Thirteen

24 1 0
                                    

@Missmaple This is for you. Naiinspire mo ako sa stories na ginawa at ginagawa mo. More power ate Bee! <3


Daleton's POV


Sa date namin ngayon ni Myth, pinlano ko ng matino.


Lunch at Shakey's. Tapos nonood kami ng movie then pupuntang Starcity tapos Tagaytay.


Akala ko nga di nya nagustuhan pero may narinig akong nakapagpasaya sakin.



"Wag kang pafall, please." sabi nya.


Mahina lang ang pagkakasabi nya nun, pero narinig ko.


Hindi nalang ako nagreact kasi baka kung ano pa masabi ko.



Hinila ko ang kamay nya papuntang Shakey's. Napatigil sya sa paglalakad sa pagkabigla.


"Bakit?" sabi ko ng nakangiti.


"Ahh, wala. Tara na?" sabi nya ng hindi makatingin saakin.


"Tara na!" sabi ko sabay hila sya papalapit sa akin at inakbayan ko na.


Nababakla na ata ako.


"Hoy Ethon! Kamay mo. Bilis mo ha!" sabi nya sabay tanggal ng kamay ko na nasa balikat nya.


Tinanggal ko ito at tumawa nalang.


Kumain na kami at nanood ng movie.


Hindi ako makapagconcentrate sa panonood.


Nahuhulog na ba ako kay Myth?


Masyado pang maaga.


Natapos na ang movie at mukhang naenjoy nya nanaman ang panonood.


"Nagustuhan mo?" sabi ko


Tumango sya. "Oo ang ganda. Ikaw, hindi mo ba nagustuhan?" sabi nya


"Mas gusto kong nakatingin sayo e." sabi ko


Nilagay nya ang palad nya sa mukha ko ang tinampal ang noo ko.


"Mga style mo." sabi nya habang natawa.


Ayon, pumunta na kami sa Starcity at nag enjoy talaga sya.


Shit. Nahuhulog na nga ata ako.


Pagkatapos namin sa Starcity, dumiretso na kami sa Tagaytay.


Dinala ko nalang sya sa Starbucks at tumambay sa may parking after umorder.


"Gusto kita." sabi ko


Napatingin sya sakin.

Ngumiti sya.



"Alam ko. Gusto mo ako bilang tao at sa personality ko." sabi nya


Shit. Gusto ko sya nung una pero gusto ko na sya ngayon na may romantic feelings na involved.


"Gusto kita. Hindi lang bilang ikaw. Gusto kita.. Gusto din kitang ligawan." sabi ko ng nakatingin sa mga mata nya.


"A-ano?" sabi nya ng gulat na gulat.


"Liligawan kako kita." sabi ko ng di makatingin sa mata nya.


"Ah eh. Hindi ba parang ang bilis?" sabi nya ng namumula.


"Hindi ko naman sinasabi na sagutin mo ako agad. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita." sabi ko


Hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mata.


"Gusto kita Ashemyth Montgometry." sabi ko


xxHaniexine

Promises do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon