[ unedited ]
MAINIT ANG ARAW ngayon ni Vio, hindi lang dahil sa mainit na panahon, kung hindi dahil kay Andy na nowhere to be found ng mga ilang araw na. Pagkatapos makita ni Vio si Andy sa theme park ay hindi ito nagpakita, na para bang sumama na ito sa hangin para lang taguan si Vio. Baka nagkaroon ng foresight si Andy sa ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos hindi nito ma-gets ang tingin sa kaniya ni Vio nung isang araw.
Kinamot ni Mikael ang kaniyang baba na bagong ahit lang kanina. Pinanood niya ang pabago-bagong ekspresyon ni Vio habang umiinom ng kapeng barako sa mainit na panahon. Kanina pa tinatawagan ni Mikael ang kaniyang lalakeng kaibigan, pero automatic na nage-end call ito na para bang naka-off ang kaniyang cellphone.
Pero ang phone ni Andy naka-off? Imposible. Kunin mo na ang lahat kay Andy malibang lang sa kalandian niya at ang cellphone nito. Kulang na lang ay papakasalan na ni Andy ang phone niya dahil kahit saan siya mag-punta ay bitbit nito ang phone niya. Kaya sobrang imposible talaga.
"Nahanap mo na ba si Andy?" tanong ni Vio kay Athena na kakarating lang at naka-suot pa ng uniform. Napa-tigil ng kaunti si Athena at mabilis na umiling bago lumakad papunta sa 2nd floor. Kunot noo na nag-focus ulit si Athena na tina-track ang huling araw na in-off nito ang phone ng kaniyang kaibigan. Pati rin nga sa eskwelahan nila ay hindi niya ito nakita, gusto pa nga pumunta ni Athena sa 2nd Building pero hindi siya pinapasok ng guard.
Habang nag-titipa si Athena at ang kaniyang mga ka-myembro, naka-busangot ang mukha ni Vio at nakalagay ang kaniyang baba sa dalawang kamay nito. Kinakagat-kagat nito ang ibabang labi habang iniisip kung nasaan lupalop na ba si Andy. Aminado na siya na medyo nainis siya sa ginawa ni Andy nung nagkita sila sa theme park at hanggang ngayon ay naiinis parin si Vio sa kaniya, pero sa kabila ng inis ay hindi maiwasan ni Vio na mag-alala kay Andy, mas lalo na at hindi pa nag-tatagal ang mga araw na hindi ito inatake ng KOVRAS.
Hingang malalim na sumalampak ang kaliwang pisnge ni Vio at pinapanood ang kaniyang mga ka-myembro na busy mag-hanap kay Andy. Nasaan na kaya siya? Okay lang ba ito? Sana magpakita na si Andy, kahit malaman pa ni Vio na lumalandi lang pala ito sa gilid-gilid ay okay lang, basta ligtas ito.
from: shetna
oy.
Uy ka rin. Napa-taas ang kilay ni Vio at kinuha ang phone niya nang makita ang text ni Sena sa kaniya. Akala niya kung sino ito nung una, ayun pala si Sena. Mahinang natawa si Vio nang binasa ulit ang contact name ni Sena. Hindi naman niya sinasadya na i-type niya ng ganito ang contact name ni Sena, baka lasing siya nung ginawa niya ito.
Umayos ng upo si Vio at pinatunog ang mga daliri nito na para bang papasok ito sa bagsakan. Kung sa bagay ay palagi naman na nasa bagsakan si Vio pag-nakakausap nito si Sena, kahit nga hindi nakaka-usap, basta makita lang ay parang mga aso't-pusa na kumukulo kaagad ang dugo sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
i. Little Bird
AksiyonDIRIGEANTES SERIES vio. Sa mundo na puro peke ng kasiyahan at memorya, binalot ng galit at mga karanasan na gusto ng kalimutan. Ayan ang mundo na bumabalot sa puso ni Vio; kahit anong takas, takbo, at ilang beses nitong kinalimutan ang nakaraan, mas...