Chapter 44 : Sister

322 19 7
                                    

EDITED.

Hinata's Point of View

Pagkarating naming tatlo sa room, sinalubong agad ako ni Sakura, Tenten, Temari at Ino ng yakap.

Hinila naman nila ko sa gilid tapos pinalibutan ako.

"Is it true? Naruto's courting you?"excited na tanong ni Temari

Napangiti naman ako pero napaiwas ako ng tingin, "O-oo."

Tumingin naman lahat ng kaklase namin sa gawi namin ng biglang tumili yung apat.

"Shhh!!" sabi ko sakanila, "Ayoko munang may maka--"

Bago ko pa sabihing sana wala munang makaalam, bigla bigla nalang tumili si Sai at sumigaw ng , "AAAAH! GUYS NILILIGAWAN NI NARUTO SI HINATA!" sigaw nito sa madlang people kaya napa-face palm naman ako.

Inasar naman kaming lahat ng classmates namin kaya napatakip nalang ako sa mukha ko. Pulang-pula ako siguro ngayon.

"Ouy Hinata, sagutin mo yang si Naruto ah." sabi ni Ino tapos inakbayan ako.

Tinawanan ko nalang siya at tumayo na.

Lunch na namin at sinabi ko sakanila na mauna na sila dahil tinatapos ko pa notes ko.

Pagkatapos ko mag-notes tumayo na ako at lumabas ng room.

"Narinig mo chismis?"
"Oo, nililigawan daw ni Naruto si Hinata"
"Nako oks lang yan bagay naman sila eh."
"Sana nga lang sagutin ni Hinata."
"Sasagutin niya yan. Si Naruto Uzumaki yon eh."

Napailing nalang ako at napangiti ng marinig yung usapan nung 5 babae sa hallway.

Napaigtad naman ako ng biglang may nakabangga sa'kin.

"Hala, sorry miss!" sabi nito at inoffer niya yung kmay niya. Natumba kasi ako.

Kinuha ko naman ito at napatingin ako sakaniya.

Shocks, ang ganda niya!

Pero teka, parang may kamukha siya..

"Sorry talaga ha?" sabi nito tapos hinawkan ako sa balikat, "Okay ka lang ba?"

Tumango naman ako at ngumiti sakaniya, "Okay lang po. Promise. Sorry din po."

Mukhang hindi siya nag-aaral dito. Ang sophisticated kasi ng look niya. Mukhang imported hahaha.

"Sige buti naman. Ay pwede ba kong magtanong? Kilala mo ba si Naruto Uzumaki?" agad namang nawala yung ngiti ko, eh? Bakit niya hinahanap si Naruto?

Tumango naman ako, "Talaga? Csn you take me where he is right now? I want to see him." pagmamakaawa nito sa'kin kaya pumayag nalang ako kahit labag sa loob ko.

Bakit? ano meron sakanila ni Naruto?


"Uy Hinata buti--" hindi na natapos ni Naruto yung bati niya ng makita niya yung babae na kasama ko.

"Naruto!!!!" sigaw nung babae tapos nanlaki yung mata ko ng bigla niyang niyakap at hinalik halikan.

"I missed you baby!"

HA?! BABY?!

"Tsk, tigilan mo nga yang pagiging childish mo Namie." sabi ni Naruto tapos tinanggal niya yung pagkakangla ng mga kamay nung Namie sakaniya.

"Ate Namie kasi! Wala talagang galang eh!" sabi nito kaya tumaas naman yung kilay ko, ate Namie?

"HI ATE NAMIE!" sabay sabay na sabi nung 4 na lalaki tapos ngumiti dun sa babae.

"Uy kayo pala yan, hehe kamusta na!" sabi nung Namie tapos nakiupo siya sa'min, "Ay wow, sino tong mga magagandang dilag na 'to? Girlfriend niyo?" sabi nito habang nakatingin kila Sakura.

"My girlfriend." sabi ni Sasuke tapos tinuro si Sakura.

"Bebe quoh ate!" sabi naman ni Sai tapos tinuro si Ino.

"Eh kayo? Wala? Sus naman mahihina." sabi nung babae kila Shikamaru at Neji, "Etong si Naruto di ko na kailangang tanungin. Mamatay ata tong single eh."

Ngumisi naman si Naruto, "Oh talaga ba."

"Hay nako ate, improving na yan. May nililigawan na yan."

"WHAT?!" sigaw nito tapos tinapik tapik yung cheeks ni Naruto, "Seryoso ba? Who's the unlucky girl?"

Napatingin naman si Naruto sa'kin tapos tinuro ako, "She's the one."

"Hoy ang galing mong pumili ha! Ang ganda ganda tapos ang bait pa! Gusto ko to!" sabi nito tapos siniko siko si Naruto. Tumingin naman siya sa'kin at nilahad yung kamay niya, "Namie Uzumaki. Naruto's pretty sister. Nice to meet you! Hihi." cute nitong sabi.

Ah, sister naman pala.

Kinuha ko naman yung kamay nito at nagshake hands kami, "Hinata Hyuga po, nice to meet you din."

"Okay, I'm taking you both out of here." sabi nito at bigla nalang niya kong hinila pati din si Naruto.

"We can't go out! We still have classes!" inis na sabi ni Naruto sa ate niya. Nasa parking lot na kaming tatlo at nag-aaway pa yung dalawa.

"I don't care! Ilang beses na kong nag-cut pero tingnan mo naman ako ngayon! Sobrang successful na!"

"Wag mo ko igaya sayo. Wala akong balak na sundan footsteps mo noh."

"Aish, there's no way na mapapapayag kita." sabi ni ate Namie tapos tumingin siya sakin, "Hina please!! Pumayag ka na, ngayon lang to please. Ipagluluto kita ng kahit anong gusto mo!!" sabi nito at nag puppy eyes pa.

Wala na kong nagawa kundi tumango nalang. Ang hirap humindi sakaniya grabe!

"Yes! Kita mo yun Naruto ha? Kung ayaw mo sumama edi wag! Kami nalang magb-bond ni Hinata." sabi ni ate Namie at pumasok na ng kotse.

Narinig ko namang bumunting hininga si Naruto," Next time Hina wag ka makikinig sa siraulong yan. Mahilig yan mang-scam. Mukha yang anghel pero ugaling demonyo." naiinis na sabi ni Naruto kaya medyo natawa naman ako.

"Hoy narinig ko yun!" sigaw ni ate Namie, bukas pala yung windows niya.

"Tsss..Alam ko."

Hmm, makakayanan ko ba tong pag-aaway ng dalawang to?





Pagkarating namin sa kanila, umakyat muna si Naruto saglit. Sinamahan ko naman si Ate Namie na magprepare ng kakainin namin.

"I haven't seen you before. Are you a transfer student?" tanong nito kaya tumango ako, "Ako naman, nasa States ako. Dun ako nag-aaral and nagtatrabaho at the same time since walang nagh-handle ng shop namin dun. Pag wala akong magawa pumupunta ako dito para bisitahin kapatid ko."

Lumapit naman siya bigla sa'kin at hinawakan yung kamay ko, "I know it's too early to say this but I really like you. Your looks, personality and all. Kaya hindi na ko magdududa kung bakit ikaw ang nagustuhan ni Naruto. My evil brother does have a taste after all." sabi nito tapos tumawa tawa.

"Pero please don't scar his heart. I know you're too nice to do that. Sana sagutin mo siya kasi I really like the both of you together. Naruto wouldn't court you too if he didn't think na worth taking the risk ka."

Pinatong naman niya yung kamay ko sa balikat, "Sagutin mo siya ha? Please? H'wag mo siyang paasahin."

Sa hindi ko malamang dahilan ngumiti nalang ako sakaniya nilang tipid na sagot.

Wala naman akong balak saktan si Naruto.

I won't scar his young heart.

Hinding hindi ko rin siya papaasahin.

Pero please lang? Para sa mga tao sa paligid ko, wag niyo ko pangunahan.

Mahirap pumili ng choice kapag pinipilit ka lang.

Konoha High : Hello LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon