Chapter 2

156 8 4
                                    

"Hello sa mga fans ko, sana patuloy niyo akong suportahan lalo na't mayroon akong bagong ilalabas na movie. Malapit na malapit na kaya abangan niyo."  sabi ng lalaki sa TV. 

"Kat, ang gwapo talaga ni Daniel Padilla. Huhuhu." sabi ng isang babaeng napra-praning na dahil napanood niya sa TV si Daniel.

"Sino naman yun?" sagot ni Kathryn habang gumagawa ng assignment sa Chemistry.

"Ayun oh! 'Yung nasa TV!" turo naman ng kausap niya sa telebisyon. Napa-tigil saglit si Kathryn sa kanyang assignment at tinuon ang pansin sa telebisyon. Nabigla siya sa kanyang nakita. 'Yung lalaking kinababaliwan ng kausap niya eh 'yung nakita niya sa banyo noong isang araw. 

Sikat pala 'yung sira-ulong 'yun.

Napako ang tingin ni Kathryn sa telebisyon dahil kay Daniel. "Ang gwapo niya Kat noh? 'Wag ka nang aagaw! Akin na 'yan!"

Inirapan naman ni Kathryn yung kausap niya. "Alam mo Julia, sayong-sayo na. Saksak mo dyan sa matres at obaryo mo. Masama kaya ugali niyan." nagtaka naman si Julia sa sinabi ni Kathryn kaya naman tinitigan niya ito habang naka-kunot ang noo niya na para bang nag-aantay ng explanation. Nabasa naman ni Kathryn ang ekspresyon ni Julia kaya nag-kwento siya sa kaibigan. "Nakita ko siya nung isang araw. Tapos tinawanan ba naman yung pangalan ko." sabi ni Kathryn na halata namang may halong inis sa kanyang boses.

Nanlaki ang mga mata ni Julia. "NAKITA MO SI DANIEL PADILLA? OMG! HINDI NGA?! BAKA NAMAN KA-LOOK-ALIKE LANG? HOY KATHRYN MIKAY BERNARDO 'WAG MO 'KONG NILOLOKO!" sigaw niya. 

"Mukha ba akong nag-bibiro?" tanong ni Kathryn na sobrang seryoso ang mukha. "Nakita ko siya dun sa banyo ng mga babae. Bakla siguro." at dahil doon, binatukan siya ng kanyang kaibigan. Inirapan niya nalang ito at nagpatuloy sa pag-gawa ng assignment.

"Daniel, ano ang isang pangyayari na hindi mo talaga makakalimutan sa buong buhay mo?" narinig ni Kathryn ang boses ni Boy Abunda. Hindi nakatingin sa TV si Kathryn pero nakikinig siya.

"Actually tito Boy, mayroon akong hindi makalimutan na nangyari sa'kin. Siguro nangyari lang 'to noong isang araw." sagot naman ni Daniel. Dahil sa sinabi ng binata, mas lalong napako ang tenga ni Kathryn sa sunod na sasabihin ni Daniel. "Hinahabol kasi ako ng mga fans ko tapos nag-tago ako sa banyo ng mga babae. Noong wala na akong narinig na nagsisigawan, lumabas ako ng cubicle at mayroon akong nakitang babae..." at bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, bigla siyang nagpakawala ng isang mahinang tawa na naririnig pa rin dahil sa mikropono. "Bigla siyang sumigaw kasi akala niya mali yung napasok niyang banyo. Tapos akala ko naman sisigaw din siya kasi nga 'diba, artista ako. Pero iba siya tito Boy, hindi niya ako kilala."  pagku-kwento ni Daniel habang naka-ngiti ng sobrang lapad.

"Talaga? Mayroon pa palang hindi nakaka-kilala sayo? Nakilala mo ba 'yung babaeng 'yun?" tanong ulit ng chismosong si Boy Abunda.

"Ayun na nga tito Boy, tinanong ko 'yung pangalan niya tapos sinabi niya 'yung pangalan niya sa 'kin tapos sa sobrang weird ng pangalan niya, natawa ako. Ang pangalan niya daw kasi, Mikay."

"Ah. Kung nanonood man si Mikay ngayon, ano ang gusto mong sabihin?"

Itinutok naman ng camera man ang camera sa mukha ni Daniel. "Hi Mikay! Sana mag-kita tayo ulit." sabi ni Daniel at pagka-tapos nun, ang mga nanonood sa studio ay napa-'ayieeeee'. Pati naman ang kaibigan ni Kathryn na si Julia ay kinilig din at sinimulang hampas-hampasin si Kathryn sa kanyang braso.

Love ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon