Chapter 5

102 3 2
                                    

Chapter 5

"Mikay..." napatigil si Mikay sa pag-singhot ng mga bulaklak. Lumginon siya doon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa kanya. Noong nakita niya kung sino iyon, napatayo siya. Isang malaki at matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Agad siyang tumakbo sa kinatatayuan ng tumawag sa kanya at pagkatapos, sinalubungan niya ito ng isang malaki at mainit na yakap. Niyakap din naman siya noong tumawag sa kanya.

"Daniel..." sambit ng dalaga. Napa-ngiti nalang ang dalawa. Sobrang ganda ng tanawin, madaming bulaklak na naka-paligid sa kanila, masarap at malamig ang dumaraos na hangin sa kanilang katawan, at napaka-ganda ng panahon. "Mahal na mahal kita, Daniel." sambit ng dalaga at pagkatapos, hinigpitan niya pa ang yakap sa binata.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Mikay." tugon ng binata. Ngumisi ito at kumalas sa pagkaka-yakap ng dalaga. Hiniwakan niya ang magkabilaang pisngi ng dalaga at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga hanggang sa kaunting-kaunti nalang ang distansya nila sa isa't-isa. "Mahal kita, sobra pa sa sobra." mag-tatagpo na sana ang labi ng dalawa ng biglang...

"ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!"

"WAAAAAAAAAAAAAH! SUNOG SUNOG! SUNOG!!!!!!!!!!" 

"Anong sunog? Ayos ka lang, teh?" tanong ni Nica sa kapatid niya.

"Jusko naman Nica, ba't ka sumisigaw?"

"Kanina pa kita ginigising, ate." tugon naman ni Nica.

"Eh ano ba kasi 'yun?"

"Male-late ka na po kasi sa trabaho mo."

"Anong oras na ba?"

"9:30 na po."

"HA?!" agad na napatayo si Kathryn sa kanyang higaan at dali-daling nag-punta ng banyo. Aakalain mong kalahi siya ni Flash dahil sobrang bilis nito kumilos. Partida, bihis na agad siya kahit wala pang 9:31. Weh, joke lang. Mga 9:33 siguro eh ayos na siya. Ang bilis eh no? Paano ba naman, dalawang minuto nalang ay mahuhuli na siya sa trabaho niya. "Nica! Nico! Bili nalang kayo ng sardinas ha? Kayo nalang mag-luto." sabi niya sa kanyang mga kapatid habang nagsu-suot ng sapatos.

Dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay nila at sa laking gulat niya, nandoon si Enrique. Wala siyang dalang kotse, sarili niya lang ang dala niya. Naka-suot siya ng sando saka ng kulay green na short, 'yung short na hanggang tuhod, tapos naka-tsinelas lang siya. "Anong ginagawa mo dito, Quen?" pagmamadaling tanong ni Kathryn.

"May trabaho ka 'diba? Sasabay sana ako sayo." tugon naman nito.

"Eh kasi, male-late na ako. Okay lang ba sayo kung tatakbo tayo?" tanong ulit nito. Walking distance lang naman kasi ang pinagtra-trabahuan ni Kathryn.

"Sige ba." hinawakan ni Enrique ang kamay ni Kathryn at tumakbo sila papalayo. Hindi naman makapag-salita si Kathryn dahil sobrang bilis tumakbo ni Enrique. Naka-rating sila ng wala sa oras sa coffee shop na pinagta-trabahuan ni Kathryn. Pumasok silang dalawa doon ng hinihingal pa. "Okay ka lang?" tanong ni Enrique na mabilis namang naka-hinga ng maayos.

"Okay...lang." tugon ng dalaga habang hinahabol ang hininga niya. Noong maayos na talaga siya, agad niyang nilapitan ang manager niya at humingi siya ng paumanhin dahil nahuli siya. Pagkatapos noon, nag-simula na siyang mag-trabaho. Naupo lang si Enrique sa isang table doon at pinagmasdan niya lang si Kathryn habang umiinom ng kape. Siguro naman eh alam niyo na na mayroong pagtingin 'tong si Enrique kay Kathryn 'diba? Mag-mula pa kasi noong mga bata sila, si Kathryn na ang lagi niyang kasama maging sa lungkot o ligaya. Eh kaso nga lang, masyadong torpe 'tong si Enrique. At huli na ang lahat, kasi nga 'di ba, may syota na si Kathryn.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon