Page 13
January 10, 20**
Dear diary,
Lumipas na naman ang isang araw. Isang araw na nakakulong ako sa isang kwarto, kaya ginul-gol ko ang oras ko sa pagsusulat, diary. Alam ko narin naman ang mangyayari kaya sinusulit ko nalang sa pagsusulat.
Hindi ko na nakita ang taong laging kumakausap sakin. Wala akong maramdaman. Wala akong ideya kung ano na ang nangyari sakin.
Sa mga kaibigan ko, pilit ko silang sinama sa hukay. Alam kong, alam nila ang totoo ngunit tinanggap nila ako. Sa huli, tinapos ko parin ang buhay nila. Alam nila ang lahat.
Alam nila ang nangyari sakin. Lalo na nang makapasok sila sa loob ng bahay, nakita ko ang mga ekspresyon nila ngunit sinawalang bahala ko iyon.
Nakita nila kung gaano kakalat ang bahay na iyon, mga dugo, basura at 'di mawawala ang bangkay ng mga magulang ko.
Pero wala silang sinabi. They become my friend even knowing all of that. Nasa harap na nila ang nangyari ngunit mas pinili parin nila ang aming pagkakaibigan.
Siguro, iyon narin ang tumulak sakin para maangkin sila, kahit 'di ko alam ang lahat ng nangyayari.
Bulag ako. Bulag ako sa katotohanan. They are all special, I'm very fond at them...that's why I killed them. I killed all of them. Kitang-kita ko diary, ang ngiti sa kanilang labi.
Sinuportahan parin nila ako saking desisyon, hanggang sa huli.
Diary, masama ba ako? Gusto ko lang naman punan ang kagustuhan ko sa buhay. Madami akong ginawang kasalanan. Hindi kapatawaran. Ngunit ano ang magagawa ko? May problema 'rin sakin.
Kaya pala. Kahit nasa tabi ko ang mga magulang ko, nakakaramdam parin ako ng pag-iisa. Na tila wala sila saking tabi. Nang dumating ang mga kaibigan ko, naramdaman ko ang mga emosyon.
Sa kagustuhan kong hawakan iyon at hindi na mawala, tinapos ko sila. Pinatay...at ganoon 'rin ang pagpatay ng aking emosyon. Pinatay ko ang sarili ko.
Hanggang sa dumating sya. Dumating ang lalaking iyon. Kinausap nya ako. Kahit nakita o naamoy nya ang nasa loob ng bahay, pilit nya parin na tabihan ako.
Kaya pala nag-iba ang itsura nya nang una nya akong dalawin sa bahay namin ngunit nagawa nya paring ngumiti.
Diary, ano ang susunod kong gagawin? Hindi ko kaya...ayaw kong gawin sa lalaking iyon ang mga nagawa ko sa mga kaibigan ko...
Gusto ko sya...gusto ko syang angkinin ng buong-buo. Pero paano? Paano ng hindi sya napapatay? Dahil..iyon lamang ang alam ko...ang pumatay.
Nagmamahal,
Ilies
YOU ARE READING
Ilies Diary
Horror[COMPLETED ✓] Ang mga pangyayari bago mamatay ang babaeng nagnga-ngalang, Ilies. Malalaman sa isang Notebook na si Ilies mismo ang nagsulat **** Every chap- 200+ to 400+ words (Short but meaningful) Credits to the rightful owner (The picture is from...