Pangawalang Pahina

11 7 0
                                        

Page 2

Dec 18, 20**

Dear Diary,

Ilang araw akong 'di nakapagsulat dahil sa madami akong nagawa. May mga pangyayaring hindi ko inaasahan at wala sa plano, diary. Nagulat man ako, napalitan 'rin naman ito ng pagkasabik para sa magiging resulta.

Maayos naman ang lahat maliban nga sa isang pangyayari. Gaya parin lahat ng dati. Oo nga pala, may isa na naman akong naging kaibigan. Ayaw nya sa akin ng una pero napaamo ko 'rin.

Sanay na ako sa kilos nya dahil lahat 'din ng gumawa sakin ng ganon ay nagiging kaibigan ko.

Marami akong bagay na muling nalaman dahil sa isa kong bagong kaibigan. Nagkakasundo 'rin naman silang lahat, lahat ng kaibigan ko. Napakilala ko 'rin ito sa mga magulang ko.

Sa una ayaw 'rin nila sa kanya ngunit gumawa parin ako ng paraan upang mapapayag sila. Nagtagumpay naman ako. Ayaw 'rin kasi ng mga magulang ko sa dati kong mga kaibigan pero umayon 'rin naman sila dahil sa mga nagawa ko.

Ngayon, dumami na ulit ang mga kaibigan ko. Pinapatuloy ko parin ang mga dati kong ugali. Walang nagbago at walang magbabago. Patuloy kaming lahat na magkakasama hanggang sa huli.

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now