Page 7
Dec 29, 20**
Dear diary,
Ayaw ko sa kanya.
Ayaw ko sa kanya.
Ayaw ko sa kanya.
Hinding-hindi ko sya magugustuhan. Diary, ang taong 'yon, sinubukan na naman nyang lumapit sakin. Kahit saan. Hindi ko alam kung paano nya nalalaman ang lokasyon ko pero naiinis ako sa kanya.
Gusto ko syang paglaruan. Iyong larong ginawa ko ng pasko tapos may parusa kapag hindi nya magawa 'yon. I'm confident that I will win kasi ako ang gumawa ng laro. Gusto ko lang maparamdam sa kanya ang emosyon ko.
Wala namang sinasabi ang mga magulang ko, wala silang kilos na ginagawa, na lubos kong pinagtataka. Bakit? Anong dahilan at bakit hindi na sila gaya ng dati? Isa lang ang naiisip ko...
At dahil iyon sa lalaki.
Diary, wala akong alam kung saan nagmumula ang emosyon na ito. Siguro, masama parin ang loob ko sa hindi nya pagpansin sa mga magulang ko 'nog unang nyang pagbisita sa bahay namin. Wala syang galang. Wala.
Kaya ang ginawa ko, kinausap ko sya, nagsalita ako, na lubos nyang kinagulat. Hindi kasi ako nagsasalita tuwing daldal sya ng daldal sa akin. Nang magsalita ako, bumuhos ng samu't saring tanong mula sa kanyang bibig.
Pero ang pinakatumatak saking isipin ay ang una at huli nyang tanong,
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Paano ka nabubuhay ng magisa?"
Hindi nya ba nakikita? Napapansin?Lagi kong katabi ang mga magulang ko. Lagi 'ring nakasunod ang mga kaibigan ko.
Mas lalong nagliyab ang inis ko sa kanya. Doon nagtapos ang pag-uusap namin. Ayaw ko talaga sa kanya at hinding-hindi ko sya magugustuhan, kailan man.
Umalis ako. Naglakad ako papalayo kahit rinig ko ang pagtawag nya, sa pangalan ko. May isang tanong na naman ang bumuo sa isipan ko, paano nya nalaman ang pangalan ko? Ni hindi ko nga sya kinausap.
Nagmamahal,
Ilies
![](https://img.wattpad.com/cover/327313306-288-k508190.jpg)
YOU ARE READING
Ilies Diary
Horror[COMPLETED ✓] Ang mga pangyayari bago mamatay ang babaeng nagnga-ngalang, Ilies. Malalaman sa isang Notebook na si Ilies mismo ang nagsulat. **** : The picture is not mine. CTTO. :Every chapter contains of 200+ to 400+ words.