Chapter V: The Baddass Daimon

7 1 0
                                    

Chapter V: The Baddass Daimon

Severius Ammo's P.O.V

KANINA pa natapos ang umagahan nila Supremo at umakyat na siya sa kaniyang opisina. Ako naman ay lumabas upang tawagin ang aking sekretaryang si Emma dahil dala-dala niya ang lahat ng importanteng papeles na kinakailangang pirmahan ni Supremo.

"Napakaganda ng mansiyon nila! Para akong nasa year 1800's dahil sa vintage na aura ng paligid." Lumilinga-lingang komento ni Emma kaya hinayaan ko na lamang siyang magmasid habang umaakyat kami rito sa antique na kahoy ng hagdanang mayroon pang red carpet.

Sabi ni El-Supremo ay sa kaliwang pasilyo ang opisina ni Supremo kaya nagtungo kami roon. Matagal na akong nagpupunta rito pero sa hidden base lang ako lagi tumutuloy kaya hindi ko kabisado ang pasikot-sikot ng bawat pasilyo rito sa loob ng mansiyon nila.

Isang pintuan lamang ang bumungad sa amin dito sa kaliwang pasilyo, ito siguro iyon. Tatlong beses akong kumatok upang magbigay galang sa aking pagpasok bago ko pinihit ang busulan ng pintuan.

"Pinapapasok na ba kita?" Isang malamig na tinig ang sumalubong sa amin. Napangiwi na lamang ako saka nagtuloy-tuloy pa rin sa pagpasok. Hindi nag-abala si Supremo na tingnan kami dahil nagpatuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa, sa pagpirma ng mga papeles. At wow! His pen is worth of thousand dollars! It's a black Samurai Prestige Fountain Pen made by S.T. Dupont! The tip of the pen is made of solid rose gold and multiple diamonds! Sa pagkakaalam ko ay may kasama rin iyong lighter na kapareho ng disenyo ng ballpen at halos 20 set lang ang inilabas sa merkado noon.

Para lang sa ballpen gumagastos siya ng thousand of dollars?! Unbelievable!

Pero maiba ako. "Pasensiya na, Supremo, kung pumasok na ako, nagmamadali rin kasi ako." Litanya ko at naupo sa upuang nasa kaniyang harapan habang titig na titig pa rin ako sa ballpen niya.

"The hell I care?" Wika niyang muli na muli ko na lamang ikinangiwi.

"Napakagwapo nga ng mukha bastos naman." Bulong ni Emma kaya tinabing ko ang kaniyang siko saka siya pinanlakihan ng mga mata, senyales na tumigil siya.

Mapapahamak pa kami sa kaniyang ginagawa. Hindi ako natatakot kung magalit si Supremo, ang ikinatatakot kong makita ay kung paano siya magalit. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sa kaniya kanina, he's not a soft hearted person, tila bato ang kaniyang puso dahil halos lahat ng kabahay niya ay binabara niya. Mukhang spoiled brat. Hindi lang pala mukha. Spoiled brat kasi talaga siya. Tsk.

"What can I do for you, Severius?" Walang emosyong wika niya saka tinakpan ang ballpeng hawak-hawak niya bago ako tiningnan. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Parang nakita ko na ito noon, I can feel a deja vu feeling pero sigurado akong ngayon ko lamang siya nakita't nakilala. Tch.

"Dala ko ang mga papeles ng transakisyon ng ating emperyo na kailangan mong pirmahan, Supremo." Pag-iimporma ko sa kaniya saka ko sinenyasan si Emma na ipatong sa lamesa ang attaché case na hawak-hawak niya.

Agad naman nitong sinunod ang utos ko. Binuksan na rin niya ang attaché case saka iniabot kay Supremo ang mga papeles. Imbis na kuhanin ay tinitigan lamang ni Supremo ang kamay nito at hindi inabot ang mga papeles. Anak ng...nawawalan na ako ng pasensiya sa taong ito ah.

Nanguha pa muna si Supremo ng sigarilyo sa isang itim na kaha mayroong gintuang disenyo sa paligid nito...teka...is that Treasurer Luxury Cigarette?! Pati ba naman sigarilyo niya ay worth of almost a hundred of dollars?! That cigarette is made in London and it has three variants, silver, gold and black at ang kay Supremo ay kulay gold. 20 pieces lamang ang isang kaha ng Treasurer Luxury Cigarette at mas mahahaba ang bawat stick nito kaysa sa king size na size ng sigarilyo. Tsk. Ang mahal ng mga gamit niya dinaig niya pa ang babae kung gumastos. Paano na lang kaya kung babae siya? Siguro puro luxurious items ang bibilhin niya, kawawa lang ang mapapangasawa niya kung nagkataon. Buti na lang lalaki siya...Letse...Nagtakha pa ako eh bilyones pala ang perang pumapasok sa kaniyang bank account per month. Tsk. Masyado na ata akong na-e-engage sa trabahong legal at nakalimutan kong nasa trabahong illegal pala ako ngayon ah? Tsk.

UNDER REVISION!!!! I'll Obey Thee! (Asakura Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon