Chapter 3

141 3 11
                                    

xx

Isang linggo na ang dumaan, ganun pa rin. Inaaway pa rin si Kathryn ng mga tao sa eskwelahan nila, kaklase pa rin niya si Daniel, at patuloy siyang iniinis ng lalaking ito. "Mikay." wika ng binata. Tumingin naman si Kathryn sa kanya habang naka-kunot ang noo. Nag-antay lang ito ng sagot mula sa binata. "Ang ganda ng buhok mo..." sambit ni Daniel. Ngingiti na sana si Kathryn pero mayroon pang idinugtong si Daniel sa kanyang sinabi. "Buhok lang!" sabi ni Daniel sabay tawa. Hindi nalang ito pinansin ng dalaga at nag-basa nalang ulit ng libro sa Filipino dahil may quiz nanaman sila.

Dahil napansin ni Daniel na medyo na-uurat na si Kathryn sa kanya, hindi na niya ito ginambala pa. Tahimik siyang umupo sa kanyang upuan at nag-simula namang mag-kumpulan ang mga kaklase niyang babae at bakla palibot sa kanya. Dahil doon, natuwa si Daniel. Gusto niya kasi ng atensyon, 'di ba?

"Daniel, Daniel! Pwede bang pa-hug? Please."

"Mygosh! Date me, Daniel!"

"Mga echuserang frog! Hindi kayo papatulan ni Daniel. Mga mukha kayong paa! Ako lang ang nag-iisang dyosa sa classroom na ito."

"Manahimik ka nga, bakla!"

Ayan lang ang ilan sa mga sinasabi ng mga taong naka-paligid kay Daniel. Dahil sa sobrang ingay, hindi makapag-concentrate si Kathryn sa kanyang binabasa. Pero ayaw naman niyang sigawan ang mga ito dahil sino nga naman siya para gawin 'yun? Isa lang siyang hamak na scholar. Ang drama. Matapos ang ilang segundo, tumahimik ang madla. 

Buti naman natahimik na sila. Sabi ng isip ni Kathryn habang naka-tutok pa rin ang mga mata niya sa kanyang libro. 

"Hi!" dinig ni Kathryn sa kanyang bandang likod. Bahagyang lumingon si Kathryn sa kanyang likod at nakita niya na ang babaeng bumati kay Daniel. Napa-ngiti naman si Daniel dahil doon sa babae. Maganda kasi ito, mahaba ang buhok, maganda ang hubog ng mata, at mala-anghel ang boses. "Ako nga pala si Aria, Aria Clemente." pagpapa-kilala noong babae kay Daniel. Wala namang kumontra sa kanya. Sino nga ba ang mangangahas? "Ang mga parents ko ang may-ari ng school nito." dagdag pa niya. Tumayo naman si Daniel at nakipag-kamay kay Aria at pagkatapos ng insidenteng ito, bumalik na si Aria sa kanyang pwesto at naupo. 

xx

*Cafeteria

"Omygosh girls, it's Bernardo." sambit ng leader ng "Chika Babes". Nakasalubong kasi nila ang dalaga. Si Kathryn naman, eh mag-isa dahil may pinuntahan si Julia sa library at si iba namang ang schedule ng lunch break ni Quen. 'Di kasi sila magka-klase. Tiningnan lang ni Kathryn ang mga "Chika Babes" habang inaantay niya ang sasabihin nila. Panigurado, lalaitin nanaman siya. Suki nga kasi siya pagdating sa mga ganoon, 'di ba? 

Lumapit 'yung isang member ng "Chika Babes" sa kanya at bigla siyang sinampal. Nagulat naman si Kathryn sa ginawa noong isa. "How dare you make landi landi to our Daniel. At first it was papa Quen lang but now, you're making buntot-buntot naman kay papa Daniel." sambit niya. "You're so malandi! Slut! Whore!" dagdag pa nito. Dahil sa nasigaw 'yung babae, nakakuha ito ng atensyon sa iba pang studyante at hindi tumagal eh dumami na ang nanood. Magsa-salita pa sana 'yung babae pero pinigilan siya noong leader nila.

"Stop it na, bebe. I'll handle it naman." sambit niya habang naka-ngiti. "Hey guys, you know what? This lady is a slut!" sigaw niya sa buong cafeteria. "And not only that, I guess pineperahan din niya sina papa Quen and papa Daniel."  dagdag pa nito. Nag-bulungan naman ang mga studyanteng nandoon. Nainis na si Kathryn. Itiniklop niya ang kanyang palad at kulang nalang eh ibagsak niya ang kanyang kamao doon sa babae. Hindi lang niya 'yun magawa dahil baka mawala ang scholarship niya sa eskwelahan. Lumapit 'yung babae sa kanya at dahan-dahang isinuklay ang kamay niya sa buhok ni Kathryn. "Alam mo ba kung anong bagay sa slut at user na katulad mo?" inilahad noong babae ang kabila niyang kamay at nilagay naman noong isa pang babae sa kanyang palad ang iniinom niyang Chuckie, at syempre sa kasamaang palad, ibinuhos ito kay Kathryn na wala pa ring kibo kahit pakiramdam niya eh sasabog na siya.

Kumalma ka Kathryn. Para sa scholarship mo 'to. Dalawang taon na lang naman na kaya tiisin mo na 'to. Sabi ng isipn niya. At pagkatapos noon, nakita niyang may hawak ng itlog ang ibang miyembro ng "Chika Babes". Dali-dali nila itong binato kay Kathryn. Napa-upo si Kathryn sa sahig. Nahihilo na siya pero pinagtatawanan lang siya ng iba. Habang tumatagal, mas marami ang nasiyahan dito at nakisali na rin sila sa pag-bato. Kawawang Kathryn. Agad na tumulo ang mga luha ni Kathryn. Hindi niya kayang lumaban. Hindi pwede. Dahil sa oras na mayroon siyang masabing hindi maganda, paniguradong mawawala ang scholarship niya. At sa oras na mawala ang scholarship niya, alam niyang madi-dismaya ang mama niya. At hindi niya rin alam kung saan siya pupulutin sa oras na hindi na siya makapag-aral doon.

"Tigilan niyo na 'yan." isang mahinhin na boses ang biglang nag-salita. Agad namang napatahimik ang lahat. Binigyan nila ng daan ang babaeng nag-salita at dahan-dahan itong lumapit kay Kathryn. Agad siyang lumuhod sa harap ni Kathryn at nag-abot siya ng panyo sa dalaga. Tiningnan naman ni Kathryn ang panyo at pagkatapos, inilipat niya ang tingin sa nag-bigay nito. Tumambad sa kanya ang isang anghel. Joke. Tumambad sa kanya si Aria at naka-ngiti ito sa kanya. Namangha saglit ang dalaga sa angking ganda ni Aria. Dahil nga naka-tulala si Kathryn, si Aria nalang ang nag-punas ng mukha niyang sobrang dumi. Binigay niya 'yung panyo niya kay Kathryn, kinuha naman ito ng dalaga, tapos tumayo na siya at umalis. 

"Kathryn!"

"Mikay!" sabay na sigaw nina Daniel at Enrique. Agad namang tumakbo ang dalawa palapit kay Kathryn. Hahawakan sana ni Enrique si Kathryn pero pinigilan siya ni Daniel. "Pre, ikaw na bahala dito. Dadalhin ko si Mikay sa clinic." tiningnan muna ni Enrique si Kathryn bago siya tumango. Binuhat ni Daniel si Kathryn, 'yung buhat pang-kasal, at pagkatapos dinila niya ito sa clinic. Pagkatapos siyang ma-asikaso ng nurse, nawala na ito bigla. Makikipag-kita siguro sa jowa niyang drayber ng school bus ng eskwelahan. "Hoy, ayos ka na ba?" tanong ng binata sa dalaga na sa kasalukuyan ay naka-higa sa kama. Tumango lang ang dilag. "Ano ba 'yan, ang pangit mo na nga, hindi ka pa marunong lumaban." 

Dahil wala sa mood sa Kathryn, inirapan niya lang ang binata. "Sa susunod kasi, mag-ingat ka. Tingnan mo, inabala mo pa kami ni Enrique." dagdag pa niya. Napa-upo si Kathryn sa kama. Naasar siguro.

"Bakit, sinabi ko bang tulungan niyo ako? Eh di sana iniwan niyo nalang ako dun! Sorry ah, na-istorbo ko pa kayong dalawa." sambit ng dalaga. Tumayo ito at lumabas ng clinic kahit na nahihilo pa rin siya.  Mabagal na nag-lakad ang dalaga dahil umiikot talaga ang paningin niya. Si Daniel naman, naka-sunod lang sa likod niya pero hindi ito nahalata ni Kathryn. Mahahalata pa ba niya ito, eh hilong-hilo na nga siya?

"Kathryn!!!!!" sigaw ni Julia habang tumatakbo papalapit sa kanya. "Ang mama mo!"

xx

"Time of death, 3:20 pm." sambit ng doktor habang naka-tingin sa kanyang relo. Sakto namang dumating sina Kathryn at Julia sa kinaroroonan ng kanyang ina.

"Doc, anong nangyari?" tanong ni Kathryn na halos maluha na.

"I'm sorry. Ginawa namin ang lahat pero, wala na siya." sambit ng doktor.

Tumulo ang mga luha ni Kathryn. "Bakit? Anong nangyari?" lumapit si Kathryn sa katawan ng kanyang na. "Ma! Gumising ka na. 'Wag ka namang mang-loko oh!" sabi niya habang inaalog-alog ang katawan ng kanyang ina. "Ma, wala naman kasing ganyanan! Magising ka na oy!" iyak ni Kathryn. "Ma..... 'Wag mo naman akong ginu-good time!" 'yan ang huling sinabi ni Kathryn bago pa siya humagulgol ng tuluyan. Hindi na niya pinansin ang pagka-hilo niya.

"Mikay..." sambit ni Daniel na hanggang sa ospital eh sinundan sila. Hinawakan ni Daniel ang balikat ni Mikay. Hindi niya alam kung paano pagaanin ang loob ng dilag pero nararamdaman niya na sa panahong ito, kahit wala na siyang sabihin, basta may karamay lang siya ay ayos na. Pero mali siya. Mas lalong nagalit ang dalaga.

"Ano bang problema mo ha? Ano?! Lalaitin mo nanaman ako? Gago ka ba ha? Pwede ba, iwan mo na nga ako! Hindi kita kailangan!" sigaw ni Kathryn sa harap ni Daniel. Aray, sakit nun. Wala nang nagawa si Daniel. Lumabas siya ng ospital na mayroong nadaramang dinalang mabigat na pakiramdam. 

xx

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon