Chapter 1

199 6 2
                                    

Medyo malaki ang pagbabago nito dun sa una. Pero sana magustuhan niyo pa rin. 

Madami kayong makikitang mura kaya beware. Di ko na kasalanan kung matuto kayong magmura dahil sa'kin. Binalaan ko na kayo.

xx

"Kyaaaah! Daniel Padilla!" sigaw ng mga babaeng baliw na baliw kay Daniel. Ito namang si Daniel, takbo ng takbo. Eh paano naman kasi? Habulin ng mga babae. Hinahabol siya ng mga babae, literally.

"Tigilan niyo na ako!" sigaw ni Daniel na hingal na hingal na sa kakatakbo pero sanay na siya dahil nga sa kanyang angking ka-gwapuhan at ka-sikatan. Pero hindi pa rin naman maaalis sa isip ni Daniel ang salitang pagkapagod. Minsan nagsasawa na siya at minsan pinagsisisihan niyang naging sikat pa siya. Pero joke lang yun. Sa totoo lang, gustong-gusto niya na hinahabol siya. Sa madaling salita, isa siyang gago.

Pero dahil napapagod na si Daniel at sobrang uhaw na siya, humagilap siya ng pwede niyang mapagtaguan at sa kasamaang palad, banyo lang ng mga babae ang nakita niyang pwedeng pagtaguan. Dahil wala na siyang ibang choice, agad na  tumakbo si Daniel papunta sa loob ng banyo at nagtago sa cubicle.

"MISS! HOY MAGBAYAD KA NAMAN! 'WAG KANG MAG-123! BUMALIK KA DITO!"

"PASENSYA NA PO TALAGA KAYO MANONG, NAIWAN KO PO TALAGA YUNG WALLET KO!" sigaw nung babae habang tumatakbo palayo. Hindi naman talaga niya naiwan ang wallet niya, sadyang wala lang siyang ma-ipambayad sa taxi. Lumingon ulit siya at nakitang hinahabol siya nung driver kaya naman agad na binilisan nung babae ang takbo niya at dali-dali siyang pumasok sa isang kwarto. Noong nakahinga na siya ng maayos, saka lang niya nalaman na napasok pala siya sa banyo at sa laking gulat niya, may lumabas na lalaki sa cubicle. Ang lalaki na 'yon ay si Daniel. "Hala! Mali ba ako ng napasukan na banyo? Ay nako! Pasensya na, sorry sorry!" sambit nung babae na halata namang nahihiya.

Napa-ngisi si Daniel dahil sa reaksyon nung babae. "Okay lang miss, ako ang nasa maling banyo. Hehe." sabi niya habang hinihimas ang batok niya. Naka-hinga naman ng maluwag yung babae. "Ugh miss, 'di mo ba ako kilala?" tanong ni Daniel.

Lumapit naman yung babae kay Daniel, pero onti lang. "Hmm..." sambit niya na para bang ini-examine ang mukha ni Daniel. "Hindi eh. Nagkita na ba tayo dati?" sagot ng babae. At dahil doon, napanga-nga si Daniel. Hindi niya akalain na mayroon pa palang babaeng hindi siya kilala.

Wala ata 'tong TV sa bahay nila eh. Isip-isip ni Daniel.

"Sure ka ba? Hindi mo ba ako napapanood sa TV?" pagtatanong niya ulit. 

"Bakit? Artista ka ba? Saka madalang lang akong manood ng TV eh." sagot niya. "Sige alis na ako."

"Teka lang, anong pangalan mo?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Masama bang mag-tanong?"

"Hindi masama mag-tanong. Kaya nga ako nag-tanong kung bakit 'di ba?"

"Aish, sabihin mo nalang ang pangalan mo!"

"Mikay."

"Mikay?! MWAHAHAHAHAHA!"

Oh bakit siya tumatawa? May sira ba 'to sa ulo? Pangalan naman ang Mikay ah!

"Maka-alis na nga. Ge. Mamatay ka sana sa kakatawa." sambit ni Mikay habang tumatawa pa rin si Daniel. Tinitigan niya muna ang binata ng masama bago siya tuluyang umalis. Si Daniel naman eh parang tanga at hindi maka-move on sa pangalang 'Mikay'. Pero ano nga ba ang nakakatawa sa ganoong pangalan? Wala naman 'di ba? Sadyang sira-ulo lang si Daniel.

Sana makita ko siya ulit. Mukhang masaya siyang kasama eh. Sambit ni Daniel sa kanyang isip bago siya umalis at lumabas ng banyo ng mga babae. At dahil doon...

"AYUN SI DANIEL! KYAAAAAAAAAAH!" at tumakbo nanaman siya ng may ngiti sa kanyang labi. 

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon