THE MANSION KILLER- CHAPTER 2

671 22 0
                                    

 Pumanaw na kase n'un ang mga magulang nila Enrico kaya't ang maitim na balak ay naisagawa na din n'ya. Ampon lang s'ya ng pamilyang nakamulatan. Si Josel talaga ang nag-iisang anak at legal. Pero hindi naging dahilan 'yun para maging patas ang ipamana nila kina Enrico at Josel. Sadya nga lang talaga may lihim na pagkasakim ang ugali ni Enrico na nakuha malamang sa mga orihinal na magulang nito.

Mula't sapol, nagtanim na ito ng lihim na galit,at pagka-inggit kay Josel. Habang si Josel naman ay walang pag aalinlangang itinuring s'yang tunay na kapatid, minahal at naging mabuti ito sa kanya.

Hindi pa namamatay ang mga magulang nila ay sinimulan nang pagplanuhan ni Enrico ang lahat. Paunti-unti isinakatuparan n'ya ang mga ito. 

Nagbunyi pa s'ya nang malamang sabay na namatay ang mga kinikilalang magulang n'ya sa isang car accident na sinadya talaga. Inalisan n'ya ng preno ang kotse na ginamit ng mga ito. Napaniwala n'ya ang lahat na nagdadalamhati din siya sa pagkamatay nang mga ito. Ngunit sa twing mag-iisa sya'y, halakhak ng tagumpay ang makikita at maririnig sa kanya.

Nang ideklara na ng abogado ang pagkakabahagi ng kanilang mana na magkapatid ay inggit s'ya sa kabahagi ni Josel na noo'y ito na mismo ang mamumuno sa mga negosyong naiwan. At sya'y isang hamak pa ding tagasunod lang dito. Simula nun ay nag-isip ulit s'ya ng plano para naman sa pang-aangkin n'ya sa lahat ng negosyo at ari-arian ng pamilya. Nakipag kaibigan s'ya sa abogado nila at nakipaglapit. Dahil isang hakbang din 'yun para mapadali ang kanyang mga balak.

~ ~

Sa simbahan. . .

Nagkagulo ang lahat dahil nawalan ng malay si Mabel. Mabilis na binuhat ni Enrico ito at isinakay sa kanyang kotse para dalhin sa pagamutan. Nagsisunuran nalang ang mga magulang at ilang malalapit na kamag-anak dito. Alalang-alala si Enrico para sa babaeng minamahal n'ya ng lihim. Paroo't parito ang ginagawa n'ya sa may pinto ng kwartong pinagpasukan ng mga doktor kay Mabel. Nasa ganoong ayos s'ya ng maabutan ng mga magulang ng babae, tanging pasasalamat ang naiganti nito sa kanya at kahit paano'y nagkaroon s'ya ng simpatiya sa mga magulang nito. Dagdag puntos na din 'yun sa pagpapa-pogi-points n'ya. Sumilay ng lihim ang isang ngiti ng tagumpay kay Enrico.

Simula nga nun s'ya na ang tanging taga aliw sa dalaga. Mahal na mahal n'ya ito kaya lahat nang gusto nito'y walang pag-aalinlangang ibibigay n'ya. Sinimulan n'ya ring isipin nito na matagal na s'yang niloloko at pinaglalaruan ni Josel ang kuya. Kinumbinsi na mamuhi ito ng labis-labis para sa kapatid. Inaalo n'ya ito sa mga pagkakataong pinanghihinaan ito ng loob. S'ya ang nagsilbing sandalan nito. Lahat 'yun ginawa ni Enrico at matyagang naghintay kung kelan mababaling ang pagmamahal nito sa kanya.

Lumipas ang apat na taon, masasabing ganap na ngang nakalimot si Mabel sa nangyari. Ngunit panaka-naka pa ding naaalala nito ang nakaraan pero, hindi na masyado ganu'n ang epekto nito para kay Mabel.

Nararamdaman na din n'yang minamahal na n'ya si Enrico na simula't sapol ay andyan lagi para sa kanya at nakaalalay. Noon pa ma'y nagpahayag na ito sa kanya ng pagkagusto subalit tinanggihan na muna n'ya ito pagkat sariwa pa ang sugat ng pagkabigo n'ya sa unang pag-ibig.

(to be continued) 

Ozzie's Horror Collection Book 1: The Mansion KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon