Love? Parang game lang yan.
"hi mama"bati ko sa tita ni Jl ng pagbuksan niya ako ng pintoan.
"adopted ko, bakit ngayon ka lang napdalaw?" natatawang saad din nito at niyakap ako.
"eh kasi naman mama, masyadong pakipot si honeybunch. asan pala siya?" natawa naman si tita/mama sa sinabi ko.
"nasa kwarto...my...." hindi ko na pinatapos si tita at dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Jl.
Binuksan ko agad ang pintoan at pumasok. Pero natigilan ako sa aking nabungaran. Biglang tumigil ang tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga. Ang sakit-sakit pala sa dibdib na makitang ang taong mahal mo na my kahalikang iba.
Totoo pala talagang nagkabalikan sila. Siguro ito na ang rason para mag abort mission ako. Titigilan ko na si Jl. Kaya ng sabi ko na susuko lang ako pag minahal din siya ng taong mahal niya. At mukhang nagmamahalan nga silang dalawa.
Pero ako si Aly, ang reyna ng pasaway. Ang desperadang mapaghiganti.
"sunooooooog!!!!!!!!!!!!" sigaw ko sabay takbo palabas ng bahay at nagtago sa halaman.
Maya-maya pa ay natatarantang lumabas ng bahay si tita kasunod si Jl at pang huli si Sarah na sumisigaw ky Jl na hintayin siya. Pero hindi naman siya pinapansin ni Jl dahil takbo lang ito ng takbo.
Bumalik agad si tita at nakita niya akong tawa ng tawa na naka upo na sa mesa nila sa dining area.
"walanghiya kang bata ka, pinagod mo ako. Nakalimutan kong pasaway ka pala. Ayaw na kitang ampunin!"hingal na hingal na saad ni Tita.
Tawa parin ako ng tawa. Pati narin si tita ay tumawa na ng mawala na ang hingal niya.
"dahil pinagod mo ako. Hala! Tulongan mo nga akong magluto ng hapunan at dito kana kumain ha" ani ni tita at nagpatiuna ng pumunta ng kusina.
"roger that mama" sagot ko naman. Napa-iling nalang si tita.
"ano bang naabotan mo at sumigaw ka?" tanong sa akin ni Tita habang nagluluto kami.
"pinagsasalohan nila ang laway tita" seryosong saad ko pero tumawa si tita.
"Ikaw talaga... Pero ok lang ba? kasi my kasalohan sa laway si Jl na iba"napapatawa pa si tita ng sabihin ang my kasalohan sa laway.
"naku tita, kontento na ako sa laway ko no, napapanis pa nga to minsan pag wala akong maka-usap." sagot ko naman kaya tumawa si tita.
"mas lalo na ky Honeybunch, minsan lang naman kasi magsalita yon" dagdag ko naman kaya lalo lumakas ang tawa ni tita.
. . . .
"ikaw ba kanina ang sumigaw?"basag ni Miss Malas sa katahimikan naming lahat. Kasalukoyang naghahapunan kasi kami ngayon.
"mukha ba akong si Tarzan na laging sumisigaw?" nakangiting sagot ko.
Napasimangot naman si Miss Malas. Maya-maya ay nagsalita ulit ito.
w "bakit ka nandito, hindi ka parin ba makapag move on ky Jl?" pagtataray ni Miss Malas habang kumakain parin kami.Dahil badtrip ako ay bigla akong tumayo. Taranta namang tumayo si Miss Malas. Pero dahil sadyang malas siyang tayo ay na out of balance siya kaya natumba siya kasunod ang upuan niyang bumagsak sa kanya.
Tawa kami ng tawa ni Tita. Si Jl naman ay pinipigilan lang na matawa habang inaalalayan si Miss Malas.
"ouch!!! Ouch! Ouch! You b*tch" hiyaw ni Miss malas. "kasalanan mo to"dagdag pa niya.
" at pano ko naman naging kasalanan aber? Tumayo lang ako para kukuha ng tubig eh. Tsaka tignan mo nga. Ang layo mo sakin. Si Mama kaya kaharap mo. Si Jl katabi mo, pano ko naging kasalanan" inirapan lang niya ako at tumayo.
Dahil nabali ata balakang niya ay i-ika-ika itong maglakad palabas ng bahay nila Jl.
Kaya inalalayan siya ni Jl hanggang makalabas.Kami naman ni tita ay tawa lang ng tawa.
A/n: last 2 chapter