Subalit ngayon sigurado na s'yang iniibig n'ya na rin si Enrico. Ngunit ayaw pa n'yang magpahalik dito. Pagkat inirereserba n'ya 'yun kung maikasal na sila nito. Maging si Josel naman ay hindi n'ya rin pinayagang mahalikan man lang s'ya nito sa labi.
~ ~
Nagtagumpay na naman ang mga plano ni Enrico, napahinuhod n'ya si Mabel sa kagustuhan n'ya. Pagkamuhi na lang ang inisip nito para kay Josel at minahal pa s'ya nito nang labis na kanyang ikinatuwa nang tuluyan.
Kompleto na ang lahat. Mayaman, makisig at gwapo si Enrico. Nang minsang inaya n'ya nang isang masayang hapunan ang kasintahan na n'ya nu'ng si Mabel ay nagsabi na s'ya dito nang pahintulot na makasal na sila sa madaling panahon. Pagkat wala naman nang problema pa.
Umiyak si Mabel. Hindi nito inaasahan ang mangyayari na 'yun. Iyak ng kaligayahan. Buong puso n'yang tinanggap ang pag-ibig ni Enrico. Anupa't pagkatapos ng gabing 'yun ay lumipas lang ang dalawang linggo at naikasal na agad sila. Syempre magarbo at marangya ang kasal. Para kay Enrico, si Mabel ay kanya lamang.
Gabi ng pulo't gata ng bagong kasal, hindi na sila lumabas pa ng bansa o nag out of town. Sa mansion na lang nang mga ito nila 'yun idinaos. Buong pusong inalay ni Mabel ang sarili n'ya sa lalaking akala nya'y talagang nagmalasakit nang nawala si Josel.
Mga daing at halinghing ng kaligayahan ang pumuno sa kanilang kwarto. magdamag nilang pinagsaluhan ang tamis ng unang karanasan.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan nasabik na silang magkaroon man lang ng supling na s'yang magbibigay kulay at saya sana sa malaki nilang mansion. Subalit bigo pa din ang mga ito. Lahat ng paraan ginawa na nila.
Matuling lumipas pa ang mga araw, mahigit tatlong taon na silang nagsasama ni Enrico bilang mag-asawa. Subalit hindi pa din sila makabuo nang kahit isang supling .
Nawawalan na nang pag-asa si Mabel at Enrico na matutupad pa 'yun. Patuloy na naging mapanglaw ang malaking mansion ng mag-asawa. Ganap na ding limot ni Mabel ang nakaraan nang kanyang pagkabigo.
Konti na din ang mga karatig nilang bahay, pagkat ang karamihan ay nagsipag-alisan na sa kanilang lugar. Nagmistulang parang patay na barrio ang lugar nila Mabel. Napakatahimik at sa gabi'y parang walang taong naninirahan doon.
Ganu'n pa man, nanatiling nasa mansion lang ang mag-asawa. Maging ang mga kawaksi nila'y 3 nalang ang natira para magsilbi sa kanila.
Umuulan nang pakonti-konti ng gabing 'yun.
Katatapos lang maghapunan nang mag-asawa at nagpapalipas pa sila ng busog sa maluwang na teresa nang kanilang mansion. Panay ang salitan ang mahihinang kidlat at kulog sa labas. Sa twing kikidlat nakikita ni Mabel ang paligid na harapan ng mansion sa kanyang pwesto. Tila may paparating na bagyo. Pagkat ang hangin ay umiikot ang galaw, at bumubulong sa alapaap.
Ang kanyang asawa namang si Enrico ay abala sa pagbabasa ng libro.
Nakatulala lang ang mga mata ni Mabel sa labas,at tila malalim ang iniisip nito. Nang sa isang sunod pang kidlat ay natanaw n'ya ang isang lalaking nakatayo sa harapang gate nang mansion. Nakasumbrero ito nang malapad. Nahinuha n'yang tumatawag ito ngunit 'di n'ya marinig. Pagkat ang ingay nang mga patak ng ulan sa bubong ng bahay. Tiningnan n'ya ang bulto ng pigura nito at parang pamilyar sa kanya iyon...
(to be continued)
BINABASA MO ANG
Ozzie's Horror Collection Book 1: The Mansion Killer
HorrorSypnosis : Isang larawan ng masayang pamilya sina Enrico at Mabel. Ang karangyaang tinatamasa ng mga ito ay pinamana pa ng mga yumaong magulang ni Enrico. Bagama't ampon lang ito'y, sa kanya lahat napunta ang ari-arian, dahil legal naman ang pag-ado...