Ten

31 1 0
                                    

Ten

Nakaenroll na ako't lahat pero feel ko may kulang.
Ano ba yun? Kinapa ako ang bulsa ko.
Wallet? Check.
Cellphone? Che--.
Where the hell is my phone?
Anobayan!!

Bumalik ako sa counter para tignan kung naiwan ko dun. Wala naman.

Naghanap na ako kung san, wala padin.

Sabi nung babae na napagtanungan ko, sa lost and found nadaw ako dumiretso.
I did.

Pagdating ko, may lalaking nakatalikod.
Looks familiar.

"Hello. Miss, may nakahanap ba or may nag--" sabi ko at naputol ito. Humarap kasi yung lalaki.

At pagkalaki laki ng ngisi. Eto nanaman tayo.

"Hinahanap mo phone mo diba? It's here. Nakita ko kanina sa counter pagkatapos mo akong walk out-an" sabi nya sabay lahad ng kamay para ipakita at ibigay ang phone ko.

"Ohh, yeah. Thanks." sabi ko sabay ngiti at umalis na.
Pinigilan nya ako.

"Err, what?" sabi ko
"Lunch tayo? Treat ko. Dyan nalang sa Shakey's. And I don't take no for an answer. Eto nalang ang gawin mo para makabawi ka sakin." sabi nya sabay tawa

"What do you need? You can go alone. May pupuntahan pa ako." sabi ko

"Ah, may lakad ka? Edi samahan kita." sabi nya

"Can't you see I am not interested in you? Narinig mo pa kanina diba? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ba ang feeling close mo?!" sigaw ko sakanya

Napasobra na ako. Pero hindi ko na yun pwede bawiin.

Shocked ang mukha nya. Nakunsensya tuloy ako.
Pero unti unting napalitan ng pag ngisi. What? Binabawi ko na. Di na ako nakukunsensya.

"I really like you. Straightforward. Palaban." sabi nya

Bumagsak ang panga ko. What? This guy is so so weird.

"I really don't care about your opinion mister! Lubayan mo ako." sabi ko sabay lakad palayo.

Pero nakuha nya nanaman ang braso ko at hinarap ako sknya.
"Hep hep. Kakaiba ka talaga. Wala man lang bang akong dating sayo? Tara na kasi. Hindi ako rapist o ano man kung yon ang kinakatakot mo. Lunch lang Ashemyth." sabi nya sabay ngiti ng nakakaloka.

Oo nakakaloka talaga! Gwapo naman kasi to. Kaya lang may iba sa pangalan nya e.
May 'Dale' malay ko ba kung anak pala to ng kabit ng tatay ko. Malay ko kapatid ko pala to.

Gaganti ako diba? Pero ayaw kong maattach sakanya. At kung magkapatid man kami sa ama talaga, kadiri na may gusto sya sakin.
Incest? Nah.

"Bwisit. Ayoko. I don't like. Ano di mo pa naiintindihan?" sabi ko

"Bakit ba ang init init agad ng dugo mo sakin? Bakit ba galit na galit ka? Kakakilala palang natin at gusto lang naman kita maging kaibigan!" sigaw nya.

Nagulat ako.
Napagtaasan nya ako ng boses.

Pero mas nakakagulat?
Nginitian nya nanaman ako.
Seriously?

"Leche. Oona! Una't huli to ha." sabi ko sabay una na patungong Shakey's.

"Yun o. Pahard to get pa, sasama din naman pala." bulong nya pero narinig ko.

Tumigil tuloy ako sa paglalakad at humarap saknya.
"Ano ulit yun?" sabi ko sabay ngiti

"Wala! Mas maganda sayo nakangiti." sabi nya ng walang pakundangan.
"Matagal na akong maganda kaya di mo na kailangan sabihin pa. Nakangiti, naiyak, galit o ano pang expression, maganda padin ako." sabi ko sabay tawa

Taas talaga. Lakas tuloy ng hangin.
Hahahahahahaha.
Napatawa nadin sya.
Sya na yung umorder kasi wala naman ako sa mood umorder tho fav ko ang Shakey's.

Ako na ang nagstart ng conversation.

He's not bad naman kasi. Nilibre nya pa ako.
Dapat di ko nalang isipin na anak to ng Cynthdale.

"How do you know me pala?" sabi ko sabay subo ng pizza

"Naririnig kita sa mga lalaki nung naglalakad ako e. Morena. Di masyadong katangkaran. Di din ganon katangos. Pero maganda daw. Edi naging interesado ako." sabi nya sabay tawa

"Hala. Bat naman ako pag uusapan?" sabi ko ng nagtataka.

Bat nga ba?

"Maganda ka eh" sabi nya na parang yun ang pinakamadaling salitang sabihin.
Ganon ba talaga to?

"Whatevs. So curious lang ako. Bat ka sikat? Sabi nung babae sikat kadaw." sabi ko

"Hahaha. Natutuwa talaga ako sayo. Well, nag iisang anak ako ng mga Vasquez. Vasque--" sabi nya na pinutol ko.

No. Sana hindi Vasquez Network. Mygash! Sikat na network yun sa buong mundo.

"Hindi naman Vasquez Net diba?" sabi ko

Napatawa sya.

"You know that? Akala ko taga bundok ka e." sabi nya sabay tawa

How dare him.
"I know the network kasi tv person ako e. Pero bat kanaman magiging sikat ng ganyan? Unless artista ka? Model? Hindi naman ata" sabi ko

At yun na nga. Nagpatuloy na ang kwentuhan namin.
Magmomodel daw sya minsan. Pero hindi naman daw nya 'thing' iyon.

Natapos na ang paguusap namin.

He's not bad. Really not bad. He's so nice pa.

"Thanks Ethon. Nag enjoy ako. Di ka nga rapist." sabi ko sabay tawa

At Ethon ang tawag ko sakanya. Daleton kasi sya. Ayaw ko naman tawagin na Dale kasi nga pangalan yun ng makati.

"Panindigan mo yang Ethon ha Myth? Hahaha. Bininyagan mo na ako ng ibang pangalan. Well, thanks din. Nag enjoy ako. Nice meeting you." sabi nya sabay ngiti.

Friends na kami? Siguro. Oo ata. Sana.

Kasi ang bait nya. Hahahaha

xxHaniexine

Promises do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon