CHAPTER III - Förargelse

10 1 1
                                    

[ edited ]

"BA'T DI KA pumasok kaninang umaga?" tanong ni Hikari kay Vio. Nagkibit-balikat ito habang kumakain ng chichirya.


Papasok na sana si Vio kaninang umaga pero sinalubong ito ng katamaran kaya natulog na lang sya ulit. Hindi naman din sya magigising ng kanyang kapatid dahil palagi nyang nila-lock ung pintuan at mas lalo ng kinukuha nya ang spare key sa may staff room. Kaya walang nagawa ang kanyang kuya kundi patulugin na lang sya.


"Ang tahimik talaga dito sa bahay nyo no? Kulang na lang pwede ng maging haunted house," saad ni Hikari habang nililibot ang kanyang paningin.


Malaki ang bahay ni Vio at maganda pang tingnan ito dahil mala-minimalist ang interior design ng kanilang bahay pero nga lang sobrang tahimik, at ang gumagawa lang ng ingay ay ang tv na naka-bukas ngayon at ang aso nila pero natutulog nga lang.


Sinubukan na rin dati ni Vio na magkaroon ng party sa loob ng bahay at pinagsisihan nya yun ng sobra dahil agad syang na grounded ng kanyang kuya.


"Sisihin mo kuya ko. Gusto nya tahimik ung bahay at walang kaingay-ingay. Kulang na nga lang ay papatayin nya na si Kakki kung hindi ko lang binantaan na susunugin ko lahat ng pinaghirapan nya na mga paintings," natawa si Hikari sa sinabi nito at halatang proud pa ito sa sinabi nya.


"Diba Piol ang pangalan nya? Piol Claesson?"


"Yup yup, pero wag mong babanggitin ung pangalan na yun. Tawagin mo sya sa first name nya, Vinces, ayun palagi ang tinatawag sa kanya kasi kung babanggitin mo man o tatawagin mo man syang Piol? Mag-handa ka ng manirahan sa bahay ni lucifer," ani Vio.


Agad na napa-tango si Hikari at awkward na tumawa. Kung nan dito lang ata ung kuya nya at narinig nito na sinabi ni Hikari ang kanyang pangalan ay baka nilibing na sya ng buhay.


Habang nanonood sila ng movies, napa-sulyap si Hikari sa isang picture frame. Kasama ni Vio sa picture ang kanyang ina, at ang kuya nya na si Vinces. Litong pinagmamasdan ito ni Hikari hanggang sa mapansin ito ni Vio. Kinuha ito ni Vio at tiningnan din ang picture frame.


"Ah, sorry. Nakita ko lang."


"Nah, it's okay. Picture frame lang naman ito eh," saad ni Vio sa kanya.


Habang tinitingnan ito ni Vio ay napansin ni Hikari ang pag-bago ng ekspresyon nito.


Ang naalala nya about sa pamilya ni Vio ay tatlo silang magkakapatid. Nakita at narinig nya na ung kuya nya na si Vinces at inaamin nyang may itsura ito na ikaka-hulog ng maraming babae sa kanya. Matangkad si Vinces at malaki ang katawan, ang maitim na bughaw nitong mga mata ay nagre-resemblo sa kalagitnaan ng karagatan at ang kulay ng buhok nito ay dirty blonde, mas lalo na at bumagay pa sa kanya ang katamtaman nitong kulay.

i. Little BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon