Unang Pahina

23 8 0
                                    

Page 1

Dec 15, 20**

Dear Diary,

Ito pala ang kauna-unahan kong pagsusulat sa isang Notebook o paggawa ng diary. Diary, ako nga pala si Ilies, labing pitong taong gulang na namumuhay sa piling ng aking mga magulang.

Wala akong masyadong maibabahagi ngayon dahil ito nga ang unang paggawa ko ng ganito. Naninibago pa ako at pilit na hinahasa ang aking pakiramdam para masanay sa ganito.

Dahil nga sa sabi ng aking kaklase, ang pagsusulat daw sa isang diary ay pagkukwento kung ano ang mga buong nangyari sa isang araw.

Maganda nga ito sapagkat wala akong makakausap at sa pagsusulat ko nalang ito maibabahagi. Ilalahad ko dito sa diary ang lahat ng aking nagawa.

Ang aking mga magulang ay parehas na nasa aking tabi. Lagi nila akong kinakausap at binibigyan ng atensyon na pinapahalagahan ko sa lagi. Ang mga magulang ko ang tumatama sakin, sa mga pagkakamali ko. Hindi nila ako binibigyan ng mga nakakasakit na salita at pagtatama lang sa mga kilos ko ang kanilang ginagawa.

Para maging isang mabuting anak ako para sa kanila.

Wala naman akong maitatama dito dahil maintindihin akong anak. Ito ang kanilang gusto, na agad ko 'rin namang isinasagawa.

Wala akong mga kapatid. Pangarap ko 'rin magkaroon ng kapatid ngunit makakasama ito sa larangan ng pagiging mabuting anak ko para sa mga magulang ko. Pero pangarap ko padin naman magkaroon ng kapatid. Maglalaro kami ng buong puso.

Masipag ako sa pagaaral. Hindi man katalinuhan, meron naman akong kasipagan. Minsan napupuna ng mga magulang ko ang pagkakamali ko sa bawat aralin, na kinakasaya ko. Nabibigyan nila ako ng atensyon, sobrang daming atensyon.

Madami akong kaibigan. Hindi lang isa, dalawa o tatlo kundi marami. Masasaya kaming lahat, pantay pantay silang lahat at walang nahuhili o nauuna. Magkakaibigan kaming lahat na sama-sama hanggang sa huli.

Hindi ako nakarinig ng masasamang salita sa mga kaibigan ko. Mababait kasi sila, mauunawain at matulungin. Sila ang mahal na mahal ko sa lahat. Syempre, nangunguna ang mga magulang ko. Special sila.

Diary, lahat ng tao ay importante. Kailangan mahalin at pangalagaan. Gaya ng isang buhay, lasapin ito hanggang sa nararanasan pa.

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now