Two

69 2 1
                                    

Two.



Ash's POV

Ito na. Sana okay lang tong bagong school ko na to. Aish! I can do this!

Nagsimula na akong maglakad sa entrance ng school. Di naman sya ganoon kalakihan. Semi private lang kasi itong school na to at catholic school to.

Habang naglalakad, nagmamasid na din ako. Wala kasi akong kakilala dito eh.

"Saan kaya ang Uno na section? Ano ba yan kasi nama- ARAY!" ako

"Hala, sorry ate! Nako sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Sorry!" sabi nung babae na nakabangga sakin

Ngumiti nalang ako kahit sobrang sakit ng pwetan ko.

"Okay kalang? Clinic! Tama clinic! Tara ate? Nako sorry talaga" sabi nya with guilt on her face.

"Okay lang. Di rin naman ako nakatingin." Sabi ko


"Eh sorry parin! Pero papakilala muna ako ah? Ako si Ariasse Castro" sabay ngiti nya.

Maganda sya ah. Friendly pa. Mukang magiging kaibigan ko to.


"Hello Ariasse! Ria nalang tawag ko sayo, okay lang? By the way, ako si Ashemyth Montgometry" sabay ngiti ko.


"Ay sige oo Ria nalang. Ang ganda naman ng pangalan mo! Ash nalang itatawag ko sayo ha?" sabi nya


Nawala ang ngiti ko.


"Uhm, sorry Ria, kasi di ako sanay na Ash ang tawag sakin. Myth nalang, ha?" sabi ko nalang.


Ayaw ko kasing tinatawag akong Ash. Masyadong madaming memories.

"Sige Myth! Friends na tayo ha!" sabi nya

Sa pagkekwentuhan namin, nalaman ko na transferee lang din pala sya at pareho pa kaming section Uno.

Mukhang mabait naman sya. Sana.

xxHaniexine.

Promises do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon