Chapter 51 : Happy Birthday

411 20 46
                                    

EDITED.

Temari's Point of View.

Mabilis na lumipas ang mga araw at Biyernes na ngayon.

Mamayang hapon ang alis  namin at buti naman lahat kami pinayagan.

"Ano ba kasi bakit nandito tayo mag-aayos pa ko ng gamit eh" iritang sabi ni Ino habang naksimangot

"Wala pa nga kong nabibiling regalo kay Shika kaya sasamahan nyo ko."  sabi ko habang nagtitingin tingin sa paligid.

"Para naman kasing tanga pumili ng regalo pwede namang relo nalang ibili mo" bagot na sabi ni Ino.

Ewan ko nga ba. Nung monday pa ko nagiisip ng ibibigay ko sakaniya pero wala talagang lumalabas sa utak ko.

Ang pili ko rin naman tumingin ng regalo. Ewan ko ba. Gusto ko yung maganda yung ibibigay ko sakaniya.

"Kayo ba? Ano ibibigay niyo?" tanong ko

"Relo" -Hina
"Book"-Tenten
"Bola ng Bball"- Ino
"Headphones"-Temari

Napasabunot naman ako sa ulo ko. Ano ba naman ang gaganda ng binili nila.

"Hayaan niyo na guys, baka gusto ni Tem na special at pinaghandaan niya yung gift niya kay Shika." sabi ni Hina tapos kinindatan ako. Sumimangot naman ako.

Parang ganun na nga.

..

"Ngiting ngiti ampota." sabi ni Ino habang nakatingin sakin.

"Pano ba naman kasi nakabili na ng regalo after 125554 years" sabi ni Sakura tapos tumawa.

"Patingin kami Tem!" sabi ni Hina pero tinago ko yung paper bag.

"Ayoko nga secret na to." sabi ko.

"Hoy mamaya na chikahan andito na tayo." sabi ni Tenten kaya tumingin naman kaming lahat sa labas.

Sa bahay kasi ni Shikamaru magm-meet kaya sabay-sabay na rin kaming pumunta dun.

"Hi girls!" bati ni Neji sa'min, "Pasok na kayo tamang tama paalis na rin tayo."

"Wassap!!"
"Heyo!!"

sabay na bati ni Sai at Naruto. Natawa naman kami sa itsura nung dalawa. May suot suot kasi silang salbabida tapos may goggles na sa mga ulo.

"Loko loko talaga mga jowa niyo." natatawang sabi ko kila Hinata at Ino

"Uy kayo pala yan. Lika, pakilala ko kayo kay mama." sabi ni Shika na katabi ni Sasuke.

May biglang lumabas naman na babae at lalaki na magkahawak kamay.

"Ma, Pa, si Hinata, Ino,Sakura,Tenten at Temari po." sabi ni Shikamaru

"Nak, sino ba diyan nak?" tanong ng papa niya tapos tumaas baba yung kilay

"SI TEMARI PO TITO." sabay sabay na sabi ni Sasuke, Sai, Naruto at Neji kaya nanlaki yung mata ko. Medyo kinakabahan ako ha.

"H-hoy!" sabi ko tapos pinaghahampas sila isa isa.

Nagulat naman ako ng bigla akong inakbayan ng mama ni Shikamaru, "Gusto ko to nak! Palaban!" sabi nung mama niya kaya namula naman ako.

"Parang mga sira naman eh. Tara na nga." sabi nito tapos pumasok na sa van.

"Dun kayo sa pinasukan na van ni Shika. Dito kami sa kabila. Ingat kayo ha!" sabi ni Tito tapos pumasok na rin sila sa isang van.

Nagsipasukan na rin sila Sakura kaya sumunod na rin ako.

"Ampota naman kasi ng mga salbabida ng mga hayop na to eh!" inis na sabi ni Ino

Konoha High : Hello LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon