Chapter 8

1.4K 27 17
                                    


Dedicated to: AizaResabal

love? Will lead you the way

First day of school

Ganito ba pag first day of school parang nagtitipon lang ang mga estudyante para mag chickahan? Ayos to ah. Busy ako kakatingin ng schedule ko ng my kumalabit sakin.

Nang lingonin ko para kong sino ang kumalabit sakin. Si Mr. Registrar pala na nagbigay sakin ng pwesto niya sa pila. "Hi Mr. Registrar" sumingot naman ito. Eh sa hindi ko alam pangalan niya eh.

"grabe ka naman Alyster" ako naman ang napakunot-noo. "saan mo nakuha ang pangalan ko at mali-mali pa?" kasi nakalimtan namin magpakilala noong una naming pagkikita ng enrollment.

"alam ko naman Alyson talaga name mo, kaya lang para my tawagan tayo kaya pinadugtong ko pangalan natin. Alyson and Dexter. . . . Kaya Alyster tapos Dexson naman itawag mo sakin. Oh diba ang sweet?"napailing nalang ako sa kakulitan niya.

"bahala ka nga Oyster" sagot ko at naglakad ng mabilis. Pero sadyang mabilis talaga maglakad ang mga lalaki kaya naabotan niya parin ako.

"ako nga tatawag sayo ng Alyster hindi oyster, tsaka Dexon ang itawag mo sakin" parang bata pa ito na nagdadabog habang kinakausap ako.

"pwede dagdagan ko nalang ng A? D. E. X. O. N. A. Ayon. Rexona mas maganda diba?" mungkahi ko sa kanya. Para namang nalugi ng milyones ang reaksiyon niya.

Natatawang iniwan ko nalang siya at pumunta ng first class ko. Good thing hindi kami magkaklase kaya wala ng makulit. Ako nalang ang mangungulit sa honeybunch ko.

Pagpasok ko palang ng room ay all eyes agad lahat ng kaklase ko sakin. Syempre transferee. Pumunta ako sa upuang bakanti na katabi ni Jl. Sinundan parin ako ng tingin ng mga kaklase ko pero di ko sila pinansin.

"hi honeybunch namiss mo ba ako?" Bati ko sa kanya ng makaupo ako sa tabi niya.

Hindi niya ako pinansin kaya kinalabit ko siya. " wag ka ngang makulit, my ka chat ako" sagot nito na di man lang ako nilingon. Kinalabit ko ulit siya kaya napatingin siya sakin. "bakit ba?" inis na sabi nito. " honeybunch ky aga-aga nireregla ka. Tinatanong lang kita kong namiss mo ba ako?" tanong ko ulit.

Inis niyang nilapag ang cellphone niya sa arm chair niya at hinarap ako. "Aly, please lang wag kang makulit. Tsaka kelangan ako ni Mj, nalulungkot daw siya don" sagot nito at tinalikuran ulit ako.

Kinalabit ko ulit siya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya di na ako nakapag salita. Wala parin ang instructor kaya nabobored ako kinalabit ko ulit si Jl. Bago pa siya makareact ay inunahan ko na.

"ano ba Aly ang kulit mo. Sabing wag makulit eh" sabi ko with action pa kaya natawa mga kaklase ko at napangiti din si Jl. Umiling-iling pa ito habang my binubulong at bumalik ang tingin sa cp.

Mag thirty minutes na wala parin ang instructor, kaya kinalabit ko ulit si Jl para magtanong sana. Pero ang dilim ng aura niya tumingin ito sakin.

" Oops!...I did it again
I played with your heart, got lost in the game
Oh baby, baby
Oops!...You think I'm in love?"tumigil mona ako saglit sa pagkanta ang tinitigan si Jl sa mata. "Yes i'm in love with you" sabi ko sa kanya habang hindi inaalis ang titig sa kanya.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko at kinantyawan kami. Napakamot naman ng ulo si Jl dahil sa hiya.

"oi ano ba kayo? 'wag niyo nga kaming tuksohin, nahihiya kasi ako" awat ko sa mga kaklase ko. Pero imbes na tumahimik tumawa pa silang lahat sa sinabi ko.

"my hiya ka pa sa lagay na yon girl? Eh kabago-bago mo palang nga rito pero ikaw palang nakagawa noon" sa ng babae sa unahang row.

"oo nga ang astig mo pa"sagot naman ng isang babae sa tabi ko.

"miss pwede ako nalang boypren mo?" sabi ng isa sa mga lalaking kaklase ko.

Tapos halos lahat na ng kaklase ko ay gustong maging boypren ko. Maliban ky Jl na di mapa awat sa kakachat sa pinsan ko.

"shatap!"sigaw ko kaya natahimik naman silang lahat. "sorry pero loyal ako sa honeybunch ko"sagot ko.

Sari-saring reaction naman ang kaklase ko. My nagkunwari pang parang nahimatay. Napatayo naman agad ng binatuln ng isa sa mga kaklase kong babae.

"loyal daw, pero kong magkapag usap sa iba ngiting-ngiti naman"bulong-bulong naman ni jl.

(complete) She's Chasing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon