Chapter IV
📍Ilocos Norte, Philippines
Kyla Alexandhrea's P.O.V"DARATING sila Garp-san at Gram-san kasama ang mga anak ni Boss Daimon, pakisabihan ang mga kasambahay na linisin ang buong mansiyon. Ayaw ng mga bata ang maduming paligid." Pag-uutos ko kina Jan Antoinette at Vlanz Yvonne na siyang aking mga nakakatandang kapatid.
"Why would I?" Pabalang na wika ni Antoinette kaya nilingon ko siya.
"Dahil responsibilidad mo sanang gawin ang mga ganitong bagay pero isip bata ka pa rin. Be matured, Antoinette!" Asik ko sa kaniya bago naupo sa upuang nasa kaniyang harapan at sumubo sa pagkain kong nakahain na.
"Madaling sabihin ang mga katagang tinuran mo, Alexandhrea, pero mahirap gawin. Anong alam mo sa pagiging mature, ha? At ano nga ba kasi ang tunay na ibig sabihin ng matured?" Kaswal na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang pagkain ko. Nakakainis simpleng bagay pinapalaki niya. Nararamdaman ko na kasi kung saan patutungo ang aming usapan kaya mas maganda nang wag na lang magsalita.
"Papasok ka ba ngayon, Ate Antoinette?" Tanong ni Yvonne sa kaniya upang maiba ang topic namin. Para na rin siguro muling gumaan ang atmospera sa paligid.
"Hmmm...baka mamaya na lang. Magliligpit lang naman ako ng gamit ko dahil lilipat na ako sa Baguio." Matinong pagsagot niya kay Yvonne na ikinangiwi ko. Bakit pagdating sa akin ay hindi ko siya makausap ng maayos? Tsk.
"Oohh, so natuloy rin pala ang resignation mo? Bakit pala ayaw mo nang magturo rito sa Ilocos Norte Grade School?" Muling tanong ni Yvonne.
"Nakakapagod magturo kapag same environment lang lagi ang ginagalawan ko. Nakakasuffocate pa rito sa bahay, so I want to go to another place instead." Pagsagot niya na tila pinaparinggan ako.
"Lilipat ka na?" Bungad na tanong ni mommy sa kaniya. I stood up and hugged mom na siya ring ginawa ni Yvonne pero si Antoinette, wala, deadma. "Lilipat ka na? Saan?" Muling tanong ni mommy.
"Why do you even care?" Bastos na pagsagot niya. Goodness! I want to slap her face right now. Napakabastos!
"Because I am your mother, Antoinette." Naupo si mommy sa gitnang upuan ng aming hapagkainan.
"Ah...nanay pala kita? Since when?" Pabalang na naman niyang pagsagot kaya hindi na ako nakapagtimpi, napatayo ako sabay hampas sa salamin na nakapatong sa lamesa ng aming hapagkainan, dahilan upang manginig ang lahat ng mga pagkaing nakapatong dito.
"Wala ka na bang delikadesa sa katawan mo? Naturingan kang guro pero hindi mo alam rumespeto ng kapwa mo!" Asik ko sa kaniya.
"Here we go again, superwoman." She looked at me. "Kung magsalita ka parang napakabuti mong tao ah? Eh, ikaw, kailan mo imumulat ang iyong mga mata sa katotohanan? I wonder why you're still acting like you don't know anything eh ikaw ang C.E.O ng Asakura Group Corporation, ganiyan ka ba kagaling manikmura ng lahat ng mga kabahuan ng mga tao sa paligid mo?" Pang-uuyam niya sa akin na ikinangisi ko ng pagak.
"Wala kang alam, Antoinette, so don't act like you know everything!" Dinuro ko siya na kaniyang ikinatawa. Tumayo siya at pinantayan ang mga titig ko.
"I know everything, Alexandhrea." She seriously uttered. "Gusto mo bang malaman lahat?" Dagdag pa niya.
"Tumigil na kayo, Antoinette." Ma-awtoridad na wika ni mommy kaya sabay kaming napalingon sa kaniya. Si Antoinette naman ay napahagalpak sa tawa habang pumapalakpak pa. What a psycho. Tsk.
BINABASA MO ANG
UNDER REVISION!!!! I'll Obey Thee! (Asakura Series #1)
Romance|R18|mature content|romance|action| *** Daimon Caliber Asakura was once known as Kyte Alexandhreiy Valdivieso-Asakura, but because her mother sacrificed her to be the heir of their Mafia Empire, she became a boy in an instant. On her 21st birthday...