'' Ding....dong....ding.... '' tunog ng doorbell sa labas nang mansion.
'' Mahal, may bisita tayo... '' wika ni Mabel sa asawa.
'' Huh, at anung oras na nang gabi? '' balik-sagot-tanung ni Enrico sa asawa.
'' Quarter to nine pa lang naman. Baka tauhan mo 'yan sa pataniman at kailangan ng agarang tulong. Siya siguro 'yun, oh?! '' turo pa ni Mabel sa taong nakatayo sa gate nila.
Sinundan naman ng tingin ni Enrico ang tinuturo ng asawa.
'' Ahhh, si Manong Karding pala... Sige mahal...dito ka lang at ako na ang magbubukas at i-istima. Baka nga may problema! '' Tumayo na si Enrico sa kanyang kinauupuan. Isang saglit pa n'yang tiningnan ang inaakalang tauhan sa harap ng gate nila. Bago tuluyang tumalikod. Upang bumaba, pagbuksan, at harapin ito.
Hindi naman na tumugon si Mabel sa asawa. Pagkat abala na ito sa pagbabasa nang english pocketbook na libangan nito.
~ ~
Si Josel ang panauhin na iyon. Matinding pagka-suklam, at galit ang naghahari sa dibdib n'ya. Wala na s'yang paki-alam kung may makakita man sa kanyang gagawing pagpatay sa kanyang traydor na kapatid. Ang mahalaga makaganti s'ya sa mga ginawa nito sa kanya.
Pababa na si Enrico ng hagdan. Bukas pa naman ang ilaw sa kanilang sala. Kaya 'di s'ya nag-aninaw sa kanya nilalakaran.
Kampante ang loob n'ya na binuksan ang pinto at tinungo agad ang naka-lock na gate at binuksan ang inaakalang tauhan.
Ni hindi na n'ya ito tiningnan pa muli. Pagkat kapareho ng damit nito ang laging suot ng tauhan n'yang si Mang Karding. Memoryado n'ya sa isip ang suot nito. Pati tindig. Nang mabuksan na n'ya nang tuluyan ang gate ay inanyayahan n'ya itong tumuloy. Madilim, at 'di n'ya maaninag ang mukha ng panauhin. Pagkat ang sumbrero nito ay malapad na natatakpan ang parte nang mukha.
'' Mang Karding, tuloy po muna kayo! Ano po'ng sadya, at bakit napasugod po kayo nang ganitong oras ng gabi? '' Malumanay na wika ni Enrico.
Walang tugon mula dito.
Nakita ni Enrico na humakbang ito palapit sa kanya. Kaya't nag-hintay na lang s'yang makalapit ito ng tuluyan sa kanya.
Isang hakbang nalang ang pagitan ng dalawa ay biglang kumidlat. Lumiwanag saglit ang paligid, nanlaki ang mga mata ni Enrico nang maaninaw kung sino ang kanyang kaharap.
'' Kamusta ang traydor kong kapatid! '' sabay ng wika nito'y itinaas ang dalang itak sa ere at walang sabi-sabing itinarak sa ulo ni Enrico.
Hindi iyon napaghandaan ni Enrico kaya't ni ang tumakbo o sumigaw ay hindi n'ya nagawa.
Bumagsak ang katawan nito sa putikang lupa. Humalo ang umaagos na dugo nito sa tubig ulan. Hindi pa nakuntento si Josel at binunot pa n'ya ang kutsilyo sa ulo nito, at sinaksak pa nang kung ilang ulit ang katawan. Ibinuhos n'ya ang lahat ng galit at pag-hihinagpis dito.
Matapos 'yun ay hinila n'ya ang katawan nito sa loob ng mansion. Dinala sa underground nito. At doon 'nya itinambak.
Patuloy naman si Mabel sa tahimik na pag-babasa. Walang kamalay-malay sa sinapit nang asawa.
Isinunod ni Josel pagpapatayin ang tatlong kasambahay at itinambak din sa underground.
Pagkatapos nun ay...
Itutuloy. . . .
BINABASA MO ANG
Ozzie's Horror Collection Book 1: The Mansion Killer
HorreurSypnosis : Isang larawan ng masayang pamilya sina Enrico at Mabel. Ang karangyaang tinatamasa ng mga ito ay pinamana pa ng mga yumaong magulang ni Enrico. Bagama't ampon lang ito'y, sa kanya lahat napunta ang ari-arian, dahil legal naman ang pag-ado...