Chapter 15 : Meeting

442 26 13
                                    

EDITED.
Hinata's Point of View.

Sa ilang linggong pamamalagi ko dito, ngayon palang magkakaroon ng normal na classes.

Sa bawat subject, halos iba-iba magiging kaklase mo.

Binabase siguro nila kung ano grade mo dun sa subject tapos pagsasamahin kayo.

For example, pareho kaming 86 ang grade last school year sa Science ng taga kabilang section, which means magkaklase kami sa Science ngayon.

Basta ganun. Parang minimix nila ung 3 section.

Ang halos kaklase ko sa lahat ng subjects ay si Naruto, Sakura, Ino at Sai.

Sila Tenten at Neji naman lahat magkasama sa subjects. Hmz palibhasa mga matatalino.

Si Sasuke, Shikamaru at Temari naman halos pare-pareho ang subject.

First period namin Math ngayon which means si Naruto lang kaklase ko sakanila.

Dumating ako ng room 10 minutes bago mag-start yung klase and yeah, bagong mga mukha ang mga nakikita ko.

Napansin ko rin si Naruto sa may gilid na may kinakausap.

"Hinata!!" napalingon ako sa sumigaw, and to my surprise it was Kiba.

Ngayon lang ata ako napansin ng mga classmates ko pero kaya habang naglalakad ako papalapit kay Kiba, I can feel their stares.

"Hi Kiba!" bati ko kay Kiba

"Hay grabe magkaklase pala tayo sa Math. Sana lahat ng subjects magkaklase tayo." sabi niya tapos ngumiti siya sa'kin.

I really like Kiba. I mean , there's really no other reason to not like him right?

Atyaka, sobrang caring niya sa'kin to the point na I really don't know if I deserve it.

Kanina pa ko napapasabunot sa buhok ko dahil inis na inis ako ngayon.

Hindi ako mahilig sa math at never kong nagustuhan tong subject na to.

At ngayon, tamang titig nalang ako sa white board maski di ko maintindihan yung tinuturo.

"Di mo magets?" tanong ng katabi kong si Kiba.

"Hay kelan ko ba nagets math. " sabi ko rito tapos pinaglaruan nalang yung ballpen ko.

Napaigtad ako ng inusog niya yung upuan niya sakin tapos lumapit ng onti.

"Ganito kasi yan.." tapos nagsimula na siyang magturo ng tinuturo ni mam.

I can't help but to stare his whole face. Shet, ang gwapong nilalang nito grabe. Sobrang lapit ng mga mukha namin at ramdam na ramdam ko ngayon yung tumitibok kong puso.

Ah!! Hinata focus!! Makinig ka sa tinuturo ni Kiba.

Inexplain niya word by word lahat ng tinuro ng teacher namin and to my surprise, nagets ko. Sis nagets ko!?

I'm really still in the state of shock. Nakanganga ako ngayon at alam kong mukha akong dugyot ngayon pero sis nagets ko math sis?!

"Omygod, Kiba nagets ko yung math!!" mahina kong pagkasabi with full of excitement dahil baka pagalitan kami. Buti nalang medyo maingay kasi lumabas saglit si mam at nasa bandang likuran kami nakaupo.

Bigla ko nalang rin siyang niyakap out of nowhere. I don't really know, maybe I was too happy I learned math for there very first time.

"Salamat Kiba!"

"H-hehe. O-okay lang" sabi ni Kiba na medyo naawkwardan sa posisyon namin. Nagulat siguro siya sa biglaan kong pagyakap sakaniya and I can see hints of red blushes on his face.

Konoha High : Hello LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon