Three

52 3 0
                                    

Three



Ash's POV


Sa first month, all went well. Kasundo ko naman ang mga kaklase ko pero di talaga kami mapaghiwalay ni Ria. Parang bestfriends na nga kami eh. Sobrang bait at daldal nya.

Kinukwento ko nga sya kay nanay eh. Natutuwa din si nanay kasi may kaibigan na daw ako.

Nung elementary kasi ako wala akong naging kaclose na kaibigan dahil sa insidente na yun.

Sabado ngayon. Bonding time namin yun, dati.

Pero eto ako, nakahiga nalang sa kama ko. Wala, after that, wala nang pakielam sakin si mommy.

You wanna know kung anong reason? I'll tell you then.

When I was in grade 4, perfect family ang meron ako. A loving and happy mom and dad. Sobrang naiinggit ang kaklase ko noon sakin kasi kada may event sa school, both mom and dad are always attending. Honor din ako palagi kaya sobrang proud sila sakin. Every Saturday, nagpupunta kami somewhere para galaan. They would always buy me a doll. Sobrang saya ko that time pero di ko akalain na may sisira pa sa perfect family namin na yun.

 

Friday afternoon, sinundo ako ni mommy sa loob ng school habang si dad naman nag iintay sa car sa parking.

May isang babaeng lumapit samin. Yung aura na galit na galit. Natakot ako nun at niyakap si mommy kasi pasugod samin.

 

"Walang hiya kang babae ka! Malandi ka! Mang aagaw kang malandi ka! Nakakadiri ka! Ako na yung kinakasama ni Alfred noon pero anong ginawa mo?! Inakit mo syang pokpok ka!" sabi nung babae.

 

Natakot ako, naguluhan. Ano bang sinasabi nila? Bat narinig ko yung pangalan ni daddy? Bat sinisigawan nya si mommy?

 

"Mommy, what's happening?" sabi ko ng naiyak

 

"Hush now baby. Nothing. You go to the playground muna. We will talk lang ha?" sabi ni mom

 

Sumunod nalang ako. Pero nung nasa playground na ako, naririnig ko ang sigawan nila.

 

"Hoy sino kaba? Anong sinasabi mo na inagaw ko sayo? At nadamay pa dito ang asawa ko? Tumigil kang babae ka ha!" sigaw ni mommy.

"Waalang hiya ka! Napakalandi mo! Ako pa ngayon?" sabi naman nung babae.

 

Dahil nakita ko na na nagsasakitan na sila, tumakbo ako sa parking para mapuntahan si daddy.

 

"DADDY! DADDY!" sigaw ko sabay iyak.

"Why are you crying anak? Asan ang mommy mo?" sabi ni dad.

 

"Andoon si mommy with a girl and they are fighting po" pagsusumbong ko.

 

"WHAT?" pagkabigla ni dad.

Hinila ko nalang sya kung nasan sila mom tapos nung nandon na kami, biglang niyakap nung girl si daddy.

"Alfred, sya yung pinagpalit mo sakin diba? Alfred bumalik nalang ulit ikaw sakin, tatanggapin naman kita eh." Iyak nung babae.

 

Pinipilit na alsin ni daddy yung yakap saknya nung babae, at nung naalis na nya nagsalita si dad.

"Cynthdale, ano ba?! Hindi pa ba malinaw na wala na tayo? Almost 10 years na yung nakalipas ha! Tumigil kana. Masaya na kami ng pamilya ko. Mahal ko ang asawa at anak ko, kaya parang awa mo na lumayo kanalang." Sabi ni dad

 

"Masaya?! Ayos pala eh! Kami ng anak MO nagpakahirap mabuhay nang wala ka sa tabi namin! Pinalayas ako ni mama at papa nung nalaman nila na buntis ako. Asan kang gago ka non, ha? Tapos sasabihin mo sakin na lumayo na ako? Hoy Alfred kailangan ka namin ng anak mo!" sabi nung babae.

 

Naguguluhan na ako. Di ko maintindihan si daddy at yung babae. Si mommy iyak ng iyak. Ano ba yung sinasabi nila?

Sa sobrang pag iyak ko, sinumpong ako ng asthma.

Nahihirapan na akong huminga.

"MO—M. D—AD" sabi ko

 

Lumapit agad sakin si mommy. Binuhat nya ako at sumigaw sya dahilan para mapansin kami ni daddy. Tumakbo narin si daddy saamin at binuhat nya ako. Pero bago kami umalis narinig kong may sinabi pa sya doon sa babae.

Bat ganon? Ang sakit maalala lahat ng yun.

xxHaniexine.

PS. May part 2 pa yang ultra flashback :)

Promises do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon