THE MANSION KILLER- Chapter 8

518 15 0
                                    

 '' Claire! Anne! Buksan n'yo, bilis! '' si Allan na humahangos at kababakasan nang takot sa anyo. 

Nagulat naman ang dalawa sa loob, pero agad ding nakabawi at binuksan ng isa ang sasakyan.

" O, Kuya! Anong nangyari? Parang takot na takot ka? " Bungad na tanong agad ni Claire.

" Oo nga! At si Ate Jocelyn, bakit 'di mo kasama? " Sunod pang tanong ni Anne. Nagtataka ang dalawa sa Pinsan nila.

" P-Patay na si Jocelyn! Nakita ko! Kailangang makaalis tayo dito sa lalong madaling panahon! " Nangangatal na sagot ni Allan sa dalawa. Tuluyan na siyang pumasok sa loob, at isinara ang pinto ng sasakyan.

" Ano?! " Sabay na wika ng dalawa. Nabigla sa sinabi ng huli, at hindi makapaniwala. Sumigid din ang takot sa kanilang pagkatao.

" S-Sino pumatay sa kanya, kuya? " Bago pa tuluyang umiyak ay nakuha pang itanung ni Claire. Si Anne naman ay napahagulhol sa sinapit nang pinsan nila.

" Ewan, hindi ko masyado makita 'yung mukha ng lalaki. Nandoon siya sa mansion nakatira... "

" M-May mansion sa ganitong lugar? "

" Oo, du'n nga ako napadaan kanina. Sa dulo nitong maliit na kalsada na ito... "

Kinabig ni Allan ang pinsan. Tuluyan na kase itong umiyak. At nahabag siya dito.

" Masyadong mapanganib dito. Nasa ilang na lugar tayo. " Si Allan.

" Sana 'di nalang namin—- "

Hindi na natapos pa ni Claire ang sinasabi pagkat nakita n'ya sa labas ng bintana ang isang pantabak sa likod ni Anne. Kahit madilim ay aninag n'ya ito maging ang taong may hawak nito. Parang exclamotion ang nangyari, at saglit pa'y narinig 'nga 'nilang nabasag ang salamin ng bintana nang van. Derecho ang pantabak sa ulo ni Ann. Halos panawan naman ng ulirat si Claire sa nasaksihan. Nagsisigaw ito ng ubod lakas. Naalarma naman si Allan sa nangyari. Gustuhin man nitong tulungan pa ang pinsan na si Anne ay wala na s'yang magawa pa. Lumabas na s'ya nang van at hinila niya si Claire na hindi makausap at rindido. Sinamantala nila ang pagkakataon. Tumakbo silang palayo sa van. Tinahak nila ang rough road kahit madilim. Hila n'ya ang kamay ni Claire. Naiwan naman si Anne sa van. Nakamulat ito ngunit may pantabak nang nakalagay sa likod nang ulo. Inabot ito ni Rex. Binunot, sabay binuksan ang pinto ng van, at hinila palabas ang kanyang biktima.

Itutuloy. . . . 

Ozzie's Horror Collection Book 1: The Mansion KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon