Chapter 48 : You like him

344 22 34
                                    

EDITED.

Kiba's Point of View.

Napatingin naman ako sa kabuoan ni Hinata. Naka-purple dress siya na above the knee at naka flat shoes. Ang simple lang niya tingnan ngayon pero ang ganda pa rin niya.

I looked at her then smiled.

Hindi ko inakala na magkakagusto pa ako sa tanang ng buhay ko.

Hindi ko akalain na sa buong buhay ko, matututo pa ko magmahal.

She showed me what real love is.

Napatingin naman ako sa mukha niyang kanina pang blanko ang expression. Bakit Hinata, may problema ba? May bumabagabag ba sayo?


Pagkalabas namin ng sinehan, tawa lang ng tawa si Hinata.

"Grabe yung bida, nakakatawa parang si Na-" at ayun, bumalik na naman yung blanko niyang expression kanina.

Napangiti naman ako saglit ng mahulaan ko kung ano yung bumabagabag sakaniya.

Para sa huli naming pupuntahan, umakyat kami sa isang burol para makita yung sunset.

"Hala grabe ang ganda naman dito." sabi niya habang nakatingin sa kabuoan ng lugar.

Kung alam mo lang Hinata, mas maganda ka pa sa lahat ng yan.

Napabuntong hininga ako. Tingin ko kailangan ko ng sabihin.

Humarap ako sakaniya at hinawakan yung kamay niya, "U-uy, bakit?"

"Bago ka dumating, ako yung binansagang playboy o kaya chickboy dito sa Konoha High. Katulad ko si Sasuke pero mas malala ako. Wala talaga akong sineseryoso at tingin ko sa mga babae laruan lang. Nahilig rin ako sa mga suntukan sa mga away. Walang araw na hindi ako uuwi ng may galos at sugat. Tinataboy ko rin yung mga kaibigan kong handa na maging nandiyan sa tabi ko."

"Pinangarap ko ngayong last year ko na sana, sana naman magbago ako. Alam ko rin naman sa sarili ko na mali yung pananaw ko sa buhay at gusto ko ring magbago kahit papano."

"Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano sisimulan. At hindi ko alam kung anong magiging dahilan ng pagbabago ko."

"Tapos ayun, nakilala na kita. Para kang anghel na binigay sa'kin ni Lord nung hiniling ko na gusto ko na talaga magbago."

"Hindi mo alam kung gaano mo ko binago Hinata. Ikaw yung naging dahilan ko para magbago. Ang laki laki ng pasasalamat ko sayo kasi hindi ko inakala na magbabago pa ko."

"Pinakitaan mo ko ng kabaitan at yung malambot mong puso." hindi ko na napigilan yung mga nagbabadya kong luha kaya naman hinayaan ko nalang silang mahulog.

Ibang-iba na ko sa dating Kiba na nakilala ko.

"Ang saya ko na nagbago ka Kiba. Masaya ako para sayo. Salamat din na naging dahilan mo ko." sabi nito at pinunasan yung mga luha ko.

Napabuntong hininga naman ako at napatingin na sa harapan. Sa araw na unti unting nawawala, "But you like him right?"

Para bang natamaan ko siya ng bull's eye at kitang kita ko sa peripheral vision ko na nanlaki ang mga mata nito at nagulat sa sinabi ko.

Konoha High : Hello LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon