THE MANSION KILLER- CHAPTER 1

1.1K 27 1
                                    

Masayang nagpi-piknik ang magkasintahan sa malawak na kaparangan ng Sitio Sta. Barbara, kung saan sila naninirahan.

'' Ha ha ha! Enrico naman.... may kiliti ako dyan' ayyy!!! Ha ha ha! Ikaw talaga makatsansing lang, eh... '' Ani Mabel sa kaharutan n'yang nobyo. Naabutan kase s'ya nito sa pagtakbo kaya't yakap s'ya ngayon nito mula sa likod. Nakatawa lang si Enrico sa katipan at tila aliw na aliw sa nakikitang kasayahan nito.

Nagpumiglas kunwari si Mabel. Nakawala ito at nagmamadali ulit s'yang tumakbo palayo ngunit mabilis si Enrico. Nahapit n'ya agad ang beywang ng kasintahan pero 'di sinasadyang nawalan sila ng balanse sanhi para matumba sila na magkasabay. Isinuporta naman ni Enrico ang katawan sa nobya at matapos ay nagkatinginan sila ng seryoso. Sinamantala 'yun ni Enrico at mabilis n'yang ibinaba ang labi n'ya sa kasintahan. Pero agad ding nakabawi si Mabel at nag-iwas. Sa pisnge nahalikan ni Enrico si Mabel na ikina-panghinayang nang una.

'' Mahal, naman...! Halik lang sa lips ayaw pa. 'Di man lang ako pagbigyan.... '' Ani Enrico na nadismaya sa ginawi ni Mabel.

'' Mahal ko, 'di ba malinaw ang usapan natin na pag-nakasal na lang tayo. Ayoko kase... baka kung saan tayo umabot kapag gan'un! Gusto ko, maikasal na muna tayo at sayong-sayo na ako! '' Mahinahon namang sagot ni Mabel sa nobyong noon ay nginangatngat na ng pagkadismaya at kalungkutan ang damdamin.

Pag gan'un kaseng nasimulan. Parang nawawalan na nang gana si Enrico at ang dapat sanang masaya nilang piknik ay mauuwi na naman sa maagang pag hahatid niya kay Mabel.

Hanggang ngayon kase alam n'yang ang kapatid pa rin n'ya ang nakikita nito sa kanya. Pero nagbulag-bulagan na lamang s'ya.

Si Josel ang dapat na kasama ngayon ni Mabel at hindi si Enrico ang panganay nang una.

Dalawang taon na ang nakalilipas. Masayang-masaya din ang mga ito dahil si Josel talaga ang mahal at natipuhan ni Mabel. Hindi si Enrico.

Nakatakda na ang kasal nang mga ito. At pagsapit ng araw ng kasal nila'y ni anino ni Josel ay hindi sumipot sa simbahan. Naghintay at umasa sa wala si Mabel. Tanging si Enrico ang nakarating na dala ang isang masamang balita na talagang nakaplano na pala. Humabi s'ya ng kwento na sumama sa ibang babae si Josel at nakipagtanan. Ang sulat na pilit nya ipinagawa ng nakaraang gabi sa kapatid ay ibinigay pa n'ya kay Mabel para magsilbing katibayan at mapapaniwala nito ang lahat. Nagbulungan ang mga nakidalo sa kasal. Hindi nakayanan ni Mabel ang mga nabasa n'ya sa huling liham ni Josel para sa kanya. Parang gumuho ang mundo niya ng mga oras na 'yun at kung hindi naagapan ni Enrico si Mabel na masalo ay dumiretso na ito sa baldosa nang simbahan.

Pumanaw na kase ng mga panahon na 'yun ang kanilang mga magulang. Kaya't ang maitim na balak ni Enrico ay naisakatuparan n'ya nang malaya.

(To be continued)

Ozzie's Horror Collection Book 1: The Mansion KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon