[ unedited ]
"VIO, PANSININ MO NA SI SENA," malungkot na sabi ni Hikari sa kanyang kaibigan na naka-busangot na naka-tingin sa kanya.
Ilang araw ng hindi pinapansin ni Vio si Sena, at sa mga araw na yun, mas lalong naguguluhan ang kanilang kaibigan na si Sena kung anong dahilan at anong nagawa nya para makayanan ni Vio na hindi sya pansinin. Habang si Vio naman ay mas lalo lang nalulungkot at na kokonsensya sa hindi pag-pansin nya kay Sena. Kung pwede lang nya sabihin ang rason kung bakit, matagal nya na ito ginawa.
Huminga muli ng malalim si Vio at pinatong ang kanyang noo sa lamesa.
Nasa bahay sila ni Hikari nang ayain nito si Vio nung isang araw na tumambay muna sa kanyang bahay at mag-usap patungkol sa pag-iwas nito kay Sena.
Inaamin ni Vio na malaki ang bahay ng kanyang kaibigan. Parehas lang din ito sa laki ng kanilang bahay. Ang pinagkaiba lang ay wala silang katulad sa bahay ni Vio na kailangan munang lakarin ng ilang minuto pagkatapos maka-pasok sa gate bago makapunta sa pinto ng kanilang bahay.
Simple lang ang tirahan nila Hikari, pero hindi mo masasabi na hindi sila mayaman pag pinasok mo ang kanilang bahay at malaman kung anong trabaho ang ginagawa ng kanyang mga magulang.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pag-pinansin ko na sya. Anong sasabihin ko? Kailangan may rason ako kung bakit," saad ni Vio sa kanya.
Tama naman si Vio sa sinabi nya, kailangan may rason syang dala-dala bago sila mag-pansinan ni Sena. Hindi matatahimik ang kaluluha't isip ni Sena pag hindi nya nalalaman kung anong rason kung bakit hindi sya pinapansin ng kanyang kaibigan o di kaya ng mga tao na nagiging close nya.
Ang aligagang Yamazaki Sena ay mas nakakatakot, kesa sa Yamazaki Sena na hindi nakukuha ang kanyang gusto — base on experience nila Hikari at Vio.
"Sabihin mo na lang sa kanya na na drained ka lang, like ung social battery mo nasa 0% kaya hindi mo sya pinansin."
"Pero alam mo naman na magtatanong din yun kung ba't sya lang ang hindi ko pinapansin, tapos ikaw oo."
"Edi sabihin mo na mas preferred mong ako lang ang pansinin mo kesa sa kanya,"
"Kasi?"
"Kasi ano..." napa-tingin sa taas si Hikari para mag-isip ng rason na makukumbinsi talaga ang kanyang kaibigan.
Ano ba naman yan, hindi ko naman problema pero ako ung namomoblema.
BINABASA MO ANG
i. Little Bird
حركة (أكشن)DIRIGEANTES SERIES vio. Sa mundo na puro peke ng kasiyahan at memorya, binalot ng galit at mga karanasan na gusto ng kalimutan. Ayan ang mundo na bumabalot sa puso ni Vio; kahit anong takas, takbo, at ilang beses nitong kinalimutan ang nakaraan, mas...