Pang-walo na Pahina

8 7 0
                                    

Page 8

January 02, 20**

Dear Diary,

Nakita ko na naman sya ulit. Tuwing makikita ko sya, agad syang lumalapit sakin. Hindi ko naman sya pinapansin pero kung todo makadikit, tila lagi ko syang kinakausap.

Sanay na ata sya sakin, na walang sumasagot sa bawat tanong at daldal nya. Medyo kakaiba sa pakiramdam, na may lumalapit sakin at kumakausap na parang kaibigan nya ako.

Hindi ko nadin nararamdaman ang mga nagmamatyag sa bawat galaw ko, siguro nagsimula ito nang lumapit at nakipagusap sya sakin.

Alam ko na may pakay sya sakin dahil halatang-halata naman sa mga kinikilos nya ngunit hindi ko masabi o matanong sa kanya.

Bakit? Ano ang dahilan? Diary, I feel like I'm turning weird and just like my surroundings. Ang mga magulang ko na todo salita sakin, hindi na sila naimik at nakatitig lang nalang sa bawat galaw ko.

Natutuwa parin ako dahil nandyan sila sa tabi ko. May oras parin ako para maging isang mabuting anak para sa kanila. Nang mga nakaraang araw, nagsisimula na magbago ang buhay ko.

At dahil iyon sa taong laging lapit ng lapit sakin.

Naiinis at ayaw ko parin sa kanya. Ngunit hindi ko maitanggi na may kakaiba akong emosyon na nararamdaman tuwing naririnig ang bawat kwento nya sakin. Hindi man ako nagsasalita, malakas ang pandinig ko para maunawaan ang lahat ng sinasabi nya.

Ngayong araw, diary, nakita ko ulit sya. Hindi ko parin sya pinansin at pinapasok ng bahay. Nang makita ko sya sa bintana, nanatili parin sya sa labas.

Nakatitig sa bahay namin. Ang ngiting laging kanyang dala ay tila isang imahinasyong naglaho.

Ano ang tinitignan nya? Nagsimula na naman akong magtaka. Walang araw na hindi nawawalan ang tanong tuwing kasama ko sya. Mukha itong seryoso at may kinuha sa bulsa.

Cellphone nito. May tinawagan ito, diary. Sa bawat buka ng bibig nya, lubos na kaba ang nadarama ko. Sino ba ang taong ito para magparamdam sakin ng ganito?

Hanggang sa nakalimutan ko na may kausap ito sa cellphone. At hanggang sa nakalimutan ko ang mga magulang ko na may kakaibang ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi.

Nagmamahal,
Ilies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now