CHAPTER IX - Förlorare

9 0 0
                                    

[ edited ]

"I'M SURE THE KOVRAS DID THAT," saad ni Vio habang malalim na naka-tingin sa baso nito.


Pagkatapos madatnan ni Vio ang magulong pangyayari sa loob ng bahay ni Andy ay agad itong nag-patawag ng urgent meeting sa lahat ng ka-grupo nya. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Andy sa madaling sandali, kesa isa-isahin silang sabihan. 


Kung alam lang talaga ni Vio na susugod kaagad ang KOVRAS kay Andy ay sana pinasama nya na lang ito sa magulang nya para hindi ito mapahamak. Hindi inaakala ni Vio na uunahin nila na sugudin si Andy. Dahil ba sa assistant ito ni Athena at isa ito sa mga importanteng myembro sa HERMES? Kung ganun ay dapat sya na lang inuna nila kung gusto talaga nila ng gulo.


Huminga ng malalim si Andy habang pinapanood si Vio na kunot na naka-titig sa kanyang baso. 


Ayaw nyang magpa-urgent meeting si Vio dahil alam nitong hindi na naman sya makakatulog ng maayos. Sa sobrang kilala na ni Andy ang kada-myembro nya, mas lalo na ang kanyang leader ay mas iniisip nya ang kalagayan nila kesa sa kanya.


"Sa atake pa lang ay gawa talaga nila yun. Remember what Cleo said to us before? Si Andy palang ang hindi pa nya nata-target. Kahit wala si Cleo, gagawa parin ng paraan ung leader ng KOVRAS para mapatumba si Andy," ani Mikael. 


"But that doesn't mean na kay Andy lang titigil ito. Pwedeng maulit ung pangyayari kay Andy sa isa sa atin, maybe worse. We should prepare ourselves any time and places, so pag nang-yari madali lang natin mapapa-tumba sila," dagdag naman ni Athena.


Tumango kaagad ang mga member ng HERMES gang. 


Alam nila sa sarili nila na baka sila ang susunod, na isa sa kanila ang magiging uwian na injured o may pasa sa katawan kagaya ni Andy. Ipagdadasal na lang nila na hindi lalagpas sa linya ang KOVRAS na hindi lang injury ang gagawin nila, kundi mas malala pa doon.


"Nasa loob ng kwarto ung tatlo, diba?" tanong ni Vio.


"Yes. One of them is conscious right now. Should we interrogate them or-"


"No need. I'll do it. Thanks, Gabriel." ani Vio. 


Tumango naman si Gabriel at pasimpleng sinulyapan ang tatlo na mas nakasama ng matagal ni Vio kesa sa kanilang lahat. 


Base palang sa reaksyon ng tatlo ay may 'mamamatay' ng maaga dahil ang kalmadong Vio ay mas nakakatakot kesa sa Vio na sinisigawan ka.


Tumayo si Vio sa inuupuan nya at lumakad papunta sa isang kwarto na nasa basement nila. 

i. Little BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon