Love hurts
"oh! Cousin umuwi ka? Akala ko kasi sa hospital kana titira?" after 1 week kasi ngayon palang umuwi 'tong pinsan ko. Super kasi ang pagbabantay ky Cj dahil gusto niya raw siya unang makita ni Cj pag nagising ito.
"nagsawa na ako eh, gusto mo pagbalibaliin ko yang mga buto ng ikaw naman tumira don?" natawa nalang ako.
"Kailangan ko nabang matakot sayo couz?"nakangisi kong sabi.
"tsk! Oo na,wala na akong panama sayo. Akyat na ako matutulog pa ako eh" sagot naman nito at tumalikod na.
"wag kana matulog,mas bagay nga sayo yang eyebug mo eh.hahaha" simaan naman ako ng tingin.
"woah!! Natatakot ako sa tingin mo couz,pramiz!hahaha" binato naman niya sakin ang nadaanan niyang unan sa couch. Sinalo ko lang ito at tumawa ng tumawa.
"mautas ka sana sa kakatawa." inis na sabi nito.
"hahahaha, ahm! Aherm!ahm pfffft! Ehem! But pikon kana ata couz??yan ba epekto ng pagtira mo sa hospital? Haha" di ko talaga mapigilang tumawa,hinahayaan na niya kasi akong asarin siya. Eh pasaway din tong pinsan ko eh.
"manahimik ka, pagod lang ako" sagot nito at tumakbo na sa taas, pagkapasok niya ng room ay pabagsak niya itong isinara. Napailing nalang ako sa lakas ng tunog na dulot nito.
Pero ilang saglit lang ay bumukas din ulit ang pintuan nito"si Jl lang ang mag-isang nagbabantay don, baka gusto mong samahan siya para masulo mo?" pagkatapos niyang sabihin yon ay sinarado ni agad ang pinto.
Napangiti naman ako sa ideyang yon. Why not diba? Makaligo nga muna.
Dali-dali naman akong pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos ng 15 minutes tapos narin akong maligo at magbihis.
Naisipan kung magdala narin ng mga pagkain, para kung sakali gutomin kami at para di masyado boring pag walang ginagawa, kakain nalang kami ni Jl.
"honeybunch gusto mo ng apple? Ito oh susubuan kita" "talaga honeybunch? Ok ahh! Ahmm ang sarap honeybunch pag ikaw nagsubo" talaga honeybunch? Ito pa oh, subuan pa kita" "thank you honeybunch ang sweet mo talaga. Subuan din kita honeybunch. Say ahh" "aahk!..
(tok! Tok! Tok!) ay footspa! Panira naman to oh. (tok! Tok! Tok!) "sandali!" sigaw ko. Talagang malilintikan kung sino mang panira to. Ngalangala niya lang walang latay.
"hoy! Talipandas ni hudas...honeybunch? But ka nandito? Sinusundo mo ba ako?" di ko akalain siya pala yon? Kahit masira lahat ng imagination ko kong siya lang naman ang mabungaran ko ok lang. Ang hot pa niya ngayon.
"anjan ba si Mj" tanong nito. "nasa kwarto niya, wag kang mag-alala okey na okey sa kanya na samahan kita sa hospital. Kaya papunta narin nga ako don eh"sagot ko naman na ngiting-ngiti.
"ah, kausapin ko sana siya" sabi nito na di manlang ako tinitingnan. "ah ganoon ba?sige hatid kita sa kwarto niya" tsk! Saklap.
Hinatid ko nga siya sa kwarto ni Mj. At si Mj naman pinapasok din siya agad. Pagkasarado nila ng pinto ay idikit ko ang tenga ko sa pintoan para marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"ay tsonggo na pangit"napatili nalang ako sa gulat ng my sumundot sa tagiliran ko.
"grabe ka naman Aly, tsonggo na nga, pangit pa. Tsaka sa gwapo kong to?" si Jasper po yan. Ginawang bahay niya na kasi tong bahay ng lola ko.
"totoo naman eh, ewan ko ba ky Christine ano nagustohan sayo" sagot ko naman. "tsupi nga estorbo ka eh" inis na dagdag ko pa.
"kahit dumikit na ng tuluyan yang tenga mo sa pintoan 'di ka parin magugustohan ni Jl" talaga tong lalaking to, sarap ibalibag eh.
" he he... Kung ibalibag kaya kita, ewan ko lang din kong magustohan ka padin ni Christine pag bali-bali kana?" nakangisi kong naman sagot sa kanya.
"to naman di na mabiro, asan pala bhebz ko? Hehe" sabi nito sabay kamot ng ulo.
"baka sa kusina, nagnanakaw ng ulo ng isda. Hala! Tsupi nga." nae-estorbo yong pagmamasid ko eh.
Kakamot-kamot lang ito ng ulo at bumaba papuntang kusina.
Ididikit ko na sana ulit ang tenga ko sa pintuan para makinig ng biglang bumukas ito. Lumanding naman ang mukha ko sa matiponong dibdib. Nang e-angat ko ang mukha ko para tignan kung sino ang nakasalo sakin.
Pilit na ngiti nalang ang sinukli ko sa kunot-noong sinalubong sakin ni Jl.
"honeybunch, your my hero. Nasalo mo ako? Disteny talaga tayo honeybunch" ngumiwi naman ito na akala mo nandidiri. "honeybunch tapos na kayo mag-usap? Punta na tayong hospital?" imbes na sagutin ako ay, tinulak niya ako palayo katawan niya at walang imik na lumbas siya ng kwarto."hahahahahaha epic fail! Or mas magandang silip fail? Hahahahahaha" pangangantiyaw ni Mj.
"nice try couz, napikon ako pramis.haha" eh di natahimik din siya.
Padabog akong lumabas ng kwarto at sinundan si Jl. Nadaanan ko pa sa sala ang naghaharutan na Christine at Jasper.
"get a room" biglang sabi ko ng magtapat ako sa gilid nila. "ampalaya ka lang Aly. Haha kasi ba naman lalaki na ang nagwalk out sa kanya.hahaha" pang aasar ni Jasper.
"mananahimik ka or hahalikan kita?" pagbabanta ko rito. Pareho namang nanlaki ang mata nilang dalawa at sabay pa na umiling. Tsk!
Nakita ko naman si Jl sa labas na ng gate ng bahay.
"honeybunch antayin mo ako" pigil ko sa kanya pero patuloy lang ito sa paglalakad at di ako pinansin.
"honeybunch saglit lang, kapagod habulin ka." huminto naman siya at hinintay ako. Nang magkarating ako sa likuran niya mismo ay bigla nalang ito bumaling sakin.
"Aly stop chasing me"seryosong sabi nito.
"pero bakit naman honeybunch?" huminga muna ito ng malalim bago ulit nagsalita."I dont want to hurt you. Ayaw kung paasahin kapa, kasi wala talaga eh, siya parin ang mahal ko" para naman akong sinaksak ng maraming kutsilyo ng sabay-sabay na halos di ko kayang huminga. Pero pilit kung nilabanan ang mga sinabi niya at sinuklian siya ng matamis na ngiti.
"dont worry honeybunch,di pa naman ako nagstart panliligaw sayo eh. Later on, magugustohan mo rin ako. Nakangiting sabi ko rito.
"mapapagod kalang Aly" malumanay na sabi nito. Na mas lalong nagpadagdag sa kagustohan kung ipagpatuloy ang pagsusuyo sa kanya.
"haha,wag kang magalala, basta tungkol sayo,di ako mapapagod."nakangiting sabi ko.