love?
"mama a-alis na po kami ni honeybunch" sigaw ko sa tita ni Jl. Paano ba naman kasi ang bilis maglakad ni honeybunch.
"sige mag-ingat kayo ha" sigaw din ni tita na naka dungaw lang sa bintana. Nasa labas na kasi kami ng bahay nila Jl.
"mag-ingat po sila sakin" sagot ko at sinabayan ng tawa. Tumawa rin si Tita. Nagwave nalang kami sa isa't isa.
"honeybunch, saan ang punta natin" tanong ko ky Jl ng maabotan ko ito sa labas kung saan nakalagay ang mga motor namin.
"sa mall" maiksing sagot nito at sumampa na sa motor niya. "talaga honeybunch? Ibig bang sabihin niyan e-di-date mo ako?" tanong ko ulit sa kanya pero "tsk" lang ang sagot.
Nagbago naba ang mga language at tsk na ang oo? Sumampa narin ako sa motor para sundan si Jl. Hindi naman ako sinasagot ng utak ko eh. Bakit kaya walang bunganga ang mga utak? "try mo rin kayang lagyan ng utak yang bunganga mo" sabad naman ng konsensiya ko.
Minsan tama rin ang konsensiya eh. Pero madalas ang sarap ibitay sa kamatis.
"sshcreurrrrrrrcssshh!!!!!!!!" bigla kong naipihit papunta sa kabilang banda ang motor na minamaneho ko dahil sa narinig ko. At tama nga ang hinala ko, muntik na ako'ng mabangga ng kotse. Mabuti nalang at nakapag preno ito.
Wala kasi ako sa mundo habang nagmamaneho kaya hindi ko namalayan nasa intersection na pala ako at naka red light na pala. Nakita kong lumabas ng sasakyan ang driver ng kotse na muntik ng maka bangga sakin.
Malayo palang ay pinapatay na niya ako ng tingin at galit na galit itong lumapit sa'kin.
"magpapakamatay kaba?" bulyaw ko agad ng makalapit siya. Kitang-kita ko sa mata nito ang pagka gulat. sino ba naman hindi magulat? Imbes siya dapat magalit ay ako pa itong sumigaw.
"Ano!?... Ikaw pa my ganang manigaw na ikaw naman itong my kasalanan? Nakita mo bang naka red light dapat huminto...." hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng itapat ko ang mga palad ko sa bibig niya.
"hep! Malamang hindi ko nakita, kaya nga deri-deritso lang ako diba?"sigaw ko sa kanya. "hep! 'wag ka nang masalita, kalalaki mo'ng tao ang daldal mo" lalong sumama ang tingin nito sa'kin.
"aba't!" 'di makapaniwalang turan nito at nagpipigil lang sa galit. "at 'wag ka nang sasagot pa, nakakahiya ka! Lalaki ka pero pinapatulan mo ang babae?" singhal ko parin sa kanya. Kaya halos lamunin na niya ako ng buhay.
"umakto ka naman ayon sa uri mo, sinisigawan mo talaga ang babae? Matuto ka namang rumespeto" dagdag ko pa. Napasabunot naman ito ng buhok dahil sa inis.
"pasalamat kalang talaga na babae ka, dahil kong lalaki kalang masasapak talaga kita."sagot nito na bakas sa mukha niya ang pagkainis.
Napangiti naman ako ng maglakad siya pabalik sa kotse niya. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa ang in-i-start ko rin ang motor at mabilis na umalis sa lugar na yon.
. . . .
"ano bang nasa kukote mo at muntik kanang mabangga kanina ha. Alam mo bang pinag alala mo ako?" salubong sakin ni Jl ng makarating ako sa parking lot ng mall.
"at ngi-ngiti-ngiti kalang?" inis na turan nito. "kasi honeybunch ang sarap ng feeling na nagalala ka sakin" sagot ko naman. Napakamot naman ito ng kilay sa inis. "that's why, i love being in trouble dahil alam kong nagalala ka, ibig sabihin lang noon mahalaga ako sayo honeybunch"dagdag ko pa. Napa buga ito ng hangin at hindi malaman ang sasabihin.
"bahala ka nga sa buhay mo"mahinang turan nito at naglakad papasok ng mall.
. . . .
"honeybunch ice cream tayo, upo kanalang doon, ako na mago-order" nandito kasi kami sa tapat ng ice cream shop kaya hinila ko si Jl papasok. Wala naman siyang naging sagot sa sinabi ko at pumunta nalang sa bakanteng mesa.
"goodafter maam, ano po bibilhin nyo?" nakangiting bati ng babaeng nagbabantay pero panay sulyap ky Jl.
"ice tubig" tipid na sagot ko. Tumawa naman ang babae. "maam ice cream po paninda namin. Nasa mall ka po, walang tiangge dito" saad nito habang tumatawa.
"alam mo naman palang ice cream paninda mo bakit tatanungin mo pa ako ng bibilhin ko? Dapat tinanong mo ako anong flavor ng ice cream gusto ko" sagot ko sa malumanay na pananalita.
Tinitigan pa ako ng babae mula ulo hanggang paa at paa hangang ulo. "asan manager mo?" matigas na sabi ko.
Nataranta naman siyang kumilos na 'di alam kong anong kukunin. Hindi ko pa kasi nasabi ang o-order-en ko. "sorry ma-maam, a-ano pong b-b.. Ay! Ano pong flavor ng ice cream gusto niyo?" nagkanda utal na tanong nito. "isang calamansi at Lemon" nakangiting sabi ko.
Napapamura ng mahina ang babae dahil sa pagpipigil ng inis niya sakin. "maam wala po kaming ganyang flavor" pilit na ngiting turan nito.
"mango, ube, chocolate, strawberry, coconut, melon, vanilla, rocky road and cookies and cream lang po meron kami"dagdag pa nito ng makitang nag-iisip ang ng sasabihin.
"wala bang rocky face na flavor?" halos magpapadyak na ito sa inis pero pinipigilan parin nito. "wala po maam" sagot ulit nito habang nakangiti ng pilit.
"pwede bang halu-halo-in ang flavor sa isang order? " kahit inis na inis na ito ay napa buga nalang ito ng hangin bago sumagot ng opo maam.
"sa isang order five flavor po maximum" dagdag pa nito.
"ok sa isang order mango, ube, chocolate, strawberry, rocky road, sa pangalawa coconut, melon, vanilla, ube cookies and cream" saad ko ng mabilis at alam kong hindi niya yon nakuha. Kaya napasimangot ito. " i hate repeating what i've said" dagdag ko pa na mas lalong kinainis niya.
Hindi ko alam kong anong ibibigay niyang flavor basta pinagbayad na niya ako ng dalawang order kaya binayaran ko din.
Nang ibinigay niya saking ang order ko ang lahat ng flover sa isang order ay nandoon kaya halos umapaw na ito sa malaking glass bowl na nilalagyan nila.
Kinuha ko naman agad 'yon at dinala ky Jl.