tao. Nakita ko kaagad ang larong kanilang pinagpupustahan. "Exciting!" I commented. Mas lalo pa akong lumapit sa combat stage ng arena dahil nangangati na ang palad kong makipaglaban!

Iyong lalaking malaki ang katawan siguro ang weekly winner at wala pang nakakatalo sa kaniya kaya siya pa rin ang kalaban hanggang ngayon. Mukha siyang gladiator...or perhaps he is a gladiator? Who knows?

"Chi altro? chi altri ha il coraggio di combattermi?!" (who else? who else have the courage to fight me?!") Hiyaw niya nang matalo ang kalaban niyang nakahandusay sa sahig at wala ng hininga kaya nabaling ang pansin ko sa kaniya. Sa kabilang banda ay todo naman ang hiyawan ng mga tao, malamang ay nakapanalo na naman sila sa pustahan.

UNDER REVISION!!!! I'll Obey Thee! (Asakura Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon