Chapter 2.1

139 6 10
                                    

Nag-update ako dahil nalaman kong pupunta ang EXO at Infinite dito sa December. PARTEH PARTEH! LKASHFLAISGHDSKBVERIUKGVDNKFJVNSDKGHDFKJNGEROSIKL.

xx

"Hijo, kailangan mo nang gumising. Baka mahuli ka pa sa klase mo, first day mo pa naman ngayon." sambit ng kasambahay ni Daniel. Oo, NI Daniel dahil si Daniel lang naman ang pinagsisilbihan niya. Mayroon kasing kanya-kanyang kasambahay sa bawat sulok ng bahay nila Daniel. Mayroon sa paglilinis ng sala, kwarto, lababo o kubeta. Basta, hati-hati ang trabaho ng mga kasambahay sa bahay nila kaya lampas sampu ang mga kasama ni Daniel sa bahay.

"Manang, mamaya na. Inaantok pa ako." sabi ni Daniel. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang unan, hindi pa siya nakuntento at tinaklob niya ang kumot sa buong katawan niya. Ayaw na daw niya kasi huminga.

"Daniel..." ginamit na ng kasambahay ang kanyang ika nga eh, "warning tone". Hindi naman makapalag si Daniel dahil una, malaki ang respeto niya dito at pangalawa, gwapo siya. Weh, anong koneskyon? Dahan-dahang minulat ng binata ang kanyang mga mata at dahan-dahan siyang tumayo. Lumabas na ang kasambahay at dumiretso na siya sa banyo at naligo.

Pagkatapos ng mga ritwal ni Daniel, lumabas na ito ng bahay at sumakay sa kotse niya. Siya ang nag-mamaneho dahil mayroon siyang student's license. Natuto na mag-maneho si Daniel noong sampung taon pa lang siya dahil gusto ng tatay niya na hindi siya umaasa sa driver. 

Noong nai-parada na niya ang kotse sa parking lot, malamang alangan namang sa banyo mo i-parada, naglakad na siya papunta sa gate. "Mr. Padilla, it's great to have you here." bati ng isang lalaking panot na ka-korte ni Jollibee. Iniabot ng lalaki ang kamay niya kay Daniel. "I'm Mr. Garcia, the principal of this school." nakipag-kamay naman si Daniel pagkatapos magpa-kilala nung panot na principal na ka-korte ni Jollibee.  Pagkatapos nun, madami pang sinabi si Mr. Jollibee pero hindi naman nakinig si Daniel. Noong matapos na siyang magsalita, um-oo nalang si Daniel at pumasok na ng eskwelahan.

"Ohmygosh girls! Si Daniel Padilla!" sigaw ng leader ng "Chika Babes". Bakit kamo "Chika Babes"? Aba ewan. Basta ang alam ko, ang baduy ng pangalan nila at sobrang arte ng kanilang pagsasalita na halos gusto mo ng putulin ang mga dila at hugutin ang vocal cords nila. Dali-daling tumakbo ang mga "Chika Babes" papunta sa kinaroroonan ni Daniel.

"Omg Daniel as in omg talaga!"

"Daniel, let's go and get married na."

"You're so feeler. Daniel will not make patol patol for you no."

"Che, as if naman na you have a chance also."

Oh ano? Ipapa-gun shot na ba natin sila? 'Wag na. Next time nalang, tinatamad 'yung narrator. Si Daniel naman naiirita na. Mukha na nga silang paa, mga alien pa kung mag-salita. Pilit na kumakawala si Daniel sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya at pagkatapos, mayroon siyang nahagilap na babae na naka-suot ng simpleng damit at naka-pantalon.

"Mikay!" tawag niya sa dalaga. Napatigil naman ito. 'Yung mga "Chika Babes" eh napa-tahimik din. Dali-daling lumapit ang binata sa dalaga at sila'y nag-bangayan hanggang sa tinakbuhan ni Kathryn si Daniel. Tinawag itong muli ng binata pero hindi na ito lumingon. Dahil malapit na rin mag-simula ang kanilang klase, umalis na si Daniel sa kanyang tinatayuan at naiwan ang mga "Chika Babes" na naka-nganga.

"That Bernardo is so malandi talaga!" -Chika Babe #1

"I so know right!" -CB#2

"After my papa Quen, she's using naman my Daniel." -CB#3

"Ew. So slutty." -CB#4

"Girls, you make tigil na. I have a plan." -Leader

xx

"Kat..." sambit ng kaibigan niyang si Julia. Lumingon naman si Kathryn. Nasa likod niya kasi si Julia. "Guess what?" napa-kunot noo naman si Kathryn, wala na siyang balak mag-salita dahil sobrang sakit ng puson niya. Oh alam niyo na ibig sabihin nun. "DITO NA MAG-AARAL SI DANIEL!!!!!!!" pabulong na sigaw ni Julia. Si Kathryn naman, hindi na nabigla, eh kasi nga diba, nakita na niya kanina. Hindi na siya sumagot at tiningnan niya lang si Julia gamit ang kanyang emotionless at cold na titig. Alam na ni Julia ang ibig sabihin pag ganun ang tingin ni Kathryn sa kanya kaya hindi na niya ito inabala.

Pumasok na ang kanilang guro. As usual, babatiin siya ng klase tapos uupo na sila tapos mag-sisimula nanamang mag-sermon ang sobrang boring nilang guro. "Bakit 'yung iba hindi pa nagpapasa ng project? Nagkaka-tamaran na ba tayo dito?" galit na sabi ng kanilang guro. 'Yung mga estudyante niya, wala namang pakealam. Ganun pa rin. "Gusto niyo bang i-65 ko kayo?" hirit pa niya ulit. Pero as usual, walang nakikinig sa kanya. 'Yung iba kasi, abala sa pag-gawa ng assignment sa ibang subject tapos 'yung iba, natutulog na. May humihilik at nag-lalaway pa nga eh.

Napa-tigil naman sa pagse-sermon ang kanilang guro nang biglang may pumasok na lalaki. Napa-tigil din ang buong klase maliban kay Kathryn na naka-ub-ob ang ulo sa desk niya dahil nga, masakit ang puson niya. 'Yung ibang babae, nag-pupulbo, nag-sasalamin, nag-susuklay, nagme-make up. Sus para namang ikagaganda nila 'yan. Mas nag-mukha lang silang clown. 

"Mr. Padilla, buti naman andito ka na." sambit ng guro. Kung kanina, mukhang gutom na leon ang kanilang guro, ngayon, napaka-amo at nagpapa-ganda pa sa harap ni Daniel. Sa totoo lang, hindi nagustuhan ni Daniel na tumingin sa guro. "Okay class..." tumayo siya. "Si Mr. Padilla ang inyong magiging bagong kaklase. Respetuhin niyo siya." nagpalakpakan naman ang mga babae at tumili pa. Sobrang kire. "Hmm... Sige doon ka nalang muna sa tabi ni Ms. Montes." tinuro ng kanilang guro ang kinaroroonan ni Julia. Wala kasi siyang katabi dahil siya ang nasa pinaka-dulo at katabi niya ang bintana.

Na-upo na si Daniel sa tabi ni Julia. Si Julia naman eh parang kamatis, sobrang pula ng pisngi niya na kulang nalang eh sumabog. "H-hi..." nahihiyang bati ng dalaga. "Ako nga pala si Julia, Julia Montes." ini-abot ng dalaga ang kanyang kanan kamay kay Daniel. 

"Daniel, Daniel Padilla." nakipag-kamay naman ang binata sa kanya at 'yun ang naging sanhi kung bakit namula nanaman si Julia. Pagkatapos noon, hindi na sila nag-usap. Nabaling naman ang atensyon ni Daniel sa babaeng nasa harapan niya. Natutulog kasi ito at tila hindi ito nakikinig sa kanilang guro na bumalik nanaman at nag-transform ulit ito sa pagiging gutom na leon. "Anong nangyari dyan?" tanong ni Daniel kay Julia habang naka-nguso ang binata at para bang tinuturo ang babaeng nasa harapan niya. Nag-kibit balikat lang si Julia. Syempre ayaw naman niyang sabihin na mayroong bisita ang kanyang matalik na kaibigan.

"Magkaka-quiz tayo. Kumuha kayo ng isang buong papel." sambit ng kanilang guro matapos ang mahabang sermon. Ang klase ay bumuntong-hininga dahil sa lahat ng ayaw nila eh 'yung nagkaka-roon ng quiz, bukod sa mga matatalino syempre. Agad namang kinalabit ni Julia si Kathryn para magising. Na-alimpungatan ito at dahan-dahang lumingon pero nagulat siya sa kanyang nakita. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata dahil iniisip niya na bahagya pa siyang nananaginip. Pero hindi eh. Totoo ito.

Agad namang ngumiti ang binata sa kanya. "Akalain mo nga naman, hanggang dito ba naman? Nalaman mo siguro na dito ang klase ko tapos nag-palipat ka no?" sabi ng binata habang naka-ngiti ng sobrang lapad. Simula noong araw na iyon, kinamuhian na ni Kathryn ang ganoong ngiti ng binata.

xx

Oh, pabitin ako ulit. Hahahahaha.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon